Arrow 41
*WINTER's POV*
Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Katatapos lang naming mag-usap ni Kite. Masaya ako at nakita ko na ang matalik kong kaibigan, alam kong may marami akong naging kasalanan sa kanya pero ang bait-bait niya at pinatawad niya agad ako. Maswerte ang babaeng mamahalin niya dahil sa nasa kanya na ang lahat ng katangiang hinahanap ng babae sa mundo.
Si Naveen...
Watdapak! Ba't ko ba naisip ang balot na yun? Duh! Wala akong gusto dun nuh. Masyado lang talaga yung papansin sakin kala mo naman kung sinong gwapo. At tsaka ang tipo niyang bad boy ay di ko type, mas lalo lang siyang nagiging arogante sa paningin ko. Sooobrang bipolar talo pa ang babaeng nagka mens.
Pero minsan naman bumabait, ewan ko lang kung bakit. Kahit naman kasi suplado yun may nakikita parin naman akong kabaitan sa kilikili niya.
Naglakad ako papunta sa terrace. Ang sarap langhapin ng hangin samahan mo pa na maliwanag ang buwan. Namiss ko rin ang mag sight-seeing sa buwan. Minsanan ko nalang din kasing gawin to lalo na pag nasa school ako. Tambak ako lage ng kung anu-anong projects at assignments. Minsan ay ginagawa ko ang mga ginagawa ni Kuya dati, syempre kelangan yun, ako kaya ang may-ari. Kung tutuusin ay di nako dapat nag-aral dahil nung 13 ako ay pumasok ako sa isang school kung san itetest ang IQ mo. If I pass the high school and college subjects automatic excel nako at graduate na. I passed it, kahit pa man palaging huli ang math sa grades ko that time pero di naman masyado. But t'was okay, nadale naman yun sa ibang subjects. Pero naisip ko... high school life is the best part of your teenage life so why skip it? Kaya nung nag 14 ako ay nagsimula akong mag high school. Kasabayan ko lang din naman yung nasa may LEONDALE because that school is exclusive for those students na kagaya kong nag take din ng exam para ma excel agad at magka diploma ng maaga. Pero meron din namang mas bata pa sakin. Mga 1 year younger, grade six lang yung di ko pinasukan. Kaya din makapal ang mukha kong mag zero score dahil sa may diploma nako. Hehehe... I want to be an ordinary girl kaya as much as possible I am lowering my IQ, iwas top1, iwas fame din.
But na gets niyo ba ako? Okay let me explain... I was seven ng mag grade1 ako, till nine ay nag-aral ako sa BELLEZA but naputol yun ng mamatay ang kuya. Natrauma ako't naospital hanggang 11. I recovered naman... nung malapit na akong mag 12 ay nagpasya akong mag take ng exam sa Harvard at yun nga nag excel ako and after two years ay nagka college diploma ako sa kursong FINE ARTS. But then, I realized that I'm missing the half of my life that's why pumasok ulit ako ng high school at nag live life to fullest.
Tahimik na sana akong nag-iisip ng kung anu-anong bagay ng mapansin ko ang isang pagkain sa may gilid ng terrace, a NOUGAT. Mabilis ko yung kinuha at inamoy. Mmmm... amoy masarap! Nagpalinga-linga ako, nagbabakasakaling makita ko ang nagbigay nito sa akin. At di naman ako nabigo dahil nakita ko ang parang anino niyang nagtatago sa puno na kaharap ko. Nakatingin din siya sakin pero di ko talaga maaninag ang mukha niya.
"I-ikaw ba yan? Maraming salamat!"
Para siyang nagulat dahil sa nakita kong umatras ng kunti ang kanan niyang paa.
"Please show me your face! I want to know who you are"
Pero di siya nakinig sakin, tumalikod siya at nagsimulang humakbang palayo sakin. No! I don't want him to go.
"Please... simula pa pagkabata ay ginagawa mo na to sakin. Alam kong kaedad lang kita. Alam mo rin bang namiss ko tong ginagawa mo mula nung di kana nagparamdam when I was ten. I badly needed you that time, I lost kuya at gusto kong ikaw ang unang makita ko kapag umiiyak ako. I want to show you how weak I am, and this little surprises of yours sparks me a tiny happiness. Please... magpakilala ka naman sakin", I plead.
Nilingon niya ako at natuwa naman ako because somehow his shadow seems familiar to me. Mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay. But before I reached the tree he already left. Luminga-linga pa ako, pero wala na siya. Nakaalis na.
Aalis na sana ako ng may maapakan akong ano. A handkerchief. I gasp as I saw it. This was the same handkerchief I purposely left in this tree!!! Iniwan ko to dati dito dahil sa ito ang ginamit kong medium para bigyan siya ng mensahe. Mensahe ng pasasalamat, naiyak naman ako dahil sa tinagal ng panahon ay buhay parin ito at ginagamit niya. Though ngayon nasa akin nato ay masaya ako't kahit papano ay nahawakan at naamoy niya to.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.