Arrow 1

94 1 0
                                    


"Ms. Ravenlee, WHAT ARE YOU DOING?'

Shit! Bigla akong napatayo ng makarinig ako ng sigaw. I thought I was called to answer but I face palmed when I saw our teacher standing in front of me with his thick brows forming one line.

"I-I-I am... am... Hi sir!", nakagat ko ang sariling dila dahil nagmukha akong timang na na-yari ka! Kung bakit ba naman kasi nagpuyat ako kagabi, nakakahiya tuloy.

"Why in the world are you sleeping in my class?! Sigurado kana bang perfect kana sa exam?"

Exam...exam... aanhin ba yan ng gobyerno? 75 lang naman ang kelangan para pumasa. Kapit sa tenga ika nga.

"The last time na nagpa test ako sa calculus ay malaking ZERO ang nakatatak sa testpaper mo. Ayaw mo bang maperfect this time,ha?!"

"Zero? Wala nabang halaga ang two ko? Pinaghirapan ko rin yun ah", sagot ko sabay kamot sa ulo.

"Sige. TWO lang ang score mo. JUSKO TWO OUT OF 95!!"

"Well at least di zero", nag peace sign nalang ako. Hirap naman kasi pag di mo  ka vibe ang math. Ba't ba kasi may math pa eh di naman yan magagamit sa labas ng eskwelahan at bahay. Bakit? Pag kelangan kong magbayad sa jeep kelangan kwentahan gamit calculus? Pag ba bibili ako sa seven eleven kelangan ba ang suklian gamit algebra?

-__-


Eh hellooooo! Trip ko ang maging symbologist someday just like my idol Robert Langdon. Yung character sa book ni Dan Brown, yung DA VINCI CODE. But di na ata mangyayari yun, mas prefer ko ang mag cupid hunting sa daan. Hehehe...

Natapos nalang yung class na hirap akong ibuka ang mata. Damn! Kelangan ko na ata talagang tigilan ang kaadikan ko sa abs.

****

"Yan kasi tulog ka ng tulog. Buti di yun bad mood, natanggalan ata yun ng bad vibes sa anit kaya ka di sinapok", litanya ng mabait kong bff dito sa cafeteria. Di rin siya parang nanay nuh?

"yeah yeah... thank you sa concern", sarcasm noted.

"Siguro baliw kana naman sa Cupid Cupid mong yan!"

"Ay oo nga pala! Alam mo ba, may nakita akong bagong site "HOW TO FIND YOUR OWN CUPID". Eeeehhh.. alam mo ba--

"Di, di ko alam-- haller, utak please! Ngayon mo lang kaya sinabi"

POOOKKK!

"Aray ko naman! ba't ka ba nambabatok?", nahimas nito ang batok na napektusan ko.

"KJ mo sa moment ko. Patapusin mo nga muna ako sa sasabihin ko. Okee back to the topic. Yun nga sabi dun sa site ay pumunta daw ako sa isang mataong lugar at hanapin ang tao na siyang unang makaka-catch ng attention ko. Yun bang feel mong iba siya sa lahat", mahabang litanya ko na parang nag huhugis star na ang mata.

"(-_-) Sa tingin mo ba effective? parang niloloko ka lang niyan eh. Pano nalang kung gwapo lahat ng pupuntahan mo, sus, halang pa naman sa mga gwapo yang kaluluwa mo. Tulo laway kapa. Tsk!", naupo agad kami sa isang sulok dito sa caf.

Ambait ng bff ko nuh? Super laitera. Knowing her naman pag may nakitang gwapo pasimple ring nagpapacute. PWE! Kala niya siguro di ko alam. Di niya lang pinapahalata sakin dahil ayaw niyang siya naman ang alaskahin ko. Hahahahaha...

Biglang bumukas yung pintuan ng cafteria at iniluwa nun ang pinakagwapong adonis ng campus. Si DRAE JULIUS!! Pero guys, di ko siya type, ewan ko ba kung bakit. Siguro nadiscourage ako ng malaman kong crush siya ng bestfriend ko. At siya rin naman may gusto kay Vanilla, torpe nga lang. Sa sobrang tigas ng 6pack abs niya nahiya pa siyang manligaw. EEEkkkk, marami nga talagang naduduwag pag naiinlove. Hehehehe.

WE LOVE YOU DRAE!

DRAE PLEASE BE MINE!

MARRY ME OH PLEASE DRAE!

Isa lang ang masasabi ko sa lahat ng sumigaw, MALANDI. Aba pa'nong hindi? pakinggan mo naman ang mga request. Sus, how degrading! CHOS! kakahaba ng confidence si english.

Di naman sila pinansin ni DRAE, oww how sad. Buti nga sa kanila because Drae is for Vanilla and Vanilla is for Drae! Nakita ko ang paglingon ng kaibigan ko at tinakpan ang mukha ng notebook. Pinikit pa nito ang mata na para bang nagdadasal.

"Problema mo uyy?", untag ko. May sasabihin sana siya kaso naunahan na siya ng boses ni Drae.

"Uhm, Hi Winter, Hi Vanilla", napansin ko ang pagkinang ng mga mata ni Drae. Uyyyyy inlove!

"Hello Drae, kamusta?"

"Ah okay lang"

"Kuu buti nalang andito ka"

Napansin ko ang pagtingin ng bestfriend ko sakin. Alam kong alam niya na ang gagawin ko kaya pinandilatan niya ako pero ngumisi lang ako ng nakakaloko sa kanya.

"Bakit Winter me kelangan ba sana kayo?"

"Oo, gusto sanang magpasama ng bestfriend ko papuntang mall, kaso may lalakarin pako eh. Pwede bang ikaw nalang ang sumama sa kanya?" nagpapuppy eyes talaga ako para mas effective. Yun napa Oo ko siya. Face palm naman ang drama ng magaling kong bestfriend na sa pagkakaalam ko ay kinikilig rin ng pinasilent mode. Ahehehe!

"O sige mauna na ako sa inyo guys, Drae take care of my bestfriend ha. Wag yang paiiyakin kundi makakatikim ka ng karate kid sakin. At ikaw babae, wag tatanga tanga. Pag may grasya, hala sunggab", I silently received a fuck you from her. Hahahaha, Bayers mga torpe!

Lumabas na'ko ng cafeteria, nakakatamad pumasok ngayon. Tatlong subjects nalang ang papasukan ko mamya at ang malala pa, HISTORY, CHEMISTRY AT PHYSICS lang naman ang haharapin ko!!! PAKSYET NAMAN... mga PEYBORET subjects ko pa talaga. No joke, favorite ko talaga sila pero nakakatamad minsan ang paulit-ulit na lessons kaya dinededma ko nalang.

Tinalunton ko na ang secret path ko. Secret kasi ako lang may alam ng daan na yun. First time ko pa sa school na to dati ng gumala gala ako sa buong campus at madiscover ko ang path nato. Tinago ko talaga tong mabuti para ako lang ang makakaalam and guess what, after 5years ay secret parin to.

Paglabas ko ay naglakad ako palayo na parang walang nangyari kaya naman di nalang ako pinansin nung mga dumaan. Pupunta akong mall, trip kong mag window shopping. Yipppeeee!

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon