Zella/Zeke' POV
"Makapagteleport ka ba?" Tanong ni Axl sakin.
"Hindi" sabi ko. Nawalan ako ng lakas ng dahil siguro nakunan ako ng dugo.
"Hayst. Kailangan nating dumaan sa gubat. Wag kang bibitaw saking kamay para hindi ka mawala." Sabi niya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. Napangiti naman ako.
Nagsimula na kaming lumabas. Walang mga kawal na nakabantay, mukhang sumalakay na ito sa kaharian namin. Pero nakakapagtaka parin, pati sa kagubatan walang anumang mababangis nanilalang na lumitaw. Diretso lang kami ni Axl sa paglalakad habang minamanman ang paligid.
"Axl, hindi ka ba nasasaktan. Nasisilayan ka ng buwan" sabi ko nang napansin ang liwanag. Tumingin siya sakin ng may pagtataka.
"Oo nga, wala naman akong nararamdaman na kahit ano." Sabi niya sakin. "Baka dahil ito sa iyong dugo. Nung una ko palang natikman ang iyong dugo, may kakaiba akong nararamdaman. Mas lumakas ako at nagiging masigla. Pati na rin ngayon" paliwanag niya.
"Hmmm, siguro nga" maya maya ay tahimikan na ang bumabalot samin at patuloy sa paglakbay. Nakakapagod sana makateleport nalang kami.
"Axl" tawag ko nito.
"Shhhh" tugon niya sakin. Agad ko naman itong sinunod. Agad niya ako tinago sa likod.
Tack* tack* tack* - dinig namin.
Dinig namin ang mga hakbang na papalapit samin.
Pak* pak* pak* - palakpak nito.
Napaatras naman kami kaagad ni Axl nang malaman kung sino ito.
"H...haring Revo" mahina kong sambit. Ngumiti lang ito samin at may kasama siyang tig-lilima na Goleems at Leeme.
"Maligayang pagbati sayo, Mahal na Prinsesa. Tayo'y nagkita muli." Sabi niya habang nakangiting tingin sakin. Bumaling naman ang tingin niya kay Axl. "Iho....napakahusay mo! Bibigyan kita ng pabuya mamaya. Napakagaling mong umakto, paniwalang paniwala mo siya" palakpak niyang sabi.
Mas hinigpitan ni Axl ang paghawak sa aking kamay.
Huh?
Wag mong sabihin....? Palabas lang ang lahat na ito?
Napatingin agad ako kay Axl.
"Keile....mali ang iniisip mo" sabi niya.
Kaya pala......kaya pala pursigido siyang bantayan ako. Nung nasa kay Inay pa kami, plinano niya yon simula pa lang. Kaya pala, palagi siyang nandiyan pag nasa panganib na ako, baka plano na naman nila iyon. Ako naman itong umaasa, dahil naniniwala ako sa mga pinapakita niya sakin. Kaya pala, wala siyang sinabi kahit anong katiting kung mahal niya ba talaga ako.
Pilit kung bitawan ang kanyang pagkahawak. Ngunit, niyakap niya ako.
"Maniwala ka sakin Keile, please" mahinang sabi niya habang mahigpit na yakap ako.
"Axl" madiin na sabi ni Haring Revo. "Anak ko"
Anak?
"Anak, wag mo nang muling biguin ang iyong Ama" may pagbabanta na sabi ni Haring Revo.
Si Axl, kanyang Anak?
Oo nga pala, wala akong nalalaman tungkol sa kanya. Ayaw niyang magsalita pagtungkol na sa pamilya niya ang pinag-uusapan.
"Keile, makinig ka muna sakin. Pakinggan mo ako Keile." Sabi niya sakin. Humarap naman ito kay Haring Revo na puno ng galit. Lumalabas na naman ang pagiging bampira nito. "Pagod na pagod na akong makinig sayo! Simula pa lamang ay alam ko nang si Kuya ang lang ang pinapahalagahan mo. Oo!, sumunod ako sa mga utos mo. Alam ko na puro balakin lang ako sa plano mo. Ngayon...nakakita na ako ng taong nagbigay halaga sakin, kahit anong sama ang pinakita ko. Pinatawad niya parin ako.....wala na akong kinikilalang Ama!. Dahil sa simula pa lamang ay anak mo lang ako sa isa sa mga laruan mo. Inaakala mo bang hindi ko alam kung bakit namatay si Ina at ang kinikilala kung Ama? Alam na alam ko! Pinatay mo sila! At bigla ka nalang sumulpot sa buhay ko at nagpakilalang bilang tunay kong Ama." Galit niyang sigaw. Hindi ko maiwasang maawa sa kanyang sitwasyon at nawala agad ang pagdududa sa aking isipan. "Ngayon, hindi ko na hahayaang mawala ang mga importanteng tao sa buhay ko." Hindi na ako pumalag sa pagkahawak niya sakin. Kita ko ang galit na gumuhit sa mukha ni Haring Revo.
"Inutil ka talaga! Wala kang silbi! Katulad ka ng nanay mo!" Ngayon ko palang napansin, na bampira rin pala si Haring Revo at may pagkahawig sila sa mata at bibig.
ENJOY~~~~
DON'T FORGET TO VOTE~~
MALAPIT NA TALAGANG MATAPOS, WEEEEHH~~~
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasíaA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...