TNC 57

46 3 0
                                    

Zella/Zeke's Pov

Nandito ako ngayon sa isang malaking kweba. Napakadilim nito at wala akong nakikita. Gumawa ako ng isang maliit na maliwanag para makikita ko ang aking dinadaanan. Hanggang sa napunta ako sa dulo nito. Malawak ito, pwede nang pagpahingaan.

"Dito muna ako sa ngayon, kailangan kong magpagaling" wika ko sa sarili ko. "Ngunit paano? Kailangan ko ng dahon ng isang Malaveo, upang ito'y hihilom." Wala naman kasing halaman dito sa loob ng kweba para pagkukunan ko. Kung lalabas pa ako, ay tiyak na madadakip nila ako at hindi maaari yon.

Ssshhhhhhh.... - ingay na narinig ko

Anong ingay yon?

Ssshhhhhhh..... - ulit nito

Napalinga linga ako, nagbabasakaling makita kung nasaan nanggaling iyon. Ngunit wala talaga, nasaan ba nanggaling iyon? Baka naman may multo dito!?

"Mahal na Prinsesa" isang maliit na matinis na boses ang aking narinig. Aba't nagsasalita, 0_0 grr...

Napatingin ako sa aking paanan. Isa itong puting ahas. Gusto kong sumigaw sa kadahilang takot ako sa mga ahas. Ngunit gumaan ang aking pakiramdam. Naalala ko nung kwinento ni Inay ang tungkol sa mga puting ahas. Ito daw ang pinadala ng mga diwata, hindi sila na ngangagat kundi nagpapadala ito ng mensahi. Gumapang ito sa aking paanan, nadidiri ako sa balat nito. Ang lamig na hindi ko maipaliwanag.

Napatingin ako hanggang sa buntot nito. May dala itong dahon ng Malaveo! Ang rami pa nito. Mukhang totoo nga ang sabi-sabi, ngunit sino kaya ang nagpadala nito?

"Mahal na Prinsesa, para po sa inyo" sabi nung puting ahas. Nilagay lang niya ito sa sahig at agad na umalis.

"Maraming Salamat sa iyo"

Magalak kong kinuha ang mga dahon at nagpasalamat ulit sa ahas. Ninguyanguya ko ang dahon upang lumabas ang kanyang katas, habang ramdam ko na ang lasa ng katas ay niluwa ko ito. At pinahid sa likod, kung nasaan ang sugat. Ramdam ko ang lamig at sarap ng mga pahid nito. Pinunit ko ang laylayan ng aking damit para ipantali at nagsisilbing suporta ng dahon.

Pinatay ko ang ilaw at naglagay ng invisibility spell para hindi ako makita. Nakaupo lang ako at pinikit ang mata ko. Mas madaling tumayo at tumakas sa ganitong sitwasyon.

"Wala namang tao dito" napamulat agad ako. May nakita akong dalawang kawal sa aking harapan. Paano? Ang dali naman nila. Wala pa akong pahinga! Mapapatay ko talaga ang mga ito.

"Ngunit, randam ko talaga na may tao dito" hindi ako huminga at dahan dahang tumayo para umalis. Masakit parin yung sugat ko pero tinitiis ko ito.

Napatigil ako nang may dumating. Si...."Hali na kayo! Pinatawag na tayo!" Nasilayan ko ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala, anong koneksyon niya sa mga ito?

"Opo" agad naman silang umalis. Hindi matanggap ng kalooban ko ang nalalaman ko ngayon.

"Heto siya!!" Nanumbalik na ako sa aking katinuan ng may narinig akong sigaw.

Bwesit!, Nakikita nila ako. Naging careless. Nakita niya ako, nakangiti ito. Ibang Iba siya sa nakilala naming lahat. Yung nirerespeto ko sa lahat.

"Iha, maligayang pagbati sayo. Tayo'y muling nagkita" nakangiti ito. Iba na ang kanyang ngiti, nakakatakot.

"Inay...." Tanging sambit ko.

ENJOY~~ VOTE, VOTE, VOTE

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon