Arrow 22

30 1 0
                                    

Arrow 22

Araw ng Festival, nag make-up nako bilang isang whitelady na nireyp kaya naman nakaputi lang ako na butas-butas at punit-punit ang damit.

"Wow! Ang ganda mo Winter. White lady na white lady"

"TSE! Magtigil ka Vanilla at baka masapok kita"

"Ahahaha... sige at magtatawag nako ng customers. Bye-bye!"

Pinandilatan ko nalang siya at tumayo nako sa post ko. Five minutes before mag start ang horror spree ng may apat na maligno ang pumasok. Sino naman to?

"Anong tinitingin-tingin mo ha Nyebe?!"

Eh? Sila itlog? Napatawa ako ng malakas. Kulang nalang ay magpagulong-gulong ako sa sobrang tawa.

"Baby hands naman, wag mo naman kaming tawanan. Nahihiya na nga ako eh"

Sabi niya at idinikit ang dalawang hintuturo sa isa't-isa. Si Emman, tawa rin ng tawa dahil nakakahawa daw ang tawa ko. Si Isaiah, ayun parang nakakita ng ginto habang tumatawa ako. Si Naveen... mhen! Nag pout... imagenin niyo nalang ang isang malignong nag pout. O di ba ang pangit! Ahahaha...

"Mabilaukan ka sana"

HUk!

Napaubo ako ng mabilaukan ako sa sarili kong laway. Bwiset! Siya naman ang tumatawa ngayon.

"Shu shu! Alis nga kayo sa post ko"

Pagtataboy ko sa kanila. Binelatan lang ako ni Itlog. Pag ako naman, patay talaga sakin ang humpty dumpty na yun.

Nagsimula na ang katatakutan. Hahaha... ang Epic ng mga mukha nila, may sumigaw at tumakbo na parang ulol. May hindi naman sumigaw pero naihi sa pants. May sumisigaw na showering ang mga laway at pati uhog kasali. Ewwww... buti nalang may panyo akong dala. Yung iba brutal, sinisigawan ko lang ng AAAAAHHHHHH... aba pinagsasampal at hinahampas ako tapos sabay takbo. Kawawa naman ako, nareyp na nga ang role ko dinagdagan pa nila ng bugbog.

Nagbreak muna kami para sa lunch. Nag share narin kami ng mga experiences namin. Pero ang mas nakakatawa ay sa apat na yun, si Naveen nahampasan daw ng payong for many times. Ahahaha.. how sad! Nagningning naman ang mga mata ng classmates kong babae dahil nakikipag-usap sa kanila ang pinakamamahal nilang 4th cool. Duh!

Di ko makita sila Drae at Vanilla.

"Naku si Vanilla umalis na dahil sa start na daw ng beach volley nila" sabi ni Remalyn na classmate ko.

"Ah ganun ba?"

Kaya pala di ko na nakita ang bruha. Siguro si Drae din, ngayon din kasi ang sa swimming. Inabutan ako bigla ng towel ni Isaiah, pansin siguro niya na pawis na ko. Nginitian ko nalang siya, ngumiti rin siya pabalik sakin. Pag inom ko ng malamig na tubig ay nakaramdam ako ng biglang pagsakit ng sentido ko pero nawala rin naman pagkatapos.

Maya-maya pa ay nabigla kami ng may nagbukas ng pinto. Si Therese, humihingal na dumating.

"Captain! Simula na ng competition. Ano pang ginagawa mo?"

Ngayon na? Akala ko ba bukas pa? Letche naman oo!

"Sige papunta nako"

Ibinaba ko na ang hawak na tubig at nilagay sa balikat ang towel. Kinuha ko ang bow at arrows ko. Bigay to ni kuya sakin kaya ito ang gagamitin ko. Akmang hahawakan ako ni Naveen pero mabilis na akong tumakbo.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon