Zella/Zeke's Pov
"Tama na!!! Tama na!!!" Nag mamakaawa ako sa kanila. Kitang kita ko ang paghihirap ni Axl.
Nagwawala na siya ngayon, dahil siguro sa sakit.
"Nasisiyahan ka ba sa iyong nakikita?" Masayang sabi niya. Galit na galit ako sakanya. Hindi nga siya si Inay dahil hindi niya ito magagawa.
"Sino ka?! Tauhan ka ba ni Haring Revo? Bakit nagpapangap ka pa!!" Galit na sabi ko sakanya. Ramdam ko ang pwersa na lumabas sakin, ang emosyon ko ang nagpapalakas ng kapangyarihan ko. "Kung sino ka man, Magpakilala ka na. Wag na wag mong kopyahin ang mukha ng aking Inay!" madiin kong sabi na may halong pagbabanta. "Papatayin kita"
Ngumiti lang ito sakin, na mas lalong kina gagalit ko. Nang-aasar ito.
"Aaaarghh!!!!" Dinig kong sigaw ni Axl.
"Sabing magpakilala ka!!" Ramdam ko ang kumukulong init ng aking katawan. Umaapoy ang paligid ko.
"Huminahon ka lang ,Iha" napatingin naman kaagad ako sakanya.
"Mrs. Levious..." Madiin kong sabi. Yung principal namin, totoo ba tong nakikita ko? O nililinlang na naman ako?. Yung nangyare noon namin ni Linda, plinano ba yon?
"Mukhang maaga akong magpapakilala sayo, Mahal na Prinsesa" nakakatakot niyang sabi. "Akala ko matagal-tagal pa akong magpapanggap bilang isang matanda. Pero agad mo akong binunyag, walang kasaya-saya. Nag-iisip pa nga ako ng isang magandang introduksyon. Pero hayaan mo na" dagdag niya.
"Traydor" nangangaliti kong sabi. May parte sa puso ko na masaya, dahil hindi isang traydor si Axl. Pero hindi ko rin iniakala na yung Principal na pinagkakatiwalaan ni Ate ang espiya samin.
"Hahahahahahaha tama ka, siguro sa oras ngayon ay nagkagulo na sa paaralan" malakas na sabi niya. Si Linda? Paniguradong traydor yon.
Nagsasambit ako ng spells at punong puno ng poot ang aking dibdib. Wala akong ibang inisip kundi yung patayin siya. Paulit ulit ko lang sinasambit yung spells hanggang sa ramdam ko na ang enerhiyang lalabas sakin.
Tumingin ako kay Mrs. Levious "Be Dead" tanging sabi ko. At agad siyang sumilampok sa mesa. Nawalan siya ng malay. Nagalaw ko na rin yung katawan ko.
Wala akong naiintindihan sa sarili ko, kusang gumalaw at lumakad papunta kay Mrs. Levious. Uminit ang aking matawan. Sinakal ko si Mrs. Levious pataas. Usok, napapaso siya saking paghawak. Saya ang aking nararamdaman, hindi ko alam ang dahilan nito ngunit natutuwa ako. Pinipilit niyang labanan ito, kaya mas hinigpitan ko pa.
Sinakal.....
Sakal....
"Ka...kaile" mahinang sabi ni Axl.
"Kaile.....kaile...ka..il...aile" paulit ulit na sabi ni Axl.
Biglang lumambot ang puso ko. At nabitawan si Mrs. Levious. "A...ano ba tong nangyayare sakin?" Natatakot kung tanong. Hi.....hindi
"Hahahahahaha" malakas na sigaw ni Mrs. Levious.
Nakakapagtaka, ano ba ang nakakatawa? Ano ang pinaplano nila?
Uminit na naman yung pakiramdam ko, gusto ko siyang patayin.
"Ka...ile wag" sabi ni Axl.
"Sige lang HAHAHA" Nababaliw na sabi ni Mrs. Levious.
"Zekeile....kalmahin mo sarili mo. Wag kang magpapadala ng iyong galit. Wag mo silang hayaang makuha ang gusto nila."
Narinig ko na naman ang boses na iyon. Ano ba ang iyong pinapahiwatig? Sino ka?
Nag-iingay si Mrs. Levious na parang baliw. Nawala yung pakiramdam ko kanina, at ngayon ay pagka-irita nalang. Sinipa ko nalang ito ng pagkalakas lakas sa ulo upang ito'y nahimatay.
Wala nang oras, kailangan na naming maka-alis dito.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasiaA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...