Zekeile Bandete's Pov
Heto ako ngayon nakaupo sa sala habang si Axl ay nasa kwarto niya. Sinesermonan nila ako, para akong bata na pinapagalitan ng kanyang Ina. Puro sila satsat wala naman akong naintindihan *pout*. Si Zack naman ay sinesermonan ako, ano bang paki niya? Ngayon ko lang siyang nakita na ganito ka daldal. Ano kayang nakain ng lalaking ito.
"Pwede na ba akong matulog? Inaantok na talaga ako, please? Nasaan pala yung kwarto ko?" Diretsong sabi ko.
"Don ka sa kwarto ko bessy" sabi ni Yealle.
"Thanks bessy!" Agad akong tumakbo papalayo. Na may patalon talon pa.
"Zeke! Hindi pa tayo tapos!" Narinig kong sigaw ni Zack. Problema niya? Kinindatan ko nalang siya at agad tumalikod. Narinig ko naman silang nagtatawanan at tinutukso si Zack. Wala na akong paki-alam don at ang iniisip nalang ay, dapat matulog na talaga ako.
Prince Zack Vahara's Pov
Gustong gusto kong pagsusuntokin sila, wala namang saysay ang panunukso nila sakin. Natulala lang naman ako saglit nung kinindatan ako ni Zeke, ano bang nakakatawa don? Mga timang talaga tong mga kasama ko.
"Alam mo kaibigan kong matalik, dapat gumagawa ka na ng paraan para makuha siya. Hindi yong takutin siya para lumayo, haha" natatawang sabi ni Daniel habang papunta sa kanyang silid at kumakaway pa.
"Damn you, Daniel! Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo" sigaw ko sa kanya.
"Ayiiieee natuto na si kuya sa mga salitang mortal" tukso ni Relyn. Paano ko hindi malalaman ang katagang iyan?, eh palagi namang sinasambit ni Relyn.
"Tsk. Matulog na nga kayo, wag niyo na akong guguluhin" umalis na ako don.
Maaga pa bukas kailangan kong magtraining. Hindi ko macontrol ang itim kong apoy, pati sarili ko napapaso. Mayron akong tatlong apoy, una ay yung asul na apoy, para pampagaling ng kahit ano mang sakit o sugat. Pangalawa ay pula na apoy, ito yung ginagamit ko palagi sa panglaban. Ang huli naman ay ang pinakadelikado sa lahat, ang itim na apoy. Noong bata palang ako ay prinapraktis ko na talaga ito, pero masyado itong malakas para controlin. Minsan nga ako pa ang kinokrontrol ng apoy na ito.
Pero kay Relyn, dalawa lang ang kanyang apoy. Yong pula at asul. Hindi ko alam kung bakit mayron ako nito, pero sabi ni Mom ay ganon rin daw ang kapangyarihan ni Lolo, kaya masyado akong kina-iingatan ni Mom dahil baka daw matulad ako sa nangyari ni Lolo. Ginamit kasi ni Lolo ang kanyang itim na apoy noong nakaraang gulo, laban ito sa Dark World at dito sa Kaharian ng Vahara. Nanalo nga kami sa laban ngunit nawalan naman kami ng Magiting na Hari. Nacontrol kasi ng apoy ang Lolo ko, pagkatapos ng labanan at agad itong lumakas hanggang nagiging abo si Lolo. Bata pa lang ako noon, si Lolo ang pinakamalapit ko sa lahat. Wala man lang akong nagawa na masagip siya. Nasaharapan ko lang si Lolo noon, nakangiti ito sakin habang kinakain ito ng apoy. Gusto ko mang lapitin ito pero pinigilang ako ng buong pamilya ko. Saksi ko ang pangyayare at hanggang ngayon ay di ko magawang patawarin ang sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit namamasa ang aking mga mata. Agad ko itong pinahiran at matutulog na lamang. Bangungot na naman ito para sakin.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...