TNC 65

28 2 2
                                    

Prince Zack POV.

Nasaan na ba ang gagong iyon!?
Sana hindi na ako umalis, sana tiniis ko nalang ang sakit, sana nagpanggap nalang ako na hindi ko nakita iyon. Edi sana maayos si Zeke ngayon. Kasalanan ko to, naging pabaya ako. Sinisi ko pa si Axl, palagi siya nalang ang sinisi ko.

Gagawin ko ang lahat para kay Zeke, kahit ikamatay ko pa ito.

Nandito ako ngayon sa palasyo ni Harin Revo, ang tahimik. Lahat ba ay nasa labanan?

Nasan ba? Anong kwarto? Nakakalito, pareho lang ang mga desinyo at napakaraming pintuan dito. Hindi ko alam kung ano at alin ang papasukan ko.

Tumigil ako sa paglalakad at dininig ang bawat paligid. Pinakiramdaman ko ang lahat dito sa palasyo. ' Axl magsalita ka ' pakiusap ko sa aking isipan upang marinig ko kung saan siya naroroon.

' Zeke ' dinig ko sa di kalayuan. Mahal talaga nila ang isa't isa, wala na akong magagawa. Isa lang akong epal sa kanilang dalawa. Parating makalawa kay Axl. Mapait akong ngumiti, minsan lang akong magmahal, minsan lang akong tumingin sa ibang babae. At naging ganito pa sa huli, ang saklap.

Pinuntahan ko na ang kwarto kung saan ko narinig si Axl, wala dapat akong sinasyang na oras. Mamaya na itong kadramahan ko. Mas importante ang kaligtasan ng lahat. Kahit sa huli, ibang tao ang iniisip kong kapakanan kaysa sa sarili ko.

Nakita ko ang kalagayan niya, nakaposas ito habang nakaupo sa isang silya. Puno puno ng pasa at duguan, anong klaseng ama ang meron siya? At kayang gawin iti sa sarili niyan anak? Nakaramdam tuloy ako ng awa para sakanya. Napag-isipan kong si Zeke lang ang meron kay Axl at wala ng iba. Ipagkakait ko pa rin ba yon?

"Axl!" Tawag ko nito. Nakayuko ito at hirap na hirap i-angat yung mukha.

"Zack?! ikaw ba yan?" Mahinang sabi niya.

Hindi ko mapigilan ang inis ko at nasuntok ko siya.

"Aray" mahinang sabi niya

"Gago ka! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?, nakakaawa kang tignan!" Hindi siya sumagot.

"Nagkagulo na don at ano pa, hinayaan mo silang ganyanin ka? Nasaan na yung Axl na nakilala kong mayabang? Yung Axl na malakas at walang inaatrasan?" Sigaw ko sa harapan niya.

Tumawa lang ito sakin. Napangisi tuloy ako, ano ba tong ginagawa ko?

"Tama ka, salamat pre" kita kong naghilom ang kanyang mga sugat at nag-iba ang kanyang porma. Ito yung Axl na nakilala ko. "Kailangan ako ni Zeke don" mayabang na sabi niya habang nakatingin sakin.

Hindi ko maiwasang magselos sa kanila. "Dalian mo" tanging sabi ko.

"Sinong nagsabi na makakalabas kayo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon