Arrow 13

33 1 0
                                    

Arrow 13

Wala naman akong magawa na talaga sa buhay ko kaya naglibot na ako sa buong school. Busy ang lahat, nag announce kasi si Principal Elton na kasabay nalang daw ng Sportsfest ang BELLEZA FESTIVAL. Kanya-kanyang gawa ng booth ang mga estudyante. Merong may nag jail booth, horror booth, maid café, at syempre mawawala pa ba ang pinaka bidang booth sa lahat, marriage at blind-date booth. Panigurado maraming pipila sa booth na yan. Pinoy pa!

“Uyyy… mahirap daw ang magiging kalaban ng BELLEZA’S flaming archers, totoo ba yun?”

“Aba syempre naman. EVERGREEN academy pa, eh malalakas din kaya ang mga black archers”

“Pero sana nga bumalik na yung legendary archer ng BELLEZA. Yung bata pa pero ang galing ng mang bullseye!”

“Oo nga nuh!”

So ang black archers pala ang kalaban ng flaming archers. Natatakot ako, narinig ko narin kasi dati na marami na silang napatumbang kalaban. Na sa di malamang dahilan parang may mga buhay daw ang pana nila na deretsong sa pinakasentro talaga ng target natatama. Di ko pa sila nakitang lumaban kaya naman gusto kong sumali ngayon. Duda ako na may ginagawa sila kaya sila nananalo. Tao lang sila, para sa tao tsamba lang ang maging perpekto at di sila exempted dun. Well yes I love bullseye but nagpakahirap muna ako sa training bago ko naabot ang rate na yun. I almost die but survived.

Pagdating ko sa may Archer hall hinanap ko agad ang team captain. Si Therese. Di niya ako napansin kaya naman nabigla ko siya ng kunti ng inaapproach ko siya.

“Gusto ko sanang sumali sa Flaming archers ngayon”

“Sure ka ba? Di kami tumatanggap ng di pa masyadong marunong. Kung gusto mo, dun ka muna sa beginners ward. Kalabanin mo muna ang kapwa ko archers. If you pa—“

“Are you questioning me my ability? I’m playing archery since I am nine and I can say that I master it now”

Taas noo kong sabi sa kanya.

“Are you sure Miss?”, hambog niya ring tanong sakin.

“Wanna bet?”

“Sure! Have a battle with him”

Sabay turo niya dun sa isang lalaki na naka blue at focus na focus sa pagtitira. Binaling ko ang tingin ko sa kanya.

“Sure”

Lumapit ako sa may mga bows. Pinili ko yung isang simpleng red bow at ilang arrows. Di naman ako mayabang it’s just that ayoko lang talaga ng kinikwestyon ang mga bagay na kaya ko namang gawin. Maybe it can’t be seen in my looks, but all looks are truly deceiving.

“Tumira ka ng tatlo, isa isa sa bawat target. Shoot them continuously”

Sabi ko sa kanya na nakapag-isa ng kanyang kilay. Ngumisi pa siya sakin, yabang niya lang ha.

Unang tira niya palang bullseye na, sa pangalawa at tsaka sa tatlo. Lahat walang nagmintis. Pero kung susumahin ko ang oras, Inaabutan muna siya ng tatlumpung Segundo bago makatira para sa susunod na target, ibig sabihin di pa siya mabilis kung patungkol na sa accuracy. Kung gusto mong maging legendary, be fast but solidly accurate in your calculations.

Tumayo ako sa pinakagitna ng linya sa shooting point. Ayoko ng humahakbang pa’ko sa kada target para lang makatama sa sentro ng target parehas lang naman yun pag dito ka nakatayo. Inayos ko ang tindig ko at maingat na hinila ang string sa bow na may kasama ng arrow. Since my right eye is dominant. Left hand is the one who pulls the string.

One…

Two…

Three…

Mabilis kong itinira ng paisa-isa ang mga arrows at sunod-sunod kong tinira ang lahat ng targets. Kita kong napanganga ko sila dahil sa ginawa ko. Nahati lang naman ang tatlong arrows ng kalaban at arrow ko ang pumalit sa pwesto. Kaya don’t you dare bitches!

“Kasali na ba ako CAPTAIN?” inemphasize ko pa talaga ang captain. Di naman siya nakasagot agad. Naurong ko ata ang dila niya.

“S-sure!”

“I want to beat the Evergreen’s star player of archery!”

Yun lang at nagmartsa nako palabas. Ibig sabihin pala, simula ng mawala ako ay puros pipitsugin lang ang kanilang kinakalaban? Tsk! I am disappointed. What’s the use of training if improving don’t exist in their abilities? Kung ang ganung abilidad ay natalo ko agad how much more sa mga taga Evergreen na halimaw sa field. Kung ira-rank ko ang mga tao ng captain na yun, babies pa lang sila.

I don't want to use my power in this school but this time I want to overpower Therese. I can't afford to see my school loose from those cheating assholes. I have to see Elton and talk about this matter.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon