Queen Elle of Aifer's Pov
Ano ba ang dapat kong gawin? Ngayon at alam na ni Zanne.
Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan.Dapat ko bang sabihin sa kanya?
Ngunit, dapat hindi makaalam ang Hari ng Dark World na si Haring Revo. Kapahamakan ang dala nito.May kumatok sa pinto. Baka yung mga bata na, ngunit si Mrs. Leviour pala ito.
"Paumanhin sa storbo, Mahal na Reyna" magalang na sabi nito. "Nandito po ako para humingi ng tawad dahil sa ginawa ng aking anak"
"Patawarin niyo sana ito. May sakit sa pag-iisip ang anak ko, sana maunawaan niyo." Malungkot nitong sabi.
Nakakaawa naman si Mrs. Leviour, maiintindihan ko naman siya. Pero malala ang ginawa niya sa aking inaanak na si Zeke. Masama ang pakiramdam ko kay Mrs. Leviour.
"Papalusutin kita ngayon, ngunit sa susunod ay kamatayan na ang parusa" madiin kong sabi.
"Salamat po Mahal na Reyna" sabi niya. "Aalis na po ako." Dagdag niya.
"Sige, mag-ingat ka" sabi ko.
"Opo, Mahal na Reyna" sagot niya. Lumabas na siya sa silid.
Kayo ang mag-ingat - dinig ko.
Huh? Sinong nagsalita?
Zekeile Bandete's Pov
Nasaan ba ako? Diba naglaban kami ni Zarnia? Asan na siya?. Yung mga sugat ko? /nagmamadali akong tignan ang mga sugat ko/ ngunit wala na ito. Wala man lang isang bakas na peklat. Iisang kahoy lang ang aking nakita. Napakalaki nito at napakakulay. Pamilyar ito, saan ko na ba nakita tong kahoy na to?
"Zekeile....." May narinig akong tumatawag sakin. Napakaganda nang tinig nito. Ang hinhin ng pagkabigkas.
Lumingon lingon ako kahit saan.
Nasaan ka? - isip ko
"Nasa harapan mo lang ako" sabi nito.
Nabigla naman ako nang may biglang sumulpot na babae sa aking harapan. Napakaganda ito at ang puti, para siyang si snow white na nagpa-haircolor.
"Bakit po?" Nahihiya kong sabi sa kanya.
Pansin ko lang, bakit parang magkahawig kami? Alam kong maganda ako. Ngunit, mas maganda siya sakin. Hindi ko itatangi yon at ang pinagtataka ko lang ay bakit kami magkahawig?
"Haha nakakatawa ang iyong ekspresyon binibini" natatawang sabi niya.
"Isa po ba kayong diwata? Paparusahin niyo po ba ako? Wala naman akong ginawang kasalanan. Sino po ba kayo? Nasaan po ako?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Hinay-hinay lang binibini, iisa lamang ako. Napakarami mong binatong mga tanong sakin, haha"
Nakakahiya naman, ang hinhin niyang tumawa. Samantalang ako, ang lakas ng bunganga ko.
"Wala kang ginawang kasalanan o kung ano man. Nasa kabilang buhay ka binibini---"
"Patay na po ako!?" Gulat kong tanong.
"Maaari bang patapusin mo muna ako?" Nakangiti niyang wika sakin. Nahiya naman ako sa aking inasal.
"Ahh. Paumanhin"
"Hindi ka pa patay" may kung anong spell siyang binigkas at biglang lumutang ang salamin sa harapan ko. Nakita ko sarili ko nakahiga sa kama at nag-uusap sina Mama at ang Reyna ng Centria, ano ang pinag-uusapan nila? Mukhang napakaseryoso nito. Hindi ko kasi madinig ang kanilang pinag-uusapan. "Maaari ka pang mamulat sa iyong katawan, pinatawag ko lang ang iyong espirito para makausap ko" nakangiting dagdag nito.
"Alam mo ba? Kay tagal na kitang hinintay. At sa wakas ay isinilang ka o sinilang ako muli" huh? Wala akong maiintindihan. "Itong puno na ito ay kung saan ka nanggaling. Tinatawag itong Golavae. Nasa Centro ito ng forbidden garden na pinagmamay-ari natin..............ikaw ay ako Zeke. Muli akong ipinanganak sa pamamagitan sayo."
"Wala akong maiintindihan, paano nangyare yon?"
"Hali ka at aalahanin mo ang lahat. Para mabago ang propesiya na sinasambit nila. Magpalakas tayo Zeke, at maging isa."
Unti-unting lumapit ang katawan niya sakin hanggang sa naipasok ito. Uminit ang aking pakiramdam, nabuhayan ang aking loob.
"Ako nga pala si Zella ang kambal ni Zanne" mahinang wika nito sa isipan ko.
Zanne? Ang Reyna ng Centria?
"Ngayon, iisa na tayo. Aalahanin mo ang lahat" may kung ano-anong pumasok sa aking isipan. Ito ba? Ito ba ang mga nangyayare noon? Napakalungkot. Ate ko....
"Wag mong kalimutan Zeke, iisa tayo mula nong sinilang ka. Ngayon tignan mo ang hinaharap na nakita ko noon" sabi niya sa isipan ko.
Nakakatakot ang aking nakikita. Maraming dugo ang dadanak. Yung mga kaibigan ko....si Ate...sina Mama at Papa.. At ako nakalatay sa lupa maraming dugo at yakap na yakap ni Axl, Axl.....
Hindi Maaari to.......
"Zeke....napakasakit diba? Gusto kong baguhin ang lahat na iyan. Ingatan mo ang sarili mo. Kung muli tayong mamamatay ay katapusan na nang lahat"
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...