Zekeile Bandete's Pov
"Ang sarap mong magluto Axl!" Parang bata na sabi ni Relyn at pumapalak pak pa ito.
"Oo nga eh, tama ang desisyon ni Mom na sa dorm natin siya ititira haha" sang-ayon ni Yealle. Ginawa ba namang tagapag luto?. Tahimik lang si Axl, bipolar ba to? Ang dali niya namang magbago ng ugali, kanina lang ay sobrang mapang-asar tapos ngayon? Nako! Naging ewan.
Nakalimutan ko, hindi ko alam kung anong section ko. Tanga mo talaga! ( kausap ko sarili ko ). Tinignan ko yung ID nagbabalasakali na may section at kung saang silid man ako. Ang nakasulat lang don ay pangalan at a little bit of my information.
"Bessy mauna na kayo, magtatanong pa ako sa principal kung ano ang section ko" sabi ko. Tumawa lang si Yealle sakin.
"Bessy, mag kaklase tayo. Nakikita mo bang may iba't ibang kulay ng iyong ID? Ibig sabihin niyan ay nasa special section ka" sabi niya. Tinignan ko naman yung ID ko, Oo nga no. Pati narin sa kanila, magkakalse pala kaming lahat. "Btw, bessy hindi ka na pala scholar sa Akademyang ito. Binayaran ka ni Mom at ang kasunod mong mataas na score ay siya ang nakakuha ng scholarship." Hindi na niya dapat ito ginawa, haysh si Mama talaga. Pero buti na rin. May nakikita akong kulay pula, puti, asul, at puti na ID/s. Ano kanyang mga section sila?
Nang nasa hallway kami ay dinig na dinig ko ang kanilang bulungan. Bulungan na ba ito o talagang pinariringan nila ako? Tsk.
Yan yung ampon ng Reyna ng Aife diba?
Oo nga, infairness maganda siya
Ano ka ba, bulag ka ba? Ang pangit nga niya
"Wew, ang dami mong haters Zeke" sabi ni Yealle sakin.
"Oo nga, pati ba naman dito? Akala ko ba magiging maganda ang pag-aaral ko dito"
"Don't expect too much Zeke haha"
Nasa silid na kami, natatakot akong pumasok. Baka kasi kung ano ang sasabihin nila. Balita ko pa naman ay Royal family ang lahat nang nandito.
"Pumasok ka na, hinaharangan mo yung pinto" napatingin ako kung sino yon. Si Zack pala, akala ko ba nauna na sila?
Kyaaaaaaaahhhh!! - tili ng mga babae sa loob.
May ganito rin palang nangyayare? Napatingin ako kung sino ang kanilang pinagtitilian. Sina Zack, Daniel and wait! Kasama don si Axl!. Alam kong mga prinsepe at gwapo sina Zack at Daniel pero si Axl? Anong nangyare? Hindi ko naman idedeny na Gwapo talaga si Axl pero alam ba nila? Na ano si Axl? Or masyado lang talagang ma appeal. Haysh bakit ko ba naman iniisip yan. Ano kayang nangyare kahapon at ganon sila ka sikat, para akong epal dito.
Tinawag ako ni Yealle at pina-upo sa tabi niya. Salamat naman at doon ako uupo para may makausap naman ako. Ramdam ko ang bigat ng atmospera sa likod ko.
"Yealle bakit nasa likod sina Zack at Axl? At magkatabi pa ito. Nasaan si Daniel?" Tanong ko.
"Nasa tabi ko haha" parang may naamoy akong iba ahhh. Tinignan ko siya na makahulugan.
"Actually bessy, manliligaw ko yan" nahihiyang tugon niya. Nakita ko namang kumakaway si Daniel sa tabi niya, mukhang narinig niya ang usapan namin.
"Bakit ngayon mo lang sinabi!?"
"Chill bessy, masyado ka kasing busy haha, tumahimik ka na at nandiyan na yung guro sa harapan." Buti pa si bessy mayron ng lablyf, ako kaya? Napatingin ako sa likod ko. Ang tahimik naman ng dalawang to. Haysh
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...