TNC 50

63 2 0
                                    

Zekeile/Zella's Pov

Ang tahimik dito, ngayon ay nag-iisa lang ako. Natandaan ko na ang lahat. Ang tanong nalang ay, ano ang gagawin ko?

Ate ko...malapit na ako, hintayin mo lang ako.

Kailan kaya ako makaka-alis dito? /naglalaro ako ng apoy at hangin/ Ang hirap talagang mag-isa. Ang hina hina ko parin, pagnagising na talaga ako magsasanay ako ng todong- todo. Kamusta na kaya sina Ate don? Ang mga kaibigan ko? Sina Mama at Papa? Si Zack? At si.....Axl? Sana okay lang sila.

May biglang sumulpot na pintuan sa di kalayuan. Napatayo kaagad ako. Ano na naman ito? Pinuntahan ko ito at sinuri. Kakaiba, maitim siya. Bigla itong bumukas at nakakagulat ang aking nakita. Si....Haring Revo....napaatras ako bigla, paano?

"Maligayang pagbalik, Mahal na Prinsesa" nakakatakot na sabi nito.

"Papaano? At anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

"Naparito lang ako para tignan ang kalagayan mo, Mahal na Prinsesa" unti-unting nanlabo si Haring Revo kasama ang pinto. "Hanggang sa muli nating pagkikita hahaha" malademonyong sabi nito at nawala na rin ito.

Hindi pwede......malapit na ang kinatatakutan ko....malapit na.

Queen Elle's Pov

Tahimik lang kami dito sa silid kasama ang mga bata. Nang biglang nanginig ang buong katawan ni Zeke.

"Tumawag kayo ng Pharmea!!" Tarantang sigaw ni Zack.

"Honey! Anong nangyayare sayo?" Alalang tanong ko.

Lumuluha ang kanyang mga mata.

"Ate ko....ate ko...." 0_0 naalala na ba niya? Kung ganon nga, mas delikado ang buhay niya. Makilala siya nito.

"Zeke! Bessy!" Sabi nina Yaelle at Relyn.

Niyakap ko si Zeke at hinihimaas ang kanyang buhok. Ang inaanak ko, kahit ang weird man pakinggan na kababata ko siya noon ay naging inaanak ko na ngayon.

Biglang namulat ang mga mata ni Zeke, na kinabigla naming lahat. Nakayakap ito nang mahigpit sakin at umiiyak ito.

"Elle" tinawag niya akong Elle, na alala na niya.

"Zella" tanging sabi ko.

Tahimik lang kami. Yung mga bata ay may pagtataka sa kanilang mukha. Alam kong naguguluhan na sila. Umiyak ng umiyak lang si Zeke o matatawag rin nating Zella. May nangyare siguro.

"Elle....si Ate? Nasan si Ate?" Sabi ni Zeke.

Hinahanap niya si Zanne. Alam kung miss na miss na niya ito. Walang saysay ang paglilihim namin ni Reyna Victoria. Ngayon na siguro ang tamang panahon.

"Yaelle, tawagin mo ang tita Zanne mo" utos ko.

"Opo, Mom" lumabas naman si Yaelle.

Unti-unting tumahan si Zeke. Tinapik-tapik ko ang kanyang likuran.

"Ano ba ang nangyayare, tita?" Lakas loob na sabi ni Zack.

"Sasabihin ko ma---"

"Zeke!!" Biglang pumasok si Axl.

Sinalubong naman agad ng suntok ni Zack. Napahawak sa pisngi so Axl at dumugo ang kanyang labi.

"Gago! Ano ang ginagawa mo dito?" Sigaw ni Zack.

"Iho, tama na yan. Ipagpaliban mo muna ang away niyo. Ang importante ay gising na si Zeke"  awat ko sa kanila.

"Axl?" Tanong ni Zeke.

"Bakit Keile? May masakit ba sayo? Humihingi ako nangtawad. Kasalanan ko to, paumanhin Keile" niyakap ni Axl si Zeke.

Ramdam ko naman nasasaktan si Zack sa kanyang nakita. Mga kabataan talaga.

Tahimik lang si Zeke, at tulala ito. Mukhang napakalalim ang kanyang iniisip. Hindi niya pinansin si Axl na yakap yakap ito.

Ngayon na ang oras para sabihin ko sakanila.

"Ako si Zella" biglang sabi ni Zeke.

"Huh? Anu ba pinagsasabi mo bessy? Si Zella ay ang namayapang kapatid ni Reynang Zanne" nalilitong sabi ni Yaelle. Ngumiti lang ito sakanya.

"Bessy, malalaman mo rin" nakangiting tugon niya. "Ngayon na ang takdang panahon, Elle" nakatingin na naman ito sakin.

Iba man sa aking pakiramdam na tawagin akong Elle kaysa Mama, ngunit tatangapin ko.

Lame update~~~~

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon