Zekeile/Zella's Pov
Narinig namin ang lahat na paliwanag ni Elle/Mama. Para lang pala ito sa kapakanan ng lahat. Tanggap ko naman iyon. Hindi ko alam sa parte nina Yaelle at kay Ate Zanne.
"Anak ko patawarin mo ako" naluluhang sabi ni Elle/Mama. "Kahit mukhang mababaw lang ang aking dahilan, sana mapatawad niyo ako. Zanne, patawad aking kaibigan" nakakaawang tignan si Elle/Mama ngayon. Sinakripisyo niya ang sarili niyang anak para lang sakin.
Lumapit si Yaelle "Mom, I'm so proud of you" tanging sabi ni Yaelle sa kanyang anak at niyakap ito. Napaiyak naman si Elle/Mama.
"Ate Zanne?" Sabi ko. Tahimik lang kasi ito. Napalingin naman sa kanya ang lahat.
"Alam mo? Ang babaw mo Elle? Bakit mo tinago ito? Wala ka bang tiwala sakin? Alam mo naman ang hirap na dinanas ko nung nag-iisa nalang ako. Magkaibigan tayo diba? Ba't sinasarili mo? Pati si Inay! Hindi niya sinabi sakin ito. Kayong dalawa na pinagtiwalaan ko, ay kayo pa ang nanglilihim sakin" sigaw ni Ate Zanne. Umiyak lang si Elle at paulit-ulit na humingi ng paumanhin.
"Ano ba magagawa ng sorry mo? Alam mo kung ano ang ugali ko Elle! Hindi ako kagaya ni Zella na madaling mapatawad. Ngunit.....papalusutin kita ngayon. Pag-inulit mo na maging makasarili ay hindi na kita mapapatawad. Elle.....kaibigan mo ako diba? Wag kang unfair. Nandito lang naman ako para tulungan ka. Kagaya nung nag-iisa ako, nandiyan ka palagi" mahinahong sabi ni Ate. Napangiti naman ako, ang dami niya talagang satsat haha.
"Honey"
"Hmmm?"
"Ikaw pa rin naman yung Honey ko diba?" Naniniguradong tanong niya.
"Opo, ikaw parin yung Mama ko. Kahit napakaweird pakingan. Tinuring parin kitang Ina, kayo ni Papa" nakangiting sagot ko.
"Salamat, Honey" niyakap niya ako.
Sa ngayon ay naliwanagan na ang lahat.
Napatingin ako sa tatlong tao nanahimik lang sa gilid. Napakaseryoso ng kanilang mukha.
"Malapit na ang labanan" biglang sabi ko. "Sa susunod na makalawang linggo ay aking Totoong Kaarawan, kailangan nating maghanda"
"Alam ko" sabi ni Mama.
"So, hindi mo talaga kaarawan ngayon?" Takang tanong ni Axl.
"Hindi" sabi ko.
"Binigyan ko ng pekeng kaarawan si Zeke" sabi naman ni Mama.
"Anong gagawin natin?" Sabi ni Zack. Mabuti naman at nagsalita na tong dalawang to.
"Dapat isanay ang lahat ng nasa Majonian students. Ilikas muna natin ang mga mamayan dito sa Centria. Malakas ang loob ko na dito sa Centria igaganap ang labanan" seryosong sabi ni Ate. "Ang mga kawal sa iba't ibang kaharian, ipaghanda niyo. Hindi natin malalaman kung lulusubin rin kayo ng mga kaaway at.......i anunsiyo niyo ang mga tao sa darating na labanan." Madiin na sabi ni Ate, seryoso siya. Samantalang ako, ay natatakot na sa pangyayari. Yung aking nakikita sa hinaharap, ayaw kong mangyari yon.
"Wag kang mag-alala kapatid ko. Pangako ko.....hinding hindi na kita papabayaan." Mahinahong sabi ni Ate na ikaiiyak ko. Bigla ko siyang niyakap.
"Ako ang bahala kay Keile/Zeke!" Sabay na sabi nila Axl and Zack. Nagkatiningan naman ang dalawa.
"Ako na" madiin na sabi ni Zack. "Baka ano na naman ang mangyari kay Zeke" matalim na sabi ni Zack.
"No, hindi ko na siya pababayaan. Mas kaya ko siyang bantayan, Zack. Alam mo yon" madiin na sabi ni Axl
Pansin ko nga, na parating nauuna si Axl pag nasa panganib ako. Parating si Axl ang nagliligtas sakin. Ang unang umaalalay sakin. Dahil ba don kaya ako nahuhulog sa kanya at di ko napapansin si Zack.
Axl......nag-iisa lang ba ako na nakaramdam nito?
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
ФэнтезиA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...