Arrow 34
*DRAE's POV*
Antagal naman ng loves ko at ni Winter. Kanina pa nag ring ang bell pero sila di parin pumupunta sa caf.
"Yow Drae" bati sakin ni Emman.
"Yow" ganti ko ding bati. Andito silang apat pero ang pinaka abstract tingnan ay si Naveen. Kita kong gulo-gulo pa ang buhok niya at naka long sleeve na white lang na tiniklop ang manggas hanggang siko. Yung necktie naman niya ay niluwangan lang, bukas pa ang unang butones kaya hantad ang sa may baba ng leeg niya. Nasa mga bulsa naman ang kamay. Ewan ko ba kung gwapo ba yang matatawag, di ko rin naman alam ang taste ng mga girls. Basta ako, Mr. Nice Guy lagi ang porma, aba syempre ito ang get-up na gusto ni Vanilla my loves. Hehehe...
"Di pa ba dumating ang tangang si Nyebe?"
Napangiti pa ako ng nagtanong si Naveen. Tsk! Kahit ilang ulit pa niyang sabihan yun ng tanga alam kong may gusto to sa kaibigan ko. In denial nga lang o torpeng kagaya ko rin.
"Di pa ba dumadating si Bellebee?"
Ito ring si Isaiah may gusto. Jusko naman... nangangamoy Triangle ang tatlo. Pero di naman siguro triangle kasi sa pagkakaalam ko, si Caleb ang gusto ni Winter. Hmmm... ay ewan! Sila ng bahala sa lovelife nilang mas komplikado pa sa math.
"Di pa eh, kanina ko pa nga sila hinihintay dito. Kung gusto niyo ay dito nalang din kayo umupo. Hilahin niyo nalang yung mesa na yun at idugtong dito" suhestyon ko, pumayag naman sila.
Maya-maya pa ay nag-order na sila. Nagningning ang mga mata ng kababaihan dahil sa kanila. Natatawa narin ako kasi kanina nung nasa pila ako ay ganun din sila kung maka tingin sakin. Di naman sa hambog ako pero alam ko gwapo ako dahil yun ang sabi ni Mama at Vanilla. Hehehe... kaya nga daw may nagkaka-crush sakin. But I don't want that kind of attention, nagmumukha akong celebrity na hilaw, hahaha.
Pagkatapos mag-order nung apat ay bumalik narin sila sa mesa namin ng matanaw ko ang pagdating nila my loves at Winter. Naibuga naman ni Caleb ang ininom na juice ng makita niya ang mukha ni Winter. Hahaha, kawawang Emman siya ang natamaan, magkatapat kasi sila sa mesa. Sobra kasing sabog si Winter, zombieng-zombie. Nakanga-nga pa dala siguro ng gutom. Si my loves ko, hayun blooming na blooming. Nagblush pa siya ng makita niya ako. Ang kyut naman.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.