Axl Xellion's Pov
Nanumbalik ako sa aking katinuan, nang narinig ko ang sigawan at iyakan nila.
Paano nangyare to?
Nakita ko si Zarnia sa kaliwa nakahiga ito, puno ng paso sa apoy at walang malay. Samantalang, sa kanan ay si K- Keile n..na maraming natamo na saksak at sugat. P-parang..nali...ligo na siya sa kan....yang sa...ri...ling dugo.
Yakap na yakap ni Zack ang katawan ni Keile. Ngayon ko lang nakitang lumuha si Zack, totoo nga ba? Ang pagmamahal niya kay Keile?
"Ano pa ang ginagawa niyo!! Tumawag kayo ng Pharmea!! Dalian niyo!!" utos ng Reyna ng Aife. Nag-alala rin ito sa kanyang inaanak.
Nakatayo lamang ako sa harapan nila, na para bang tumigil ang lahat nasa paligid ko.
"Ikaw ang may dahilan nito!" Sinuntok ako ni Zack, namumula ang kanyang mata. Ang kanyang pula na mata ay nagpapakitang galit na galit ito. "Paglumala ang sitwasyon niya, papatayin kita!" Dagdag niya.
Binuhat ni Zack ang madugong katawan ni Kiele. Kasama na rin ang mga kaibigan nito. Hindi nila ako pinansin at nilagpasan lamang.
"Miss Leviour, mag-usap tayo" sabi ni Reyna Zanne. Reyna ng Centria. "Ipaggaling mo na rin ang anak mo" dagdag ng Reyna.
Anak? Di Zarnia?
"Opo, Mahal na Reyna" malungkot na tugon ni Miss. Leviour.
"Hintay, Miss. Leviour. Maaari ko bang makilala ang iyong anak?, si Zarnia ba ang iyong anak?"
"Sinong Zarnia ang sinasabi mo?" Takang tanong niya. Tinuro ko naman ito.
"Paumanhin, ngunit hindi Zarnia ang pangalan ng aking anak kundi Linda, Linda Leviour" sabi niya na aking ikinagulat. "Aalis muna ako" dagdag niya. Binuhat ng mga kawal ang walang malay na katawan ni Linda.
Naloko ako.....naloko ako at nasasaktan ko si Keile.
Bakit hindi ko nakita ang panlolokong iyon? Bakit!?
Galit na galit ako sa aking sarili. Bakit hindi ko napansin? Gusto kong saktan ang aking sarili. Kasalanan ko to....kasalanan ko...paumanhin Keile at ngayon ko lang napansin.
Binabalewala ko lahat, nabulag ako. Ikaw pala yon.....ikaw yung Z ko. Ngunit, huli na ako....huli ko nang nalaman at nasaktan pa kita.
Queen Zanne's Pov
"Miss. Leviour" tawag ko.
"Mahal na Reyna, ipag-umanhin mo ang sala ng aking anak. Nagkulang ako bilang Ina niya. Ako nalang ang parusahan niyo." Lumuhod ng todo si Miss. Leviour.
"Tumayo ka, wala kang sala kundi ang iyong anak"
"Mahal na Reyna! Mahal na Reyna! Ipag walang sala mo ang aking anak. Ako nalang ang parusahin niyo" magmamakaawa niya. Umiiyak na si Miss. Leviour sa harapan ng Reyna
Ngumiti laman ako. At hinahaplos ang kanyang buhok.
"Hindi na mapaparusahan ang iyong anak. Dahil nakatangganp na ito."
"Ano po ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nito.
"Matagal tagal ang kanyang paggising, balita ko sa Pharmea. Yon lang ang parusang kailangan ko" Alam kong mababaw ang parusa na binigay ko. Ngunit alam ko ang kondisyon ni Linda kaya kinukulong ito ng kanyang ina. May sakit ito sa pag-iisip at kalahating Leeme si Linda, kaya may anyong hayop ito.
Narape si Miss. Leviour nang isang Leeme nong dalaga pa siya. At ang kanyang bunga ay si Linda. Galit na galit si Miss. Leviour sa bata noon at palagi niya itong iniisipan na patayin. Pero napamahal rin ito nang nakita ang mukha ng bata. Na parang anghel at walang sala.
"Salamat! Mahal na Reyna, kay bait niyo." Malaking ngiti ang sumalibong kay Miss. Leviour.
"Ngunit!, pag nangyari ulit ito sa kahit sino man. At lalo na kay Miss. Bandete" matalim ko siyang tinignan. "Hinding hindi kita mapapatawad kung may mangyayari sakanya. Maaari ko kayong itapon sa Dark World o bawian ng buhay" madiin kong sabi.
Iniwan ko na siya don. Papunta na ako kung saan dinala si Zekeile. Miss na miss ko na siya.
Nakita ko ang mga kaibigan niya at sina Elle at Yuan. Ningitian ko ito."Kamusta na siya?"
"Okay na ang kanyang pakiramdam Zanne, ano ang ginagawa mo dito?" Nakataas kilay na sabi niya.
"Bakit Elle? Hindi ko ba maaaring tignan ang aking kapatid" sarkastiko kong sabi na kinagulat nila.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...