Arrow 39
*Sa may PARK*
"Kyaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh... ang gwapo talaga ng idol ko. Jon Foo ikaw na!" tili ni Vanilla ng makita niya ang kanyang idol sa isang mall kanina. May celebrity visit daw kasi ang naturang mall.
"Tsk! Mas gwapo pa ako niyan" bulong ni Drae.
"May sinabi ka Drae?"
"Wala, sabi ko magpakasaya ka lang jan"
Niyaya niya si Vanilla na mag stroll kasi nga baka nabuburyong na ito sa dorm. Okay lang naman din ang lumabas sila dahil linggo ngayon. Bukas ang gate. Wala rin si Winter dahil umuwi, na miss na daw nito ang alagang hamster na si Mr. Hamilton.
"Grabe Drae di parin ako maka get-over"
"Eh di wag kang mag get-over, magpakabulok ka sa kaiisip sa kanya. Ako na kasama mo di mo mapansin tapos siya... PusangGala talaga!"
Nagmamaktol si Drae dahil sa sinabing iyun ni Vanilla. Nakakaselos yun ang nasa isip niya. Nabigla naman si Vanilla sa sinabi ni Drae, nahiya rin naman siya at the same time kasi ito na nga ang nagyaya ito pa ang dinedma niya.
"Uyy sorry na Drae. Tampo ka agad?"
"Wala naman, nagtatampo lang", sabay crossarm.
"Eh? Pareho lang naman yun"
"Kaya nga, nagtatampo ako"
BOGSH!
Nasapo ni Drae ang ulo dahil sa napermahan ni Vanilla ang kanyang bunbunan.
"Sige Drae, mag joke ka pa ng hindi funny at di lang isa ang bukol mo"
"Tss... ikaw naman kasi. Alam mo na ngang nagseselos ako"
"Pano ko naman malalaman eh--- HA?"
Nagulat si Vanilla sa narinig at bigla nalang namula ang kanyang mukha. Nahihiya siya dahil sa sinabi ng huli. Oo crush nga niya ito at alam niyang may gusto yung tao sa kanya pero di naman pwedeng siya ang manligaw. Di pa baliktad ang mundo at idol niya si Maria Clara kaya di talaga pwede.
"S-selos ka? T-totoo?" lihim siyang napamura dahil tinatraydor siya ng sariling dila.
"Oo naman..."
Tumingin ito sa kanya at inilapit ang mukha nito sa kanya. Nahigit naman niya ang hininga dahil sa kaba. Gwapo na nga ito sa malayo mas lalo pa sa malapitan. Unti-unti ay mas lumalapit pa ang mukha nito sa kanya hanggang sa maramdaman niya ang pagsagi ng ilong nito sa ilong niya. Amoy na amoy narin niya ang hininga nitong parang kakakain lang ng tictac.
"I Love You Vanilla... matagal na. I was just too afraid to tell because I don't know how to say it to you. But now that you're feeling the same way, there's no reason for me to hide it anymore", sabi nito in a husky voice.
Pero masyadong madali ang pangyayari at segundo lang ay naramdaman nalang niya ang halik nitong nakakapanlambot ng kanyang tuhod. Matutumba na sana siya ng biglang ipinulupot ni Drae ang braso nito sa beywang niya habang ang isang kamay ay nasa pisngi niya. Kinagat nito ang kanyang labi kaya naman di na siya nakapagpigil at gumanti narin ng halik.
The kiss lasted almost a minute and after that they both knew, love already found them.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.