Arrow 2
NAVEEN’s PoV
"Are you crazy? I'm not going and I'm not gonna do that stupid thing!", tigas kong sabi.
"Oh c'mon para kunting favor lang eh ang arte pa. Tsaka sige ka baka magtampo ang baby girl natin, iiyak yun"
"Will you stop blackmailing me? alam kong ikaw ang nag-suggest sa kanya na ako ang gawing Cupid na yan. Potek!", what the hell is she thinking about?
"Don't be such an inconsiderate man Lil' bro! Minsan lang kung humiling si Meika(my-ka) satin di pa natin tutuparin? How rude!", she crossed her arms and pouted.
I sighed in defeat, galing niya ring mang guilty ng tao nuh? Kung di lang talaga to birthday ng bunso namin papatulan ko to eh.
"Just this once ate, JUST THIS ONCE!"
"YEEEYYY!"
And then she hugged me like there's no tomorrow. This girl thingy sucks!
******
"ANO TO??"
Tinaas ko ng bahagya ang damit na binigay niya.
"Yan ang isusuot mo sa party", nagtaas baba pa ang kilay niya. She's being naughty again.
"Seriously? Brief na may dalang tapis with gold pin? Ito lang? Kinapos ata to sa tela! May laurel pa, ano to aadobohin ako?" binaliktad ko pa ang damit kuno. Anong klaseng greek god ba yang si Cupid, ang manyak! Pa provocative style, Psh!
"Head dress tawag jan dakilang ignorante. At aba pasalamat ka mas desente ang pinili ko pwera dun sa pinili ni Mieka na adult diapers"
"ADULT DIAPERS?!!!!"
"Uh-huh mah Lil' bro. Kaya wag ka ng mag inarte jan. 19 ka pa kaya wag kang pa as if na modelong matured na takot makita ang oozing hot abs at tsaka wala ka nun!"
"I do have!"
"Whatever! Sige alis nako. I still have some errands to do. Ciao!" Hinalikan pa niya ako sa pisngi. Ew!
Anong buhay ba naman to. Sa lahat ng magiging suot ko ito pa. Di naman sa wala akong kompyansa sa katawan ko, ayoko lang talaga ng nahahantad to. Hindi to libreng sine para makita ng lahat. Binaba ko na ang hawak kong tela. Para akong macho dancer nito eh, pero bahala na si batman. Mag mamaskara na lang ako para di naman ako mahiya sa harap nila.
"Lil Broooooo baba kana jaaaan. Andito na sila Mama at Papaaaaa!"
Eh? wagasan lang kong makatawag si ate ah. Parang ang layo ko eh nasa tapat lang naman siya ng pinto ko.
"Don't shout loudly crazy sister. I can hear you, even your whisper!", I rolled my eyes at tinago na sa closet ang tela.
Mabilis akong bumaba at sinalubong sila. I hugged mom but not dad. I ignore him like I don't see him. Napansin naman niya ang pag-iwas ko kaya dumistansya siya ng konti at di hinayaang masagi ako.
I hate him, I hate him that I can't even look at his shadow. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay mom. Pero di ko maintindihan, after all those things he had done nagawa parin siyang patawarin ni mom. Psh! Pathetic, but di ko siya masisisi, fools are those who are inlove ika nga.
"Ma, punta muna ako kina Emman", alam kong pipigilan niya ako kaya naman bago pa siya umangal ay nakatalikod nako at mabilis na naglakad palabas ng mansyon. Diretso sa garahe at kinuha ang sarili kong sasakyan. Ayoko munang mag stay sa bahay, mabuburyong lang ako dun pag nagkataon.
While driving, I heard my phone rang.
I look at her and have to smile,
As we go driving for a while,
Looking nowhere in the open window of my car and,
As we go and see the lights,
I watch them glimmer in her eyes...Ringtone ko, corny ba? Lampake, I love this song. Sinagot ko na ang tawag.
"Bakit?", bastusan lang dre? Yaan nyo nako. It's normal
"Naveen pare cancel muna natin ang laro. Kasama ko girlfriend ko ngayon, were going to the hospital. Dadalawin namin mommy niya".
"Anyare ba?"
"Inatake sa puso kahapon---yes babe, just a sec. O sige tol sa susunod nalang. Sila Isaiah at Caleb nalang ang yayain mo. I bet nag C-COC lang ang mga yun".
"Wag na, tambay nalang ako sa dating tambayan, sige ingat kayo".
I hung up the call. Nakamot ko ang sariling batok. Naman kainis! Kung kelan gusto kong gumawa ng kung ano-ano para di ako makauwi sa bahay. I decided to go to a mall. Tutal pupunta narin lang din naman ako sa dating tambayan, bibili nalang ako ng maiinom para di ako mabored kung sakali. Pero naisip ko na boring talaga dahil ako lang mag-isa kaya lumihis ako ng daan at pumunta sa magkapatid na Isaiah at Caleb.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.