Arrow 30

31 1 0
                                    

Arrow 30

Spell boring, capital K-L-A-S-E!

Kainis naman kasi, ang boring na nga ng araw ko mas lalo pang naging boring dahil sa mga di makatarungang topic na dinidiscuss nila. Sa english-literature, math-trigonometry, science-periodic table, economics at Mapeh Arts-batik. Amboboring, walang ka challenge-challenge. Di man lang ako nabuhayan ng interes. Kunsabagay, alam ko naman na ang mga topic na yan.

Tiningnan ko si balot na natutulog… wala ng pilay sa braso.

KkkkRrrrrrIiiiiNnnnGggg....

YES! Save by the bell. Thank god! Dahil kung hindi pa tumunog, naku malamang sa malamang kanina pa ko nabaliw at nag ala takas mental.

"Uyy... Vanilla una kana pala sa Caf. May iiwanan lang ako sa locker. Saglit lang ako, babalik ako agad"

"Sabi mo yan ah. Sige maghihintay lang kami ni Drae dun"

"O sige, ingat!"

Naglakad nako papuntang locker. Wala man lang katao-tao sa hallway ah. Kaka-ring lang ng bell di ba dapat ay marami ang nag bubukas ng mga locker nila ngayon? Ang creepy naman... para tuloy akong bida sa isang horror movies. Yung maglalakad ang bida sa hallway tapos patay sindi ang ilaw at kapag malapit na siya sa kanyang destinasyon ay dadating yung killer at bigla siyang sasaksakin or whatever ways of killing a beautiful woman! Oh my gosh! What will i do? Sayang naman ako pag tsutsugiin agad ako sa mundo.

"Boo!"

"Kkkkyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh.......!!!!!!!"

Napasigaw ako at mabilis na tumakbo, liliko na sana ako papuntang caf pero may humila ng kamay ko at pinaharap. Pumikit nalang ako, waaaahhhh ayokong makita ang killer ko baka pangit siya at may matalas at gold na ngipin. Baka...baka luwa ang mata niya, durog ang ilong, mabaho ang bunganga dahil sa kinakain niyang raw meat. Ewwwwww... di ko kaya! Di ko kaya!

"Pfftt... Ha-Ha....AHAHAHAHAHAHAHA... Anong mukha yan Nyebe ha?! Natakot ba kita? HAHAHA... SUCCESS!"

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ang lapit kasi ng mukha niya sakin, inch nalang ang pagitan. Kung di lang nakaka-mesmerize ang tawa niya nakuuuu nabalian ko na to ng daliri dahil sa trip niya, on the second thought wag nalang... kakagaling nga lang pala ng bali niya sa braso. Pero nakakahawa ang tawa niya dahil sa mga mata niyang nakikitawa rin. Kaya tumawa narin ako.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..."-ako

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..."-siya

Natigil ang pagtawa niya ng napansin niyang ako naman ang naluluha sa kakatawa. Hahaha... di ko talaga kasi mapigilan.

"Ba't ka tumatawa? Wala kang karapatang tumawa dahil ako ang nanakot sa mukha mo"- siya

"Ahahahaha... eh ba't naman di ako matatawa kung nakakatawa ang tawa mo? Ahahahahaha" tawa ko paring sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga jan sa buhay mo"

"Luh pikunin! Hoy itlog wag kang mang-iwan"

Naglakad na kasi siya paalis. Aba iniwan lang ako, tindi niya lang. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Tahimik lang kami ng nilagay niya ang mga kamay sa bulsa at lumingon sakin ng nakangiti. Ako naman lumingon din at napangiti sa kanya. Minsanan lang ang mga ganitong ugali niya, pag walang tao, unti-unti kong nakikilala ang isang Naveen. Mabait, sabog tumawa at makulit na isip bata minsan. Napahawak ako ng mahigpit sa notebook ko. Ang puso ko, nagririgudon.

Landi landi rin ako pag may time. Hehehe ^_____^ V

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon