TNC 10

61 6 0
                                    

Yealle Aifer's Pov

Isang buwan na ang nakakalipas bago nangyare ang insidenting iyon. Pinapatigil ni Mom ang paghahanap ni Zeke, at hindi ko alam kung bakit. Ang tanging sabi niya lang ay magtiwala ako sakanya.

Namimiss ko siya. Mag-isa nalang ako ngayon. Si Relyn ay umuwi na sakanyang kaharian. Malapit na rin ang pasukan ng Majonians Academy.

Nakapwesto ito sa Centria ang pinakasikat na skwelahan dito sa Enchanted. Most of the students of Majonians are Royal Blood. Kung hindi man dugong bughaw ay ang mga anak ng mga mayayaman. Minsan nagbibigay sila ng scholarship buwan-buwan pero sa iisang tao lamang. Ang swerte na niya pag nagkataon.

Bukas magpapa-enroll kami ni Relyn. Masyado kasing busy si Mom at Dad kaya hindi nila ako masasamahan. Gusto ko rin makapaglibot ng Centria, nakakabagot dito sa palasyo. Wala akong masyadong nakakausap o magawa.

Umagahan........

Naglilibot muna kami sa Centria bago pumunta sa paaralan. Kasama nga pala namin ang kuya ni Relyn na kanina pa nakasimangot.

"Pumunta na nga tayo sa paaralan, ayaw ko ng atensiyon" sabi ni Zack Hara, kapatid ni Relyn

"KJ mo talaga kuya! Sandali lang naman eh." Sumbat ni Relyn.

"Ayusin mo ang pananalita mo, di kita masyadong naiintindihan" Zack

"Ayaw ko nga, mamasyal ka nga minsan sa mga mundo ng tao, hindi yung palagi kang nakamukmok sa kaharian." Relyn

"Nakakapagod, wala rin lang naman akong makukuha don. Tsk" Zack

Ang saya talaga magkaroon ng kapatid. Na-alala ko tuloy si Zeke, kung nandito lang siya ngayon. Magiging kumpleto ang pamilya ko.

"Ops, tama na ang away ninyong magkapatid." Awat ko sa kanila, baka san pa ito hahantong. Kagaya nung away nila sa Kaharian ng Hara, nagsimula iyon sa pagtutukso ni Relyn hanggang sa Naglaban na sila kasama ang kanilang kapangyarihan. Galit na galit nga ang kanilang Ina dahil sira na sira ang kanilang Garden na inaalagan ng kanilang Ina.

"Tayo na sa Akademya, Relyn tantanan mo na yang kuya mo"

Naglalakad na kami patungong Majonian Academy, hindi naman kami nakakalayo kaya malapit na kami sa Gate.

Habang naglalakad kami ay may isang babaeng nakabungo kay Zack.

"Paumanhin po" sabi nung babae. At agad itong tumakbong pumasok sa Majonian Academy.

Hindi ko gaano makita ang itsura nito. Pero napakapamilyar ang tinig ng babae. Impossible, ibang-iba ito kay Zeke, pero ang pinagkaiba lamang nito ay ang buhok. Napatingin ako kay Zack, Wew... Mukhang natamaan to haha. Nakatulala lang kasi si Zack.

"Relyn! Nakita mo ba yung babae?"

"Hindi eh, ang dami talagang pogi dito" Relyn

"Haysh nako!" Napasapol nalang ako sa aking noo.


Third Person POV

May isang napakagandang dalaga na nakatira sa Centria. Mahirap lang sila ng kanyang Inay at Itay. Sa katutuhanan ay nakita lang ang dalagang ito sa isang masukal na kagubatan, maraming sugat sa katawan at punit-punit ang kanyang damit.

Sa kabutihan ng nakakita sakanya at siya'y dinala sa kanilang bahay at ginamot ng babaeng matanda. Napakaganda ng dalaga, may napakaraniwang buhok ito. Na ngayon lang nila ito nakikita. Parang abo at may halo-halo itong apat na kulay yung pula,asul,puti at kayumanggi. Makinis ang balat at kay puti na parang yelo.

Pagkagising ng dalaga ay agad nataranta ang nakakita sakanya.

"Nasaan po ako?" Tanong niya agad.

"Binibini nasa Centria ka, ano ba't ginawa mo at napakarami mong sugat nang nakita ka namin sa kagubatan?" Tanong ng matandang babae.

"May dumukot po saakin lola. Na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko nung nasa puntod ako sa akin mga magulang."

"Saan ka ba nangaling, binibini?"

"Galing po ako sa mundo ng mga tao, Ako po si Zekeile Bandete"

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon