Zekeile Bandete's Pov
A-aray! Sakit ng katawan ko. Ngayon pa naman ang Legend. Yung b-balakang ko Ahh-aray! Hindi ako tinantanan ni Zack sa pagtraining. Hoy! Kung ano na ang iniisip niyo ha.
Ang tahimik, maagang umalis sina Yealle. Alam ba nila o natatandaan? Kaarawan ko ngayon. Baka naman isusuprise nila ako bessy, palagi naman eh. Excited na ako.
Bumangon na ako para maligo at makapasok na rin. Nadatnan ko si Axl palabas ng banyo. Napalunok agad ako, nang nakita na topless siya. Ba't parang mas malaki pa ang katawan ni Axl kaysa ni Zack? Haysh ano ba tong iniisip ko.
Lalampasan ko lang dapat siya.
"Maligayang kaarawan Keile" at umalis na siya. Napahinto naman ko. Alam niya? - napangiti naman ako. Di ko akalain na siya ang unang babati sakin. Buti na rin no! Dahil masyado na siyang busy sa Zarnia niya. Haaysh ano ba tong iniisip ko?? / ginulo ko ang aking buhok/.
Patuloy na ako sa pagpasok sa banyo para maligo. Ang lamig grrrr... Sana naman may heater sila, di pa talaga ako nasasanay.
May biglang sumulpot na salamin sa harapan ko.
"Kyaaaaahhhhhhhh" sigaw ko.
"Honey huminahon ka, ako lang to" si Mama? Naman eh mangugulat ba naman. At dito pa sa banyo.
"Anong nang----" may biglang pumasok sa banyo. Si Axl! 0.0 agad ko siyang hinagisan ng kahit na anong madampot ko.
"Paumanhin, paumanhin" at lumabas din siya.
"Woah what a scene" natatawang sabi ni Mama.
"Ma!" Saway ko.
"Kalma honey haha, Happy Birthday pala. Manonood ako sa Legend galingin mo honey"
"Love! Papatayin ko yung lalaking yon" nandiyan pala si Papa? Nakakahiya. "Nakita niyang hubad ang aking sweety, pangahas siya!" Dagdag ni papa.
"Pa saman eh!" Pati ba naman si Papa. Tsk
"Paumanhin talaga Keile at Inang Reyna at Hari, hindi ko sinasadya." Nakita ko siya. Nasa pinto ulit
"Aaaaahhhhhhhhhu!!! Anong hindi sinasadya!!??" Sigaw ko nung nakalabas na siya. Pumasok ba naman ulit. At tinawanan lang ako ng gago.
"Maaaaaanyaaakis!!" Sigaw ko.
"Haha, una na ako sayo. Hinahanap na ako ni Zarnia"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, mukhang naka labas na siya. Tsk, Zarnia na naman"Pangahas! Sweety papatayin ko yon" nakalimutan ko na nandito pa pala sina Mama at Papa.
"Honey, see you sa Legend. Kailangan ko pang pakalmahin papa mo" nawala na yung mirror sa harapan ko. Hayshh
.............................................................
Nasa Akademya na ako, patungong Coliseum. Ang daming tao dito, nakita ko sina Mama at Papa nasa kabilang upuan sila. Iba ang upuan ng mga Reyna at Hari, nakita ko rin ang mga magulang ni Zack. Kumakaway ito sakin kaya ngumiti naman ako sakanila. Nakita ko rin ang Reyna ng Centria, ang ganda niya.
Ack! - sumakit bigla yung ulo ko.
Nasaan kaya sina Yealle?Andon! Nasa front row sila nakaupo kasama sina Axl at Zarnia. Pumunta na ako don.
"Zeke, ba't ngayon ka lang?" Sabi ni Yealle
"Wala nang upuan dito" sabi ni Relyn.
Para akong nahulog sa aking nilalagyan. Napatingin naman ako ni Zarnia na naka-smirk sakin. Totoo ba aking nakikita? O nagmamalikmata lang ako.
"Ah ganon ba? Sige maghahanap nalang ako ng ibang upuan" akma na akong umalis.
"Dito ka nalang" tumayo si Zack at inoffer niya yung upuan niya.
"Hindi, okay lang ako. Umupo ka na diyan"
"I'll go with you" sabi ni Zack. Tumayo siya at papalapit sakin. Problema nito?. Napatingin ako kat Axl. Nakatingin rin ito sakin. Problema na naman nito at masamang nakatingin sakin?
Lalaki talaga, hirap intindihin.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...