Arrow 10

34 1 0
                                    

Arrow 10

"SUNOOOOOOGGGGGG"

"AAAAAHHHHHH", pupungas-pungas akong napabangon mula sa higaan at hinanap agad kung san ang sunog.

"San ang sunog? Asan?", buset! ayoko pang maabo. Sayang ang lahi ko pagnagkataon.

"Ahahahahaha", naningkit ang mata at lumaki ang butas ng ilong ko. Nag imagine pa ko na naguusok yun. Hahaha, Joke!

Binatukan ko siya dahil sa inis. "Buset ka! papatayin mo ba ako sa nerbyos ha?", nagpout siya at ngumiti ulit. Loko to ah.

"ang hirap mo kasing gisingin kaya sumigaw nako ng sunog. Epektib naman" plus two thumbs up, ani Vanilla. PWE! sakit niya sa bangs.

Tumayo nalang ako at naghablot ng tuwalya na nasa buhok niya. "Akin yan uy!", inisnaban ko lang siya at naligo na. I do my everyday ritual in the bathroom and then voila! Feel my baby skin, yeah baby!

"Ano yan?",tanong ko ng may makita akong kahon sa ibabaw ng kama ko.

"Duh, uniform of course "Lady Winter", she rolled her eyes heavenwards then smirked infront of my face. Tanggalan ko siya ng eyeballs eh.

As I opened the box I saw a letter inside. Oh! at wala man lang akong kagulat-gulat ng galing yun sa kung sinong manyak na nagsasabing "See you later". Psh! anong akala ng taong to, romantic ang letters? Well, romantic naman talaga para sakin.

"Ansabe?"

"Wala, morning breath issues kaya sa sulat niya dinaan ang message niya para sakin". This is my second day in school pero wala man lang ka thrill-thrill. May nakita na akong mga familiar faces and I told each one of them na manahimik tungkol sa totoong estado ko dito sa school. they all agreed naman tungkol sa favor na hiningi ko.

Minsan may napapansin akong yumuyuko but sinasaway ko sila. It's too formal, hindi ko gusto. Wala pa namang nang-aaway sakin kahit pa sinabihan ko ng bitch ang bitch na si Jessica. Di ko talaga siya gusto. Masyado siyang plastik at panget. Ahahaha... joke lang. Maganda naman talaga siya.

Lumabas na kami ng dorm. Malapit narin kasi ang oras ng klase. "Caf muna tayo Winter",aya sakin ni Vanilla. Huminde ako at sinabing siya nalang. Nauna na akong maglakad papuntang room, pero nagtataka ako kasi kunti lang ang nasa hallway when kahapon naman ay ang ingay ingay. May nagtitili pa.

Napalingon ako sa may bandang kaliwa ng hallway ng may marinig akong nagbubulungan.

"Di ba siya yung kahapon..."

"Yeah! kala mo naman kung sino. Makasabi ng Bitch sa kay queen Jess"

"Sana naman ikick-out siya ng principal. Wala siyang modo"

Ako? makikick-out? Ha! asa pa sila. Baka sila pa nga ang ikick-out ko eh kasi imbis na mag-aral, ayun nag tatambay lang sa hallway at nagtsi-tsismis. At tsaka isa pa, lampake kung maging bitch man ako sa paningin nila. Duh! I’m not like Queen Jess that they’re talking about, a made in china plastic doll. Psh! Nilingon ko sila na seryosong ikinagulat nila. I smirked and walk towards them. Sa sobrang tahimik at tense ng paligid ay yung yapak ko nalang ang tanging maririnig.

TOK!

TOK!

TOK!

“Excuse me?, may I ask where is everybody?”, I approached them like I’m some kind of a naïve girl who doesn’t know how to commit a crime.

“A-ah, n-nasa ballet theater sila. M-may humamon daw kasi ng ballet kay Olivia at queen Jess”, she kinda stammer but nah, nakabawi naman siya.

“Oh,okay! Thanks.”

Ballet huh! Matingnan ko nga. Pagdating ko palang sa may pintuan para papasok ay naririnig ko na ang ibang hiwayan ng mga estudyante. Napa-isip tuloy ako kung ballet ba talga yan o boxing. Grabe makahiyaw ng mga taong to. Sumalubong agad sakin ang medyo dim na lights mula sa itaas. Tiningnan ko ang mga nasa stage. Si Jess at Olivia, nakatutok sa kanila ang spotlight. Pasikat! Psh!

I admit, they’re great. Pero as far as I know ballet is just for sissy girls kaya nga mas pinili ko ang archery kasi ang astig. And one more thing, parehong kaliwa ang mga paa ko. Hahahaha…

Di na sana ako masho-shock kung di ko lang nakitang hinalikan ni Olivia si Caleb sa pisngi. That brat, kapal naman ng labi niyang color violet para halikan ang cupid ko. At plus irita mode din ng halikan ng Jessica na yun si Naveen. Lampake sana eh kung di lang nang-iinis ang titig ng bruhildang yun sakin. Nag walk-out nalang ako at pumunta sa room.

Badtrip. Nakaka badtrip talaga!

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon