TNC 21

61 6 0
                                    

Relyn Vahara's Pov

Nacucurious ako kung sino yung babaeng dinala ni Kuya. Kaya pinuntahan ko kung saang kwarto ito nakahimlay. Pinihit ko yung door knob upang ako'y papasok.

"Anong ginagawa mo dito Relyn?" Tanong ni kuya.

"Kuya! Nabalitaan ko may dinala kang babae dito, hehe" hindi ko makita ang mukha ng babae dahil na harangan ito.

"Maaari ko bang makilala kuya?" lumapit ako. Parang nakafreeze ako sa aking nakita.

"Hindi, ko siya kilala. Pero nakita ko siya maraming beses." Sabi ni Zack.

"Zeke..." Tanging sabi ko. Napa huh si kuya. Totoo nga! Akala ko lang nagmamalikmata lang si Yealle. Namiss ko siya, anong nangyare sa kanya? Bakit siya nandito?

"Relyn, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Pag-alala ni kuya. 

"Hindi kuya, masaya ako" lumapit ako sa kama. "Zeke, antagal mo! Anong nangyare sayo bruha ka?" Hinawakan ko yung kamay niya. Malamig pa rin ito dahil siguro hindi pa talaga siya magaling.

"Kilala mo siya? Relyn" tumango ako bilang sagot ni kuya.

"Kuya, siya yung naging kaibigan ko maliban kay Yealle. Siya ang kasama ko sa bahay" paliwanag ko.

"Kung isa siyang mortal bakit siya naririto?"

"Ang alam namin ay dinukot siya ng mga Goleem, hangang don lang. Wala na akong balita sakanya. Sobra ngang pag-alala ni Yealle nung nawala siya eh" Zeke ano bang nangyare sayo? Bakit nag-iba buhok mo?

[A: Pagmortal ka, hindi maiiba ang iyong buhok. Pero kung galing ka talaga sa Enchanted ay Iiba ito]

Tahimik lang kaming dalawa ni kuya. Mukhang may iniisip ito. Pero may napapansin akong iba, pagtumitingin siya kay Zeke parang ang lumay ng kanyang mata. Hmmm

"Kuya pakibantay muna kay Zeke ah, tatawagan ko lamang si Yealle. Talagang matutuwa siya sa balita na ihahatid ko" lumabas na ako para utusan ang mensahiro.

Bumalik na ako doon sa kwarto. Napahinto ako, nakakatuwang tignan si Kuya na nakatitig kay Zeke. Hmmm I smell something Interesting! First time to! Ngayon ko lang nakita si kuya na ganito. Ang lakas talaga ng kamandag ni Zeke namin!.

"Mahal na Prinsesa mayron po binata na naghahanap sa babae" sabi nung kawal.

"Sino siya?" Baka kasi yan ang taong naglason ni Zeke. Ang kapal niya naman!

"Hindi siya nagpakilala, Mahal na Prinsesa." Napakunot ang aking noo. Mapangahas! Anong kailangan niya kay Zeke?

Lumabas ako para tignan kung sino ito.

Axl....

"Anong ginagawa mo dito? Axl" anong ginawa ng taga dark city dito? Oo kilala namin si Axl, ngunit yung ang pangalan at kung ano ang ginagawa nito. Pribado ang kanyang katauhan kaya di namin gaano malaman ang kanyang buong pagkatao.

"Oh! Mahal na Prinsesa ng Hara, nandito ako para kunin ang aking asawa" nakangising sabi niya.

"Nagkakamali ka yata ng pinuntahan. Ngunit wala dito ang iyong hinahanap, Axl" sabi ko.

"Aking pagkaalam dinala siya ng iyong kapatid. Si Zeke ay aking kukunin na para iuwi" huh? Paano niya nakilala si Zeke? Anong plano niya?

"Sandali! Bakit mo kilala si Zeke?"

"Wala na yon sa iyo Mahal na Prinsesa" napaka walang galang! Bigla nalang siyang pumasok ng walang pasabi.

"Hintayin muna natin pag nagising na siya" huminto siya sa paglakad.

"Bakit? Anong nangyare sa kanya?" Takang tanong niya.

"Nalason siya" Ewan ko pero ang magaan ang loob ko, bilib na talaga ako kay Zeke.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon