Arrow 61

18 0 0
                                    

Naveen's POV

"LUNAAAAA...LUNAAAA"

Napamura ako ng bigla akong makaapak ng dahon at madulas. Mas lalong lumakas ang ulan at tila ba hahalik na ang kidlat sa lupa. Kahit madilim ay pilit kong inaninag ang kapaligiran. Pinilit kong mag-adjust ang mata ko. Unti-unti ay humina ang ulan at naririnig ko na ang agos ng ilog.

Sa ilog!

Mabilis ko yung tinungo. Malakas at mabilis ang daloy ng tubig at mukhang tumaas pa ang lebel nito dahil sa malakas na buhos ng ulan kanina.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH..."

Huh! Boses yun ni Luna!

"LUNAAAA..."

Patakbo kong tinungo ang pinanggagalingan ng boses niya at di nga ako nagkamali. Siya nga yun. Nakita ko siyang nakahiga sa gilid ng ilog at wala ng malay.

"Luna"

I tap her face para magising siya pero parang ako pa ang nanlamig ng makita ko ang kulay puti niya ng labi. Freaking six hours of staying in the rain! FUCK... I'm gonna kill myself if something happen’ to her.

Mabilis ko siyang kinarga at tinahak kong muli ang daan pabalik sa camp.

***

"That is supposed to be a joke!"

"Di ko rin naman alam na yun ang mangyayari!"

"Idiot! Pag may nangyaring masama sa Winter na yun at mahuli ka, wag na wag mo kong isasabit. Maliwanag ba?"

"Opo"

"Dahil pag ako dinamay mo... papatayin kayo lahat ng kuya ko"

Naiwang tulala ang lalaki dahil sa banta nito sa kanya.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon