TNC 25

62 6 0
                                    

B Eqlle Aifer's Pov

Natakot akong sabihin sa inaanak kong si Zeke ang katotohanan. Baka layuan niya ako, magalit siya sakin. Pero wala naman akong magawa, kasalanan ko naman to. Pero dapat kong gawin ito. Siguro dapat ko nang sabihin sakanya ngunit, maliban sa-------,-------. Masisira ang plano namin nito.

Zekeile Bandete's Pov

Mukhang hindi niya talaga sasabihin sakin.

"Okay, sasabihin ko na Honey" sabi ni Mama.

"Pero, love-" pigil ni Papa.

"Okay lang, ano ka ba love. Dapat niyang malaman iyon"

Sinabi na sakin ni Mama ang lahat. Taga dito pala simula pa lamang. Sina Yealle at Relyn naman ay Magkakabata pati na rin si Zack. Kaya pala napaka misteryosa ni Relyn at si Yealle naman ay nawala ang kanyang alaala nung pagkabata niya. Pero parang may kulang.....may iba pang hindi sinasabi si Mama sakin.

Tumango tango lang ako na nagsasabing naiintindihan ko. Umiiyak si Mama, bumigat naman kaagad ang loob ko. Niyakap ko siya para patahanin at sinasabing okay lang para sakin ang pangloloko nila. Masyado ba akong naging mabait? Siguro....mahal ko lang talaga sila at ayaw ko na nakikitang nasasakatan ang mga mahal ko sa buhay.

Tinanong naman ako nina Yealle kung bakit ako napunta dito? At bakit kami nagkilala ni Axl.

Hindi ko sinabi ang parte ni Axl na muntikan na akong mapatay ng dahil sa kanya. Kundi yung paglalakbay ko lamang at ng nakilala ko si Inay na tumulong sakin.

Parang naniwala agad sila sa sinabi ko maliban kay Zack na nakataas ang kanyang kilay at matalim ang mga tingin sakin. Kinabahan nga ako pero ningisihan ko lamang siya para hindi halata.

"Ma, pwede po bang pakontact kay Inay, baka kasi nag-alala na yon saamin ni Axl"

"Sige honey" may mino-monologue si Mama at hindi ko maintindihan iyon. Baka naman ay is itong spell.

May biglang salamin sa aking harapan. Nakikita ko si Inay may  pagtataka sa kanyang mukha.

"Inay!" Masiglang bati ko.

"Nako! Iha nag-alala na kami ng Itay mo. Nasaan ba kayoni Axl, gabi na" pag-alala ni Inay. Biglang nagpakita si Mama sa salamin na ikinagulat ni Inay.

"Pasensiya na po sa inyo. Kung napagabi sina Zeke at Axl, lola"

"Nako! Mahal na Reyna, ano pong pinagsasabi niyo? Okay lang po. Pero bakit kasama niyo sina Zeke?" Takang tanong ni Inay.

"Sa totoo lang po Lola, inaanak ko po si Zeke" biglang nanlaki ang mga mata ni Lola, na shock siguro "Salamat nga pala sa pagligtas at pag-alaga ni Zeke"

"Nako! Wala po iyon Mahal na Reyna, Iha! Bakit hindi mo sinabi sakin" natawa nalang ako sa reaction ni Lola.

"Paumanhin Inay, hindi ko rin po kasi alam haha"

"Maaari bang kunin ko na si Zeke sa inyo, Lola? Matagal na kasi naming hindi nakakasama itong bata nato" paalam ni Mama.

"Ganon ho ba, sige po Mahal na Reyna" May bahid na kalungkutan nang sinabi ni Inay ang katagang iyon.

"Inay! Wag na po kayong malungkot, dadalawin naman kita diyan" pagpagaan ko sa loob ni Inay.

"Sige Iha, ikinagagalak ko iyon. Paalam muna Iha may gagawin pa ako" sabi niya.

"Sige po Inay, ingat po kayo ni Itay ha" nawala na yung salamin. Haaysh mamimiss ko sila. Saan na ang punta ko ngayon? Ibabalik ba ako sa mundo ng tao? Nako, ayaw ko na don. Mapapatay ako nina Auntie.

"Honey, bukas diba second day ng klase niyo? Umabsent ka muna. Sina Yealle na ang bahala sa excuse mo" sabi ni Mama. "Don ka na sa kaharian namin titira. Para kompleto tayo."

"Bessy! Pagkatapos ng klase namin, gagala tayo. Kami ang magiging tourist guide mo kumbaga haha" masayang sabi ni Yealle.

"Kuya! Sasama ka ba? Masaya yon!" Aya ni Relyn kay Zack. Tsk, mukhang hindi yan sasama. Napaka anti-socila.

"Pag-iisipan ko" diretsong sagot niya.
Nagtatawanan na kami sa loob ng silid. Iniinis kasi ni Relyn si Zack, mukhang gusto ko tuloy magkaroon ng kapatid.

May biglang pumasok na kawal "Mahal na Reyna at Hari, umalis na po ang binata kanina" sabi ng kawal.

Axl?

Haysh bakit ba hindi nag pa-alam sakin ang gago na yon? Hindi pa yon magaling ah. Ano ka ba Zeke, bakit naman siya magpapaalam sayo? - para na akong baliw, kinakausap sarili ko habang sila busy sa pagtatawanan.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon