Arrow 69

15 0 0
                                    

Pagkatapos ng pagsigaw na yun ni Winter ay mabilis na napalabas ang kanyang mga kaibigan at nakita nila itong parang nanginginig na sa takot.

“Oh my god!”, yun nalang ang tanging nasambit ni Vanilla. Alam na niya ang galaw na yun ni Winter.

“Anong nangyayari?”, tanong naman ni Caleb.

Maya-maya pa ay nakita nalang nila na napaupo sa sahig si Winter at parang kausap ang sarili.

“Layuan mo nako! Layuan mo nako!”, nagsisigaw ito habang sapo ang ulo.

Napalabas narin ang mga magulang ni Naveen dahil sa narinig.

“Anong nangyayari?”, tanong ng ina ni Naveen.

“Mom---“ yun lang ang tanging nasagot ni Chean habang umiiyak din.

Gustong hawakan at pakalmahin ni Naveen si Luna pero tinatanggal nito ang kamay niya. Malamig ang balat nito at pawis na pawis. Sa nakikita niya ay takot na takot na Luna ang kasama niya ngayon. Ayaw niyang nagkakaganito ang taong mahalaga sa kanya. Kaya naman lumuhod siya paharap nito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

“Andito lang ako Luna… di kita iiwan…”

Bigla itong tumigil at umiyak…

“Naveen…” sabi nito at niyakap siya.

Ito palang ang una na tinawag siya nito sa pangalan niya. Gusto niyang kiligin ngayon pero di ito ang tamang panahon.

Lumapit si Chean at hinaplos ng dahan-dahan ang nanginginig parin na si Luna.

“Belle… forgive me… It wasn’t my intention to hurt my bestfriend. Sa mga panahong yun ay wala na talaga akong maisip na takbuhan kundi si Alexander nalang. Maniwala ka… mahal ko ang kuya mo at wala akong plano na mangyari yun… maniwala ka sana sakin Belle”, sabi niya at patuloy na umaagos ang luha.

Lumingon si Winter kay Chean at nakipagtitigan dito. Dahan-dahang tumaas ang kamay ni Winter at marahang hinaplos ang buhok ng dalagang nasa harapan.

Binuhat ng ama ni Naveen si Winter ng makatulog ito habang kandong ni Naveen. Pagkatapos mahiga sa kama ay maingat itong kinumutan ni Naveen. Pagkatapos ay humarap siya sa kanyang ama.

“Okay dad, care to explain?”

Nagkatinginan muna ang kanyang ate, ama at ina. Humugot muna ng isang malalim na hinga si Chean at humarap sa kapatid.

“I had a bestfriend whose name is Alexandre Ravenlee, the owner of Belleza Academy. Magkaklase kami sa Amerika dati nung dun pa ako nag- aaral. After three years na pagkakahiwalay ay nagkita ulit kami dito sa pilipinas and that was the start of our friendship. I fell inlove with him pero di niya alam. At wala rin akong balak na sabihin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan na meron kami. Until I met Darwin Velmort. Di siya kilala ni Xander dahil nung mga panahon na nakilala ko si Darwin ay nagkaroon kami ng sarili naming mundo. Siya sa school at kay Belle… ako naman ay pagpipinta. Na divert ang pagmamahal ko at nabaling kay Darwin. He courted me and I accepted him. Pero di ko naman alam na isang pagkakamali pala yun”.

Nagpunas muna siya ng luha bago tumuloy.

“Dun ko palang nakita ang isang ugali niya na maski kahit kelan ay hindi ko inakalang meron siya. Sobra siyang possessive na umabot pa sa puntong pati ang aso ko ay pinatay niya dahil sa selos. You were still young that time Naveen and di ko yun pinapahalata lahat sayo dahil ayokong madamay ka. Then one day, Darwin raped me…”

Everyone gasped, napakuyom naman si Naveen sa kanyang narinig.

“D-Di ko na natiis at naglayas ako. I told him na nagkamali ako ng ibaling ko ang pagmamahal ko kay Xander sa kanya. He berserk and almost killed me ng mag mention ako ng pangalan ng lalake. Dahil sa takot ko ay tumakas ako at umuwi dito sa bahay. Pero narinig ko nalang sa kapatid niya na sinugod niya si Xander sa eskwelahan nito. Di nako nagdalawang isip at pumunta sa school only to see Xander with bruises and swollen lip at karga karga si Belle.  Akala namin ay napatumba na namin siya pero nagulat nalang kami ng may pumutok na baril. Binaril niya si Xander. The next thing I knew ay kaharap ko na siya at pilit na inaagaw ang baril. Nag marinig niya ang paparating na mga pulis ay tumakas siya. Di ko na siya nahabol pa… I blame myself every night and day dahil wala man lang akong nagawa para maprotektahan ang totoong mahal ko. But instead, I became a reason of his death. Nagkaroon kami ng anak ni Darwin… and that is… M-Mieka”.

Gulat ang nakarehistro sa pagmumukha nilang lahat liban nalang sa Mama at Papa nila…

“Alam ko na yan ate…”

Napatingin si Chean sa kapatid,

“Narinig ko minsan sa pag-uusap nila mama at papa ang tungkol sa totoong pagkatao ni Meika. Akala ko noon ay ikinakahiya mo siya kaya naman mas minahal ko pa siya lalo. He needs a father and I made that figure for her”.

Nagyakapan ang magkapatid pati narin ang kanyang mga magulang ay nakisali. Matapos ang mahabang iyakan at ngitian ay nagpasya na silang matulog.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon