TNC 36

51 7 0
                                    

Axl Xellion's Pov

"A! Wag muna tayong pumasok nakakatamad!" Sabi ni Zarnia.

"But Z, bukas na yong Legend kailangan nating pumasok" sabi ko naman.

Masaya akong nakita ko ngayon yung Z, yung childhood friend ko. Pero may parte sakin na may kulang. Hindi niya gaano sinasabi sakin kung ano ang nagyare sa kaniya nung huli naming pagkikita. At kung bakit rin siya naparito. Hindi ko rin ramdam ang presensiya niya bilang si Z, pero nong bata pa yon. Lahat magbabago diba? Kaya binabaliwala ko ito.

Pagpasok namin sa classroom ay nakita ko si Keile nakikipag-asaran kay Zack. Mukhang nagkakamabutihan na sila ah. Para silang aso't pusa pero magandang tignan. Inalis ko na ang tingin sa kanilang dalawa at nakikipag-usap na lamang ni Zarnia. Pilitan kung ngumiti at tumawa sa harap ni Zarnia, siya yung childhood friend ko. Nakaw tingin lang ako palagi kay Keile kung ano ang ginagawa niya.

Pansin ko rin na parang ayaw ni Keile si Zarnia, hindi lang si Keile ang may ayaw kundi kay Zack at Daniel na rin. Hindi ko alam ang dahilan nito. Tapos na yung klase at niyaya na naman ako ni Zarnia, kailangan ko pang magpractice para bukas.

"Zarnia, not now. Magpractice nalang kaya tayo." Nakasimangot naman siya. Sa tuwing nakatingin ako sa kanyang mata ay parang gumagalaw yung sarili kong katawan.


Zekeile Bandete's Pov

"Ano ba Zeke! Focus!" Sigaw ni Zack. "Nagwawala yung apoy mo!"

Nabalik naman ako sa aking katinuan. Kahit saan tumatalbog yung apoy ko. Gusto ko itong pawalain pero kahit anong gawin ko ay hindi ito mawala. Natataranta na ako, bakit ganito? Palagi naman maayos to? Bakit ngayon pa nagloko.

"Zeke! Tumingin ka sa aking mata" nasa harapan ko na siya at hinawakan yung balikat ko. Napalunok ako bigla, ang lapit ng mukha niya. Y-yung l-la..b..i niya ang lapit nito. Agad ko naman siya tinulak.

"Ahh" sigaw niya. Nakita ko yung apoy natamaan sa likod ni Zack. 0_0! Nataranta naman agad ako dahil namimilipit sa sakit si Zack. Linapitan ko siya kaagad.

"Zack! I'm sorry " kinapa ko kaagad ang kanyang likod at nakita ang kanyang paso. Napakalaki nito.

"Aray! Pinalala mo lang" sabi niya sakin.

"Sorry! sorry!, hush gagamutin kita"

"Kumalma ka muna!, baka lumala lang gagawin"

Breath in...
Breath out...

tinapat ko yung kamay ko kung nasaan ang paso niya.  Nagsasambit ako ng spells na natutunan ko. Lumiwanag ito na nagsasabing tumalab ang ginamit ko.

Pagkatapos, tinignan ko kung sugat niya. Namumula na lamang ito. Haysh ang tanga mo talaga Zeke!

"Salamat" wooh! Nagpasalamat si Zack sakin.

"No! Ako yung nakasala. Paumanhin Zack!"

"Ano ba kasi ang bumagabag sa iyong isipan? At lagi kang galit at wala sayong sarili?" Tanong niya. Napatahimik nalang ako.

"Si Axl ba?" Tumingin ako sa kanya at tumango. Masyado bang honest? Wala na kasi akong makausap. Si Yealle at Relyn naman parang binabalewala ako. Hindi na nila ako napapansin at palaging nakikisama kay Zarnia.

Bukas na yung kaarawan ko, naalala kaya nila? Bukas na rin ang Legend at hindi pa ako handa. Balita rin na dadating ang Reyna at Hari ng Centria para manood. Ayaw kong mapahiya.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon