Arrow 8
I used the elevator, kakapagod mag hagdan eh nasa eight floor pa yun. Makikita mo Elton, patay ka sakin ngayon. Ang ayoko sa lahat ay yung di nag eexist ang salitang FAIR sa bokabolaryo ng kokote nila. I'm not yet wearing my school uniform kaya asahan niyong naka black skin tight jeans, navy blue na tank top at khaki na cardigan lang ako. I wore my most favorite half shoes. Bukas ipapadala na ang uniform ko sa dorm. And as what I have seen sa mga students, okay naman ang mga uniforms not like from the other academies na hantad ang mga legs. Ash gray ang kulay ng skirt 1inch above the knee. White long sleeve naman na may ash gray din na necktie ang pang itaas. Naka insert ang white sa skirt. Sa mga boys ay ash gray ang pangbaba. May white long sleeves din na pinatungan ng ash gray na vest with collar. Sa necktie ng girls ay makikita mo ang patch o logo ng school, A black eagle whith a red flame encirling it. Naka spread ang wings paharap sayo. Yun ang pinili ni kuya kasi sabi niya, we BELLEZA's are like eagles who soar high through the encircling flame of hendrances. We will succeed. Sa may bandang kaliwang dibdib ng vest ng mga boys ang logo ng school.
Chos! Galing ni kuya nuh?! hehehe... Nakita ko na ang hinahanap ko. Andun ang putrages na principal, nag piperma ng kung anu-ano.
"Buti naman at ginagawa mo ang trabaho mo"
Nabigla ito ng makita ako. Mabilis itong tumayo at yumukod. "Lady Winter".
"Di ko gusto ang ginagawa ng anak mo. Unang-una dahil wala kaming nilagay ni kuya na pyramid system sa eskwelahang ito. Pangalawa, layunin ng school ang ipakita na fair ang treatment sa lahat ng studyante. Mapa lampa o hindi. Pangatlo, ang ayoko sa lahat ay yung ginagamit ang kapangyarihan para maging reyna ng lahat", Nakita ko ang takot sa mga mata niya.
Oh my gosh people! I'm not a gangster para katakutan nuh. Maldita lang ako ng slight pero di ako mamamatay tao. Nuh kala niyo sakin? Killer?
"I will fix my daughter Lady"
"Makasabi ka ng fix sa anak mo kala mo naman sira ulo. Disiplinahin mo nalang, baka pag ako ang di makapag pigil mapahiya ko pa yun. But I respect you that's why I won't do that FOR NOW",
"Yes Lady winter, Thank you"
Umalis nako at bumalik na ulit sa room. There I saw my classmates doing trash. Ang gulo, di ko nalang sila pinansin kakapagod. Pinuntahan ko nalang sarili kong pwesto at dun umub-ob. Nag saksak ng headset sa tenga at nakinig ng music.
..." Beauty queen of only eighteen
She had some trouble with herself
He was always there to help her
She always belonged to someone else.I drove for miles and miles
And wound up at your door
I've had you so many times
But somehow I want moreI don't mind spending everyday
Out on your corner in the pourin' rain
Look for the girl with broken smile
Ask her if she wants to stay awhileAnd she will b-----"...
Biglang naputol ang pakikinig ko ng biglang may nagtanggal ng headset sa tenga ko.
"Asdfghjkl...ANO?", Paangil kong tanong sa humila. Bwesit ang itlog lang pala. Ano ba problema niya sakin ha?
"Problema mo?" tanong ko. Aba't tinaasan lang ako ng kilay. Saksakin ko to sa kilikili eh.
"Alis ka jan" malamig niyang sabi. Eh? ano siya?
"Dun ka sa upuan mo. Bwesit ka!!!",nakatingin na lahat ng classmates ko dahil sa sumigaw ako. Whatever keverr!
"Alis sabi eh. Kita mong may pangalan ko yan!" tinuro naman niya ang pangalan niya. NAVEEN ELSEWORTH. Lampake!
"Pakyu to death! neknek mo naman, eh ano ngayon kung sayo to?" bumalik ako sa ginagawa ko pero naramdaman ko nalang na may humila ng kamay ko para maalis ako sa kinauupuan ko. WTF!
"Pag sinabi kong alis, Alis!"
Narinig ko namang may tumawa sa likod ko kaya masama ang mga mata kong tumingin sa tumawa. Patay ka sakin kalbo ka. Binato ko siya ng papel sa ulo, yun bullseye!
Tawa ng tawa naman ang itlog sa nakita, kaya binato ko rin siya ng notebook sa mukha, di akin yung notebook ah nakita ko lang sa desk niya. Nabigla naman ito, kaya bago pa ako mapektusan ay tumakbo na ako palabas habang tawa ng tawa.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.