Prince Zack Vahara's PovAno ba ang ginagawa niya sa buhay? Nadamay pa tuloy ako sa kamalasan niya. Napauwi tuloy ako sa kaharian. At may dagdag na aasikasuhin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapalag sa kanya. Pwede ko naman siyang iwan don, dahil wala naman akong paki-alam. Pero kusang gumalaw yung katawan ko at kinarga siya.
Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Kaya inuwi ko muna siya sa kaharian namin...
Paano ba mag-alaga ng may sakit? Umaapoy ang kanyang katawan at nanginginig na ito. Nataranta ako bigla at agad na tumawag nang katulong.
"Ano po yon, Mahal na Prinsipe?" Nakayuko siya.
"Paki-alaga sa babaeng nasa kwarto, umaapoy siya sa lagnat." Sabi ko.
"Opo, mahal na prinsipe" agad siyang pumunta sa silid. Pumunta muna ako sa kusina para utusan magluto ang aming kusinero. Sa kusina na lang ako naghintay na maluto yung pinaluto ko.
Bakit ko ba ginagawa to? Ano bang nangyayare sakin? Ano bang mayron sa babaeng yon at nagkakaganito ako?
"Mahal na Prinsipe! Ang binibini! " Sabi ng katulong na nag-aalaga sa kanya.
"Leordo, pakihatid nalang ang pagkain sa silid" utos ko at Agad-agad na tumungo sa silid.
Nagulat ako sa aking nasaksihan. Sumusuka siya, pero iba. Itim ito at may halong dugo. Hinawakan ko siya. Ang init niya at lumuluha na.
"Tumawag kayo ng Pharmae!! Dalian niyo!!" Tarantang sabi ko.
"Anong nangyare sayo!?" Hindi niya ako sinagot at patuloy lang sa pagsuka.
Maya maya ay dumating na yun Pharmae, pinalabas niya kami upang makagamot na siya. Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Ano ba ang nangyayare? Sa nakikita kong kalagayan niya ay parang nalason ito. Ang mga pagsusuka ng itim na likido, ang kanyang lagnat at kay lamig ng kanyang balat nung hinawakan ko.
Mga ilang oras ay lumabas na ang Pharmae at sinabi sakin ang dahilan. Tama nga ang hinala ko!, ang nakakapagtaka nga lang ay kung saan ito nanggagaling. Ngayon ay natutulog na siya ng mahimbing. Nakahinga naman ako ng maluwang at pumunta muna saking silid para makapagpahinga.
Axl Xellion's Pov
Natapos na yung klase kaya pupuntahan ko na si Zeke. Kaklase ko nga pala ang Prinsesa ng Aife at Hara, Prinsipe ng Hara at Lendu. Kung pinagpala ka naman ay kaklase ko talaga sila. Tapos simula bukas ay sa dorm na kami titira kaya kailangan na naming maghanda.
Pagdating ko ng clinic ay wala na si Zeke, baka umuwi na yon. Hindi man lang nagpaalam sakin.
Bakit naman siya magpapa-alam sakin? - tanong sa sarili ko. Haaaaayshhh....ginulo ko nalang ang aking buhok.
Relyn Vahara's Pov
Habang sumakay ako sa karwahe ay hindi ko mapigilang pag-isipan ang sinabi ni Yealle. Hindi naman kasi marunong magsinunggaling si Yealle eh. O baka magkamali lang siya at ibang tao ang kanyang nakita.
Nakarating na ako sa kaharian namin. Kailangan ko pang mag-impake para bukas, Nasaan ba si Kuya? Magkaklase kami pero di ko siya nakita sa klase. Nagcutting kaya yon? Maalam pala si Kuya sa ganon hehe.
"Manang nandito na ho ba si Kuya?"
"Opo, nasa kanyang kwarto po ang Mahal na Prinsipe" sabi niya " Nga pala kaninang umaga ay may dinalang binibini ang iyong kuya" dagdag niya.
Babae? May dinalang babae si Kuya!!
"Sino po manang? Nasaan?"
"Hindi ko alam kung sino, pero nasa kabilang silid siya nagpapagaling.....kay ganda ng binibini" may nangyareng away ba? Maganda daw, ayiieee hehe. I'm so proud of my kuya hehe.
"Ano ho ba ang nangyare, manang?"
"Nalason kasi yung binibining dinala ng kuya mo, paalam muna Mahal na Prinsesa. Pupunta na ako sa harden" lason? Sino namang pangahas ang lalason ng tao dito sa Enchanted? Subalit nalang kung yung mga taga Dark World ay nakapasok dito.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasíaA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...