Arrow 31

36 1 0
                                    

Arrow 31

Hala..... PAGEANT NA! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!

Kinakabahan ako, grabe. Kanina pa ako nakatulala sa salamin habang inaayusan ako ni Bestie Vanilla. Naka pony tail lang ako at may ilang hibla ng buhok ko ang nahuhulog sa gilid. Simple lang din ang make up ko, tanging pale pink na lipstick lang ang bumubuhay sa mukha kong kasing puti na ng bondpaper sa sobrang nerbyos.

"Snap out of it Winter. Isipin mo nalang na kami lang na mga kaibigan mo ang audience para di ka kabahan dun sa stage"

I puff a little sigh. Sige ita-try ko nalang na isipin yun. Pero... Hmmmmppppp... di ko talaga mapigilan. Malakas parin ang kaba ko, wala na nga akong ibang marinig eh kundi ang mabilis na kaba sa dibdib ko. Para akong masusuka na ewan.

Tok! Tok! Tok!

Binuksan ni Vanilla yung pinto at nakita ko si Isaiah, Caleb, Emman at Drae.

"Hey! Ang ganda mo ata ngayon Snowflake"

Nairita ako sa sinabi Drae. Bakit ba ang hilig nilang murderin ang pangalan ko. Ang ganda ganda tapos papangitin lang nila. Bwiset to!

"You can do this Bellebee"

"Thanks Kite"

"KITE? BELLEBEE?"- silang tatlo

Nagulat ang tatlo sa sinabi namin ni Isaiah. Ay oo nga pala, di pala nila alam. Napatawa kami ng mahina ni Isaiah. Nakakabobo ng reaction nila.

"Lil Caleb, still remember that girl na sinabi ko sayo dati. Yung iyakin na tinulungan ko sa park, siya yun" si Isaiah.

"Aahh.. Oo yung girl na cru-- asdfghjkl"

Di na namin narinig ang sunod dahil sa mariin na tinakpan ni Isaiah ang bibig ni Caleb. Napatawa pa ako ng maluha si Caleb dahil sa nakagat niya daw ang dila niya. Hahaha... ang cute lang.

"Ikaw Winter ha, di ka man lang nagsasabi na may history pala kayo" biro sakin ni Emman.

Mabilis naman akong dumepensa, "Ahahaha... naku di ko rin naman alam na siya si Kite kasi sobrang nagbago na siya. Di na siya baduy. At tsaka kung di siya umamin sakin nung nasa clinic ako di ko rin malalaman"

Nagtawanan kami dahil sa sinabihan ko si Isaiah ng baduy kaya heto pinipisil-pisil niya ang pisngi kong kasing taba daw ni Jollibee. Hahaha... kahit papano ay nabawasan ang kaba ko. Bigla ay nagbukas ang pinto at pumasok si Naveen. Naka sports attire siya, car racer. Ako naman archer, syempre archery favorite ko eh. Nakangiti pa siya nung una pero bigla nalang ay naging cold ang expression niya ng makita niya kami ni Isaiah. Lumapit siya samin at...

"Goodluck", malamig niya paring sabi at nag-iwan ng nougat sa palad ko. Nakapagtataka naman ang ugali niya, bipolar talaga kahit kelan. Parang kanina lang ang kulit niya pero ngayon ang sungit-sungit na. Pinaglihi siguro siya sa juice na Four Season, andaming ugali sa isang araw.

"Anyare dun?" tanong ni Vanilla. Nagkibit-balikat lang ako. Malay ko din naman.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon