Arrow 18
"Anong ginagawa mo dito?"
Bigla akong napalingon ng may nagsalita. Si Naveen pala. Mabilis kong pinahid yung mga luha ko.
"Kahit anong pahid mo, nakarehistro na sa maganda mong mata ang kalungkutan"
Tahimik lang ako. Di ko siya inimik. Like duh! We're enemies kaya!
"I don't talk to strangers"
Sabi ko nalang sa kanya.
"Tss... kakausap mo palang sakin ngayon" umupo siya sa may bermuda katabi ko pero di masyadong malapit. 12inches apart.
"Ulol! Pilosopo" paastig kong sagot.
"Ikaw rin naman, halata pa!"
Tatayo na sana ako para umalis pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo ulit. Biglang bundol ng isang sensasyon sakin ng hawakan niya ang kamay ko. I was electrified for just a seconds. Pero in that seconds parang milyong boltahe na ang naramdaman ko na parang kumalat mula ulo hanggang paa. Anong epekto ba yun?
Umupo ulit ako sa tabi niya. Minamasdan lang namin ang mga bulaklak sa hardin. Ang mga paru-parong lumilipad-lipad sa kada bulaklak. Buti pa sila ang laya nila. May mga pakpak, kaya nilang takasan ang kung sino man na handa silang saktan.
"Sana may pakpak nalang din ako para malaya kong takasan ang kung ano mang sakit na dulot ng malupit na latigo ng buhay"
Bigla kong usal.
"Ang lalim naman, di ko ma langoy"
Napahagikhik ako, baliw talaga.
"Hindi sagot ang pakpak"
Nilingon ko siya, nahigit ko ang hininga ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? HUmaygad!
Erase! Erase! Si Caleb ang mahal ko kaya nga dapat sa kanya ko lang to mararamdaman. Pero... may effect naman si Naveen sakin minsan. Hala! I mentioned his name. Tae na! nababaliw nako.
May crush ba ko sa kanya?
Eh? Hahaha... wala ah. Miss ko lang si kuya kaya ganito ako kung maka react sa kay Naveen. Tama! Namimiss ko lang si kuya.
"Ano nga ba?" tanong ko.
Ngumiti siya sakin. OMG! Feeling ko nagsipaghulugan ang mga ngipin ko sa hiya dahil sa kaputian ng ngipin niya. Ano kayang toothpaste niya?
Hehehe, joke! Nakakabreathtaking ang ngiti niya. Ang gwapo pala niya talaga pag nakangiti. Is this the first time I saw him smile? I guess so...
"Alam mo, sana nakangiti ka nalang palagi. Kasi ang bait mo tingnan pag ganun"
Bigla kong sabi. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Eh? First time ba niyang makarinig ng compliment? Hala... hala... hala... mas lalong ngumiti pa ang loko. May sayad na to. Anong uri ng gamot ba ang nainom nito kanina?
"Genuine compliment that's why I smiled"
Aaahhh, kaya naman pala. Ako di ako sanay sa mga compliment, ayoko rin naman ng ganun. Di bale ng ako ang humanga kesa sila sakin. Asa rin naman sila na may dapat kahangaan sakin, eh pinagtatawanan nga lang nila ako kapag nadadapa ako sa hallway paminsan-minsan. Wag niyo na itanong kung bakit, basta nadudulas lang ako, accidentally.
"Luna"
I stiffened as I heard the name he used to call me. No one called me that even Vanilla and my parents.
"B-Bakit?"
"Anong meron sayo? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko pag anjan ka?"
Napanganga ako. Ano bang pinagsasasabi nito?
"A-aba ewan k-ko sayo! I-ikaw lang k-kaya ang nakakaf-feel niyan"
Sabay iwas tingin. Shit! Ang init ng tenga at pisngi ko. This is so not me. Never pa akong nag stammer nor nahiya.
"Hahaha... maybe ako nga lang"
Nanginginig ang mga kamay ko sa nerbyos. Ano ba to? Napaparanoid na ata ako. Winter, pst! Wala lang yung sinabi niya, walang-wala lang yun. Ano ka ba, baka nga pinaglololoko ka nga lang ng itlog na yan eh. Tama! Isang waley na joke!
Humarap ako sa kanya...
"Hoy It-----"
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng salubungin niya ako ng halik.
Sheep! He stole my first kiss!
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.