TNC 24

61 6 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Kuya? Magkapatid silang Relyn? Kailan pa? Malamang simula noon. - kausap ko sa sarili ko.

"Ahh, Oo kuya ko siya Zeke. Meet my Big Ugly Brother, Zack Vahara" wala naman pala akong alam sa buhay ni Relyn, but still I'm suprised. Maliit lang talaga ang mundo.

"Wala akong naiintindihan, paki-explain naman. Bakit nandito kayo? Sa mundong ito? Anong nangyare sa kanila? Wala na ba ang saysay sa plano kong umuwi?"

"Chill ka lang, Zeke. Sasabihin ko sayo pero ubusin niyo muna yang pagkain" na may pang-asar na tuno. "Tatawagin ko muna si Yealle para malinawan ka, bye for now. Oy kuya! Wag ka namang maging harsh kay Zeke. Pagsisihan mo talaga yan." Dagdag niya. Ano ba ang pinagsasabi niya? Napatingin lang ko kay Zack kuno ang pangalan. Nalilito rin ito kagaya sakin. Nakipagbalikat nalng ako.

"Ano? Susubuan mo pa ba ako?" Tanong ko.

"Tatawag nalang ako ng katulong, nangangalay na yung kamay ko" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin ito. Gago! Walang modo!

Tsk! Gutom pa rin ako, kaunti lang kaya ang nakain ko. Wala parin yung katulong na pinatawag ni Zack, niloloko yata ako nito.

Bumukas yung pinto akala ko yung katulong na pero si Axl pala yon. Napabangon ako kaagad hindi ko naisip yung kalagayan ko kaya agad akong natumba sa sahig.

"Pasaway ka talaga! Alam mo namang hindi ka pa magaling"  sumbat niya sakin.

"Ikaw rin naman ah! Tignan mo nga namumutla ka pa!" Turo ko sa kanyang labi habang inaalayan niya ako.

"Tigilan mo nga yan"  hinawi niya yung kamay ko.

"Salamat nga pala" hindi ako makatingin sa kanya. Nakakahiya kasi.

"Hali ka na, kumain ka na nga. Bakit ba bigla ka nalang iniwan ng prinsipeng iyon" sabi niya.

"Wag na, busog naman ako" tangi ko.

Grrrr...

"Ahh...busog pala" tumango tango siya. "Sige, aalis na ako. Wala naman akong gagawin" akmang aalis na siya pero pinigilan ko. No choice ako eh, kung hindi lang talaga ako injured.

"Akala ko ba busog ka? Diba sabi mo yan."

"Hehe joke lang yon, anu ba. Sige na please" nagpapacute pa ako, aba! Malay mo baka madala siya sa charms ko.

"Haysh, Sig-" hindi na tuloy ang kanyang sasabihin.

"No need nandito na yung katulong. Axl pwede ka ng umalis at bumalik sa silid para makapagpahinga ka." Biglang sabi ni Zack.

"Okay then" nakibitbalikat lang siya.

Bakit ba bigla bigla nalang silang umaalis?

Nakasimangot lang akong nakatingin kay Zack, tsk. Hindi niya ako pinansin. Maya maya ay dumating silang lahat maliban ni Axl na umalis. May dalawang tao akong hindi kilala pero kamukha ito nina Relyn at Zack, siguro ito yung mga magulang nila. Ang pogi at maganda parang binata at dalaga lang kagaya nina Mama at Papa.

"Maayos na ba ang iyong kalagayan, iha?" Tanong nung babae.

"Okay naman po, hmm?" Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanya.

"Tawagin mo nalang akong Tita, ako ang ina nina Relyn at Zack." Nakangiting pakilala niya.

"Ahh hehe opo" nahihiyang sagot ko.

"So, gusto kong maintindihan ang lahat. Ano ba ang nangyayare? Sino ba kayo? Anu ba kayo? At sino ba ako?" Nang sinabi ko ang huling tanong ay nakatingin ako kaya Mama. Alam kong alam niya na kung sino talaga ako. Nakita ko lang na may pag-alala sa kanyang mukhan

"I think ito na yung tamang panahon na sabihin niyo ang totoo" dagdag ko.

Natahimik lang ang lahat pagkatapos kong sabihin iyon. Parang walang gustong magsalita. Napatingin rin ako nina Yealle, Relyn at Zack. Nalilito rin sila, wala silang alam sa pangyayare pati narin yung mga magulang nina Relyn at Zack. So, ibig sabihin nito ay sina Mama at Papa lang talaga ang may alam.

Bakit ba ayaw nilang sabihin? Ano bang mayron?

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon