Arrow 53
Yun lang?
Amboring naman, akala ko pa naman ay may paakyat-akyat sa puno tapos mag ala-ninja habang naghahabulan papuntang finish line.
"Ooooohhhh... nakakachallenge!", sabi ni Emman.
San ang exciting dun? Tss... I've done this before na nuh! Kunsabagy boring talaga para sakin dahil na gawa ko na to ng maraming beses noon kaya di na bago sakin.
"Who will be our partner?"
"Oh, seatmate!"
Huh? Di ko gets?
"Kung sino yung seatmate niyo sa classroom ang siyang magiging ka-partner mo sa paghuli"
SERIOUSLY????? ANG WALANGYANG SI BALOT??
Nakita ko ang pagtingin niya sakin. Ng malaman niyang nakatitig ako ng matalim sa kanya ay ibinaling niya sa iba ang paningin.
"Uhm.. excuse me Sir. Galing po ako sa ibang section. Wala po akong partner", ani Jessica.
"Oh yes! Di ka nga pala kasali sa class ko, well you can choose who you want to be as partner"
"YES! I choose Naveen!"
"But--", angal ni Naveen.
"I prefer to be ALONE!", putol ko sa sasabihin sana ni Naveen. Mukhang nasindak ko yung mga teachers kaya napa-oo agad sila. Sorry po!
Una nakong tumayo at umalis. Ayokong magtagal dun dahil naaalibadbaran lang ako sa mga pagmumukha nilang mukhang monggol 2. Kahit kelan mga pabebe...
Kinuha ko yung pana ko sa cabin. Eversince kasi ito na ang gamit ko sa paghuli. Huminga muna ako ng malalim para mawala ang inis ko pero amputa lang! galit na galit talaga ako.
Ah no! let me rephrase it!
SELOS NA SELOS AKO!
"Humanda ka talaga sakin Jessica. Tatagain ko yang kalandian mo. Makikita mo!"
Nabigla nalang ako ng mabali ko yung hawak-hawak kong arrow. Aish! Nuhbayan...
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.