Another weekend...
Nagdecide kaming dalawa ni Vanilla na umuwi muna sa mga bahay namin since matagal narin mula ng makauwi kami. I am now in my bed. Thinking about him.
Simula ng mangyari yun ay panay dikit na siya sakin. Kahit pa man naguguluhan na ang ibang mga kaibigan namin ay nananatili kaming tahimik. Pero si Kite, alam kong naiintindihan niya ang kilos namin kaya naman di nako nagtaka ng unti-unti ay lumalayo na siya sakin. Gusto ko siyang lapitan at sabihan ng mga makakapagpagaan ng loob niya.. pero may tamang salita ba akong masasabi sa kanya? Wala... that's why I'd rather let him keep his distance than hurt him more.
10:00pm
Di parin ako makatulog, I know my mom and dad are still awake. Pupuntahan ko nalang sila.
Mabilis ang mga hakbang ko papuntang library. Medyo malayo yun sa mga rooms namin dahil nasa east side pa yun ng mansion. Tss... Mansion, I really hate big spaces pero si kuya kasi dati ayaw sa mga lugar na maliit lang ang espayo kaya naman every year ay pinapa-upgrade ang bahay. I hate it. It doesn't feel normal to me anymore. I'd rather stay in a hut.
I knock three times and open the door.
"Princess?"
I heard ny dad call me. Nakakunot ang noo niya pero ang mga kamay ay nagtitipa parin sa laptop kahit paman nakatingin siya sakin.
"You look freak dad"
He chuckled. I saw mom came out from a room with two cups of coffee on her hands.
"Oh, Winter baby. Bakit gising ka pa?"
"Nah... Can't sleep", lumapit ako sa may sofa at umupo. Tinabihan naman ako ni mama. Kumuha siya ng suklay at sinuklay ang buhok ko. Tss... Old habit of my parents.
"Why? Mahirap ba ang mga trabaho mo dun sa academy?"
"Di naman. Madali lang lahat ng trabaho ko since tinutulungan din ako ni Tito Elton"
"That's good to hear", comment ni papa habang nakatingin sa laptop at mabibilis ang mga daliri sa pagtatype.
"What's bothering you then?"
Di agad ako nakasagot. Pano ko ba sasabihin kina mama to? Hayy... Bahala na!
"I think I'm inlove"
My mom's hand stop midway maski si dad ay napatanggal sa kanyang glasses.
"I know my dear parents that I'm still young... B-but even myself didn't expect this would happen", napayuko ako dahil ayokong makita nila na namumula na ako sa hiya. Gosh! Mas nakakahiya pa palang mag confess sa harap ng mga magulang mo, may kasama pang takot.
I expect them to scold me and say little mean things but I was struck in awe when they both laugh and dance infront of me.
THEY'RE DRIVING ME CRAZY!!!
"Sa wakas, dalaga na ang anak ko! Sabi ko na nga ba at babae ka. Talo ka my dear husband, hindi tomboy ang anak mo. Bwahahahaha..."
Biglang nawala ang tawa ni dad at napalitan ng mukhang puno ng pagkabagot.
"Tss... Tomorrow, 2million deposit"
"Oi oi, anong two million? 4million ang usapan! Maduga ka!"
"Di pwede tawad? May bibigyan pa akong charities at bonus sa mga empleyado"
"Manigas ka! Bayaran mo utang mo!"
"T_T sabi ko nga, walang tawaran"
WHAT THE--!!
"A-Anong two million!? four million!? May pustahan kayo?!"
"Yes my dear daughter", sabay lapit ni mama sakin at pininch ang pisngi ko.
"Cuuuttee talaga ng baby ko! Hohoho ^0^"
"Moooommm... Mashakheeettt!!!"
Pinakawalan naman ni Mom ang namumula kong pisngi. Mabilisan ko yung hinimas dahil sa sobrang sakit. Ang sadista lang.
"Si mommy Eli mo kasi Winter, sabi niya pustahan daw kami. Na magkakaboyfriend ka within this year. Syempre Umoo ako, alam mo namang amazona yan. Pumusta ako sa salungat syempre pustahan nga di ba"
Isa pa tong ama kong si David. Rarason pa eh pareha lang sila ni mmy.
"Pakilala mo siya samin baby", masayang sabi ni mom.
Sasabihin ko ba? Tsk! Of course they have to know. Pero pano kung magalit sila dahil sa apelyido ni Naveen? Di ko nalang ata sasabihin...pero kasi naghihintay sila sa isasagot.
Aish! Bahala na nga...
"Naveen Elseworth is his name"
Natahimik sila pareho, pero alam ko ang dahilan ng pagtahimik nilang yan. Hindi dahil sa galak kundi sa pagkadismaya. Sabi ko naman kasi eh, ayaw nila.
"Sa dinamirami ba naman yang apelyido pa talaga na yan nak?", sabi ni dad na nakangiti ng hilaw.
"Sorry po", sagot ko nalang. Napayuko ako at hinawakan ang laylayan ng damit ko. Kahit 18 nako ay ganto parin ang asta ko pag feeling ko eh na dissapoint ko ang parents ko.
Pero mas di ko napaghandaan ang sinabi ni mom.
"Stay away from him"
Huh! Di pwede... Mahal ko siya, mahal ko si Naveen.
"P-Pero akala ko po ba kalimutan na yung dati at patawarin na sila"
"Oo nga pero di ko sinabing magkaroon ka ng koneksyon sa kanila. At isa pa... Di bale ng ako ang magtanim ng galit kesa ikaw. Ayaw kitang maging masama. Now stay away or I will drag you myself far from him", and she turn her back to me leaving the library.
I can feel her anger. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko kahit pa maanghang sa mata at masakit sa lalamunan.
"Ganun? Ganun agad? Di ba pwedeng patunayan ko muna na mabuting tao ang pamilya ng mahal ko at si Naveen?"
"Pasensya na anak, hanggang ngayon parin kasi ay on the loose ang taong pumatay sa kuya mo at di uun matanggap ni mom Eli mo. Just understand her"
"Pero ikaw ba dad, gusto mo rin akong lumayo?"
He smiled at me and gestured me to come. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa buhok ko.
"As long as you're happy and safe with him I will not interfere my princess"
I smiled.
"Thanks dad".
Kung minsan si dad pa ang mas nakakaintindi sakin. Pareho kasi sila ni kuya na naniniwala sa mga gusto at desisyon ko sa buhay. Binibigay nila ang gusto ko dahil alam nilang kahit gaano pa kaliit ang isang bagay na meron ako ay binibigyan ko yun ng halaga. Nakakalungot lang dahil si papa nalang ang nag-iisang savior ko.
Wala na si kuya Xander ko.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.