I HOPE YOU ENJOY~~~~
WARNING! SPG! SPG!Zella/Zeke's Pov
"Axl!" Sigaw ko. Agad akong pumunta sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Puno ito ng dugo, namumula ang kanyang mga mata at lumabas ang pangil nito.
Inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang aming mata, para akong nahigop sa kanyang mga tingin.
Hingal na hingal ito, ramdam kong nanghihina at nauuhaw ito. Tinangal ko muna ang tali na nakapalibot sa kanya. Napaluhod siya habang yakap na yakap ako. Inaamoy niya yung buhok ko at napunta ito sa aking leeg. Napapikit ako sa sentasiyon na aking nararamdaman.
"Iwan muna ako" mahina niyang sabi. "Ayaw kong mapahamak ka, umalis ka na habang pinipigilan ko pa sarili ko" tinulak niya ako. Hindi niya ako tinignan kundi sa sahig lang at hingal na hingal parin.
"Hindi, hindi ako aalis!" Pagmamatigas ko. Tinignan niya ako, lumapit ako sa kanya at niyakap. Hinawakan ko yung ulo niya at hinahaplos ang kanyang napakalambot na buhok. "Inomin mo yung dugo ko" diretso kong sabi, na agaran niya akong tinulak.
"Hindi maaari, Mahal na Prinsesa. Pwede mong ipahamak ito" sabi ni Axl. Ngunit ngiti lang ang tugon ko sa kanya.
"Maniwala ka, hindi ko ikamamatay ito Axl"
Kita kong nagdadalawang isip pa ito. Pero maya-maya ay ramdam ko na ang mga matulis niyang pangil sa aking leeg. Agad akong napahawak ng mahigpit sa kanyang likod. Uminit ang aking pakiramdam. "Ahh.." Nang diniin niya ang mga pangil niya. Napabaon naman ang mga kuko ko sa kanyang likod. Ang kamay ni Axl ay kahit saan dumadapo. Hinawakan ko yung ulo niya para mas ibaon ito.
"Ke...keile" lalim hininga niyang sabi. Mas lalong uminit ang pakiramdam ko.
"A...Axl" hingal kong sabi.
Ramdam kong wala na ang mga pangil na bumaon sa leeg ko kundi yung mainit niyang dila at labi. "Ahh....axl" tawag ko.
Hindi niya pinakinggan at patuloy lang sa kanyang ginawa hanggang umabot ito sa labi ko. Hinigantihan ko naman siya ng halik. Napahawa ako ng mahigpit sa ulo niya. Mga ilang minuto ay siya na mismo ang huminto. Pareho kaming hingal na hingal sa isa't isa. Nakangiti ang nagtapat ang aming noo.
"Sa tamang oras at panahon" sabi niya. Naintindihan ko naman agad ito at agad akong napangiti. Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito. Pero hindi ko alam kung ano talaga ang kanyang nararamdaman dahil wala siyang sinasabi. Ngunit ramdam kong ganon rin siya sakin dahil sa mga pinapakita niya.
"Haha alam kong nabitin ka, ngunit may dapat pa tayong gawin. Mahal na Prinsesa" asar niya sakin.
"H-indi ahh! Ano ba pinagsasabi mo!? Tara na nga" nahiya naman ako kaagad. At agad lumakad.
"Haha hintay" sabi niya pero hindi ko pinakinggan.
Third Person POV
Habang ginawa nila iyon ay hindi nila alam na may nakakita nito at nasasakatan. Umalis nalang siya sa lugar na iyon at nagteleport papunta sa palasyo upang magbigay ng mensahe na maayos sila.
Queen Zanne's Pov
Nagkagulo na ngayon sa palasyo. Tama nga ang hinala ko, ngunit hindi ko inaasahan na napakaaga nilang dumating. Nagsilikas na ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Ang inaalala ko nalang ay ang aking kapatid.
Nasaan ka na ba Zeke?
Sana maayos lang sila....
Nasa balcony ako, pinapaligiran ng mga iilang kawal. At nasa tabi ko si Linda ang anak ng taksil! Buti at nadakip ko kaagad ito, siya ang nagturo sa lugar kung nasaan dinala ng kanyang Ina si Zeke kaya pinadala ko si Zack doon. Ang ibang Reyna at Hari at nasa loob nagpupulong kung ano ang maaring gawin. Ang mga anak nito na sina Yealle ay nakikipaglaban.
"Mahal na Reyna"
"Zack! Anong balita? Maayos lang ba kalagayan nila?"
Ngumiti lang ito ng napakalungkot "Maayos lang sila, Mahal na Reyna. Wag kang mag-alala, paparating na rin sila" mahina niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...