Zanne of Centria's Pov
Hindi pwede....Zella! Umiiyak na akong patungo sakanya.
"Zellaaaaaaaa!! Hindi!!" Ngumiti lang ito sakin. Lumingo lingo ako, please wag kapatid ko.
Ack! Ang sakit ng dibdib ko.
Nahulog na siya sa bangin. Wala akong paki-alam. Sinundan ko siya, pinilit kong abutin ang kanyang kamay.
"Zella.....zella" tawag ko sa kanya.
Pareho kaming nahuhulog. Malapit ko nang maabot ang kanyang kamay. Malapit na.....malapit. Hanggang sa nakuha ko ang kanyang kamay ay agad ko siyang niyakap /nasa ere parin kami habang nahuhulog/.
"Ate ko" naluluha ring sabi niya.
"Hush. Nandito lang si Ate" yakap na yakap ko siya. Habang umiiyak.
"Ate...hindi mo pa oras ngayon." Bumitiw siya sakin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Tinignan niya ako ng maigi at ngumiti ito.
"Ate....magiging mabuting Reyna ka ng Centria ha? Yung Reyna na gagalangin ng lahat hindi lang sa Centria kundi rin sa buong Enchanted...........hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal kita, Ate ko"
Napakabigat ng aking dibdib dahil sa kanyang sinabi. Hindi....hindi /lumilingo habang umiiyak/. Wala akong masabi. Bigla niya akong hinalikan sa aking labi na nakangiti.
"Ate....babalik ako" mahinang wika niya. Parang huminto kami sa pagkahulog. Napatingin ako sa baba, nakalutang nga kami!
Napatingin ako ulit ni Zella, ito'y unti-unting lumiliwanag at pinapaligiran siya ng mga paru-paru. Anong nangyayare? Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko ma-igalaw ang aking katawan. Nakakasilaw ang liwanag nito kaya napapikit ako...
...........................................................
"Zellaaaaaaaaaaaaaaaaa!!" Napamulat ako.
Nasaan ako? Silid ko to. Anong ginagawa ko dito? Nasa kagubatan kami diba? Si Zella nasaan siya?
Agad akong napabangon para puntahan si Zella sa kanyang silid. Ngunit wala ito, pinuntahan ko si Ina.
"Ina, si Zella. Nasaan?" Bungad ko nang nakita ko si Ina sa harden.
Lumingon si Ina sakin. Malungkot ang kanyang mga mata. Lumapit ito at niyakap ako bigla.
Hindi totoo yon...panaginip lang ang lahat na yon, diba?
Umiiyak si Ina at napaiyak nalang rin ako.
"I-Ina....b-bak-kit s-si Ze-Zella pa?!" Ang aking pinakamamahal na kambal.
Hihintayin kita.....pinangako mong babalik ka, sa susunod na pagbalik mo hinding hindi na kita pababayaan.
End of Flashback.....
Queen Zanne of Centria's Pov
Napakasakit aalahanin ang mapait na nangyare noon.
Tumingin ako sa nakahimlay na si Zekeile hindi ko maitatangi na may pagkahawig siya ni Zella na aking kambal, kaya akala ko nasabihan na siya ang aking kapatid.
Ramdam ko rin ang pag-gaan ng aking loob nang nakita ko siya.
Tumingin ako kay Elle,
"Elle ikaw yung pinakatalik na kaibigan ko. Alam kong may nililihim ka sakin. Sabihin mo na sakin, maawa ka" - sabi ko sa isipan ko.Mukhang nadinig niya ito kaya lumingo lingo siya sakin.
"Elle, wag mong hintayin na ako pa ang makatuklas. Mabuti kang kaibigan, ngunit hindi kita mapapatawad pag may nangyari ulit kay Zeke. Ngayon, komperma ko nang siya ang kapatid ko" madiin kong sabi. Nanlaki ang kanyang mata sa pagkabigla. Bingo! Yung reaksyon ni Elle ang nagsasabing totoo ang aking huling sinabi. Napakadali niya talagang basahin.
"Alam kong may rason ka. Ngunit wag niyong ipagdamot sakin" lumabas na ako sa silid.
Third Person's Pov
Ang hindi nila alam ay may nakadinig sa kanilang usap.
Nakangiti ito dahil sa kanyang naigalap na impormasyon.
"Paniguradong matutuwa si Haring Revo nito haha" mahina niyang sabi. Umalis na ito at pumunta sa kanyang silid kung nasaan ang kanyang anak.
"Napaka wala mo talagang silbi! Malalagot tayo sa Hari nang dahil sa ginawa mo!" Sigaw nito.
"Paumanhin Ina, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Gigil na gigil akong patayin siya, mabuti na rin at nakakuha ka nang lunas upang ako'y magising kaagad." humaba ang kuko nito at kinakambras niya ang kanyang sarili nang dahil sa gigil.
"Sa susunod na gagawin mo yon, ako'y papatay sayo. Mabuti nalang at may maganda akong balita na ikatutuwa ng Hari" nagtawanan ang mag-ina.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...