TNC 4

105 8 0
                                    

"Ahhhhhhh Ma! Pa! Wala na akong naintindihan sa buhay na ito!, bakit niyo ginawa yon? Alam niyo bang naghihirap yong anak niyo!? I mean yung TOTOONG anak niyo! Nagiguilty ako Ma, alam kung may dahilan kayo. Pero-...pero di ko alam kung paano harapin si Yealle" Napaluhod kong sabi habang hinahaplos ang puntod ng Mr. and Mrs. Bandete.


"Ang laki ng utang na loob ko sainyo at pinalaki niyo ako ng maayos. Sana di niyo nalang ginawa yon. Dapat si Yealle ang nasa position ko. Tama na to ma, pa. Okay lang naman sakin, marami na akong utang na loob sainyo at kay Yealle"

Nasa puntod ako ng magulang ko. Magulang parin ang turing ko sakanila kahit papaano. Sana man lang nagbigay kayo ng letter bago kayo nawala o sinabihan niyo ako. Hindi ganito, wala akong alam. Ang bait ko no, ayaw ko kasing magalit sakanila. Sa totoo nga, dapat magpasalamat ako. May naging magulang ako, binigay nila ang mga kailangan ko at higit sa lahat naging masaya ako. Wala naman kasi akong makukuha sa galit.

Grrr...

"Hehe Ma! Naman ehh wag na kayong manakot. Tanggap ko naman kapalaran ko."

Grrr uhh..

"Ma,pa alam niyo namang takot ako sa multo diba. Hindi naman ako galit sainyo, naghihinayang lang ako, kung bakit hindi kayo ang naging totoong magulang ko. Sana kayo nalang." I weakly smile, napansin kong may tumutulo na tubig. Napatingin ako sa langit. Umuulan.

"Nakikisama rin ang panahon sakin" ngumiti ako at tumawa ng mahina.

May tumapik sakin, di ko gaano nakita ang mukha dahil madilim at umuulan pa.

"Ano po yon?" Baka kasi may kailangan siya.

"Ikaw ba si Yealle Bandete?"

Huh? Kailan pa naging Bandete si Yealle? Ang palaging gamit na apelyido ni Yealle ay Aifer. Yealle Aifer,alam niya ba? Baka naman masamang tao to pero infairness ang ganda ng boses niya.

"O-opo, bak-" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang ako nanghina at nawalan ng malay. Ang huli kong nakita ay nakangiti yung labi niya.



Yealle Aifer's Pov

"Nasan na ba si Zeke, sabi niya sabay kaming pupunta sa puntod"

Kasama ko ngayon si Relyn. Ang tahimik niya ngayon, dahil siguro sa nangyare.

"Yealle, a-alam ni Zeke. Nakita niya tayo sa old building"

Napahinto ako sa paglalakad at humarap kay Relyn

"Bakit ngayon mo lang sinabi! Baka mapaano si Zeke, Paano mo nalaman?" Paano na yan? Baka layuan kami ni Zeke. Si Zeke nalang ang pamilya ko at nag-iisa kong bessy.


Relyn Vahara's Pov

Habang nag-uusap kami kanina ni Yealle. May nararamdaman akong presensya ng tao. Si Zeke, siya yan. Mabuti na siguro na malaman niya ang totoo.

Wala akong hinahangad na masama sa kanila. Ang gusto ko lang ay magkalinawan at kahit papaano ay mababawasan ang bigat na problema na dinadala ni Yealle.


Yealle Aifer's Pov

Ahh, ganon pala. Ganon na ba ako kaawa-awa?. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ginawa ng magulang ko yon /Zeke's parents/. Bigla-bigla nalang silang dumating sa buhay ko nung 10 years old ako.


Flashback...

"Yealle baby, nandito daw kamo ang magulang mo" sabi ni Sister Anna.

Nasa orphanage ako. Wala akong magulang dahil sabi nila Sister Anna iniwan lang daw ako sa labas ng pintuan. Noon ko pa gustong makita yung magulang ko.

Excited na akong makita yung magulang ko. Napahinto ako sa paglalakad, sino yan? Bakit may kasama silang batang babae? Ang ganda niya. Kapatid ko ba?

"Honey, sa labas ka maglaro. Samahan mo siya sweety." Sabi nung magandang babae.

"Yey! I'll be back Ma haha, Let's go na Pa!" Hinihila yung batang babae ang Papa niya papuntang labas.

Naguguluhan ako.

Napatingin sakin yung magandang babae at ngumiti. Naging teary eyes siya.

"Anak ko" yan lang ang sinabi ng babae. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

"Anak bakit ka umiiyak?, I'm sorry kung iniwan kita dito. May dahilan ako, sana paniwalaan mo ako."

Wala akong nasabi at nakinig sakanila. Pinakita niya sakin yung baby pictures ko at yung mga magandang memories. Hindi ko daw kapatid si Zeke, anak daw siya ng kaibigan niya at ihinabilin sa kanya. Ayaw ko sanang paniniwalaan pero, sa kaloob looban ko paniwalang paniwala eh.

Nasa orphanage parin ako nakatira hanggang naging 15 ay umalis ako at tumira sa bahay na binigay nila Mom and Dad. Tuwing Birthay pupunta sila sa bahay ko, sa pasko at new year naman ay don ako sa bahay nila bilang bestfriend ni Zeke. Noon ingit na ingit ako sa kanya, bakit ganon? Ako yung totoong anak? Bakit nasa kanya ang lahat ng oras ng pamilya ko?.

Pero napagtanto ko na, okay na to. Napagmahal narin sakin si Zeke. At wala naman siyang ginawa na kasalanan sakin, wala siyang alam sa nangyayari. Kaya hinayaan ko nalang ang ganitong sitwasyon.

End of Flashback...

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon