Arrow 28
*NAVEEN's POV"
Nagising ako na may tahi na sa ibabang bahagi ng kaliwang kilay at may band-aid ang ibang bahagi ng mukha. Naka semento narin ang kanang braso. Nilibot ko pa ang paningin ko, tsk! Andito pala ako sa clinic.
Oo nga pala si Luna. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang katabi ko. Natutulog rin, yun nga lang pawisan siya at may cold compress sa noo. May lagnat siguro siya kaya siya nahimatay kanina. Pero tinulungan niya parin ako sa hambog na Christoff na yun. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang cold compress. Kumuha ako ng basang towel. Piniga ko yun gamit ang isa kong kamay at pinunas sa kanyang noo, pisngi at leeg. Pagkatapos ay kumuha naman ako ng tuyong towel at pinunasan ulit siya.
Ang ganda niya talaga kahit kelan. Kahit pa minsan ay tomboy na siya tingnan dahil sa sobrang ka astigan. Kahit babae siya ang cool parin. Pero nung makita ko siyang umiiyak I discovered how fragile she is. Siguro yun ang dahilan kung bakit mas lalong nahulog damdamin ko sa kanya.
Nakakatawang isipin na akong kinababaliwan ng karamihan ay nababaliw narin sa isang babae.
Napakislot siya, siguro ay dahil sa masakit pa ang ulo niya. Kumurap-kurap pa siya bago tuluyang nagising.
"Hey" sabi ko sabay ngiti.
"Hey" gaya niya rin sakin at ngumiti. Ang cute talaga.
"Okay kana ba?" tanong niya.
"Hahaha... ako dapat ang nagtatanong niyan. Okay kana ba?"
Umiling siya, "Masakit parin ang ulo ko. Feeling ko parang may humahawak ng mahigpit sa noo ko".
Nag-alala naman ako sa sinabi niya. Mas worse pa pala ang lagnat niya kesa sakin. Yung akin kasi eh after an hour ay nakakaginhawa agad ako.
"Tingnan ko nga", sinalat ko ang ulo niya. Mainit parin.
"Teka nga, ba't mo ba inaway si Christoff kanina? Ang laking gulo ng ginawa mo" sita niya sakin.
Napakamot naman ako sa batok ko. Ano naman ang irarason ko? Alangan naman na sabihin kong nagalit ako dahil ang kumag na yun ang sinisi ko sa pagkakahimatay niya. Na nagseselos ako that time at gusto ko ng may masuntukan. Hayst...
"Wala, trip!"
Nakatanggap naman ako ng pektus sa kanya. Grabe lang, kahit may sakit na may lakas parin para mamektus sakin. Tibay niya rin ha.
"Dahan-dahan, kita ng may tahi ako eh"
"Mukha mo trip! Sa susunod wag mong pairalin yang utak mong itlog ng di ka mapa-away"
"Tss... maka itlog ka sakin. Ang pogi pogi ko yan ang tinatawag mo sakin" sabay pa mr. pogi ko sa harap niya. Tinawanan naman niya ako at sinabihan ng timang. Oo na, ako na ang nagiging corny. Pero okay lang at least napatawa ko siya.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.