Axl Xellion's Pov
"Sinasabi ko na nga ba! Hindi mo siya mababantayan. Dapat ako nalang yon!" Sigaw ni Zack sakin.
"Binabantayan ko siya nang maayos. Naging pabaya ako ngayon!"
"Tama na!!" Malakas na sigaw ni Reyna Zanne. Nakakatakot siyang tignan ngayon. Ibang Iba sa araw-araw na nakikita namin. Si Hari Evo naman ay pilit na pinapahinahon ang kanyang Asawa.
Pinatawag kaming lahat sa isang pagpupulong. Guhit sa kanilang mga mukha ang pag-alala at galit sa pagkawala ni Keile. Si Reyna Zanne ang mas nakakatakot dito, para bang handa na niya lusubin ang Dark World.
"Masyado silang maaga" Sabi ni Reyna Elle.
"Ihanda ang lahat na kawal, at ipagsilikas muna ang mga tao. Ramdam ko na papalapit na sila." Kalmado na ngayon si Reyna Zanne ngunit nakakatakot pa rin ito. Tinignan ako ni Reyna Zanne, "Axl...ikaw bahala sa aking kapatid, alam mo kung ano ang gagawin mo" diretsong sabi niya sakin.
Tumango nalang ako bilang sagot. Saan? Hmmm. - malamim akong nag-isip.
"Reyna Zanne, maaari bang magtanong?" Tumingin lang ito sakin. "Noong, unang pagdakip ng iyong. Saang lugar niyo siya nahanap?" Nagbabasakali lang ako, baka don na naman siya dinala.
"Hindi ko alam, ngunit naalala kong marami mga Rinusvae na tanim sa paligid." Nasa kagubatan ng Dark World, pinakacentro ng kagubatan.
"Alam ko na" nakangiti kong sagot.
"Mag-ingat ka Axl" biglang sabi ni Reyna Elle. Huh? Oo nga pala ) Light moon ngayon. Dahil sa may dugong bampira ako, hihina ang aking enerhiya. At mawawalan ako ng kontrol sa sarili.
Isang araw sa isang taon, lulutaw ang Light Moon. Hinihigop nito ang mga enerhiya na may mahika. Ngunit, ang lubos na maapektuhan nito ay kaming may dugong bampira. Pagsapit ng Light Moon, lahat ng bampira ay nasa bahay lang dapat para hindi ito masilayan ng buwan. Pag isang bampira nasilayan ng buwan, manghihina ito at nauuhaw sa dugo. Mawawalan ng kontrol at hindi na makakilala.
So, sa araw na to kailangan kong mag-ingat. Baka papalpak ako.
"Axl...suotin mo to" may binigay na isang maitim na Roba sakin si Reyna Elle. "Nagsisilbing proteksiyon mo sa buwan" dagdag niya.
Kinuha ko ito at isinuot.
"Sasama ako sakanya" pagbulontaryo ni Zack.
"Hindi Zack, kailangan ka namin dito" sabi ni Reyna Zanne.
"Pero..." Hindi natapos ang kanyang sasabihin.
"Anak, sumunod ka nalang" seryosong sabi ni Reyna Saph, ina ni Zack at Relyn.
"Pagbutihan mo, pag may nangyareng masama...mapapatay na talaga kita" pagbabanta niya sakin. Seryoso siya sa kanyang winika. Nangingitim yung mata niya, ibang Zack na nakilala namin.
Totoo ngang mahalaga sa kanilang lahat si Keile. Kahit ang pusong bato na si Zack ay napaamo niya. At ang mamamatay na taong katulad ko, binago niya. Kakaiba ka sa lahat Keile.
"Hinding hindi ko kayo bibiguin" yan nalang ang tanging nasabi ko at agad umalis.
----------------------------------------------------------
Nandito na ako sa kagubatan na sinasabi nila. Ramdam ko ang pangyayare at presensya ni Keile. Ngunit, kahit binigyan ako ng Robang Pamproteksiyon, ramdam ko parin na unti akong nanghihina.
Hindi maaari, kailangan ko nang mahanap si Keile. Bago mawalan ako ng kontrol sa sarili ko, baka masaktan ko ito.
ENJOY~~~ VOTE, VOTE, VOTE
MALAPIT NA TONG MATAPOS😍😍 GUSTO KO NA TALAGA TAPOSIN AGAD-AGAD PARA SA PANGALAWANG STORY KO.. THANKS
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...