Arrow 19

26 1 0
                                    

Arrow 19

  Nakahiga nako ngayon sa kama pero di parin dinadalaw ng antok. Grabeng amats talaga! Alas dose na, bukas pa mata ko.  Bumangon nalang ako at nagpasyang lumabas ng dorm. Alam ko labag nato sa curfew na nilagay ni kuya but I really need fresh air.

Dinala ako ng sarili kong mga paa sa hallway kung san huli kong nakita si kuya. Di naman ako yung tipo na naniniwala sa multo. Kathang-isip lang kaya yun, minsan nga eh gawa-gawa pa ng tao. But if I would be given a chance to see ghost, aba bakit hindi? To see is to believe...

Pero habang papalapit ako sa pinaka dulo ng hallway, eh hindi na multo ang nakikita ko kundi dalawang tao. Di ko lang talaga maaninag kung sino. Mabilis akong lumapit at nag kubli sa isang bukas na pintuan. Mukha silang nag-aaway. Medyo naririnig ko narin sila.

"What the hell Naveen, alam mong gusto kita. At boyfriend na kita sa ayaw at sa gusto mo!"

I gasped! Si Naveen?

"Oh fuck that Jessica, ikaw lang ang may gusto sakin. May mas mahal ako. Ba't ba kelangan mong ipagpilitan ang sarili mo sakin? Are you really that desperate?"

"Yes I am desperate to have you! Ayoko na mapunta ka sa iba. Ayokong hindi ako ang maging babae na para sayo! AYOKO!"

Nabaliw na Jessica. Ganun ba talaga niya kamahal si Naveen? Kunsabagay halata naman yun sa mga tingin niya. Kagaya rin siya nung lalake na---- Sheep! Ba't ko ba iniisip pa yun?

"Go back to your dorm Jessica. It's already midnight"

Aalis na sana si Naveen ng bigla siyang hinigit ni Jessica at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko. Live porn to! Oh My God... di ko dapat pinapanood to. Kumuwala si Naveen sa halik at mahinang itinulak si Jess.

"Pasalamat ka at may natitira pa akong respeto sayo"

Bago pa man tuluyang makaalis si Naveen ay inunahan ko na siya. Kumaripas ako ng takbo papuntang dorm. Pagdating ko ay agad kong inilock ang pinto. Takbo ulit at tumalon pa papuntang kama deretso patay sa lampshade. Hingal kabayo ang ginawa ko. Ano ba naman kasing pumasok sa kokote ko at gumala pa dis-oras ng gabi?

Sa kakatitig ko sa kisame, di ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon