Arrow 26
*WINTER's POV*
Nagising ako na sobrang masakit ang buo kong katawan at ulo. Sapo ko ang noo habang pinipilit kong bumangon. Naramdaman ko ang kamay na nakahawak din sa kamay ko. Akala ko si Naveen pero si Isaiah pala.
Hala! Ba't ba ako nag eexpect? Asa naman na may awa yun sakin.
(A: kasi nga di ba naging sweet siya)
Oo author, pero duh! Kalokohan niya lang yun
(A: aba malay mo kung totoo pala yun)
Malay ko rin sayo, ikaw kaya ang author neto...
(A: huy! Ang manners mo! Tanggalin kita jan)
He-he-he...si author naman, de ne meberow!
Pero seryoso, ba't si Isaiah lang ang andito? Namalayan niya ata na nagising na ako kaya nagising narin siya.
"Gising kana pala"
Nginitian ko nalang siya. Masyado pang mabigat ang pakiramdam ko. Parang pati pagsasalita ay nakakapagod.
"Ang taas ng lagnat mo kanina, kaya pala pawis na pawis ka. Buti nalang nadala ka agad dito. Nalagyan kana ni Ms. Kelly ng cold compress kaya medyo bumaba yung lagnat mo. O eto inumin mo para di ka masyadong mahilo"
Grabe lang, ang caring ni Isaiah. Kung maka explain siya sa harap ko parang si kuya lang...
Tsk! Si kuya na naman...
Ininom ko nalang yung gamot na binigay niya. Pagkatapos ay nag thank you nako. Nilapag niya muna yung baso at pagkatapos ay tinulungan akong makahiga ng maayos.
"Di ba pumunta sila Vanilla dito?"
"Kanina pumunta sila siya nga ang nagpalit ng damit mo eh. Umalis rin siya agad dahil siya ang pumalit sayo dun sa horror booth. Si Drae naki tulong din"
"Eh si Naveen ba?"
Nakita kong napahinto siya at ngumiti ulit pero di niya ako tinitingnan. Busy lang siya sa pagbabalat ng orange. Ambango naman. Favorite ko talaga yan.
"Pumunta rin siya, actually sabay nga kami dito eh pero umalis din siya agad. Di ko alam kung bakit"
Kyaaaaahhhhh... kikiligin na ba ako? Pero hala! Di ko naman siya crush ah. Di nga siya ang taong nakitaan ko ng signs bilang si Cupid ko. Kay Caleb yun.
Pero ewan ko ba, nagugustuhan ko narin ata siya. Aba! Bahala na si batman sa feelings ko. Siguro na like ko lang ang kumag na yun dahil sa mga pambobola niya sakin nung isang araw.
Inabutan naman ako ni Isaiah ng orange, yung binalatan niya na. Masaya ko namang nilantakan yun. Ansarap talaga, juicy! Namiss ko tuloy yung minute maid. Paborito ko rin yun eh.
"Thanks ulit Isaiah ha. Sa pagbabantay at sa orange"
Itinaas ko yung orange at ngumiti sa kanya ng kay tamis. Kita ko namang namula siya. Hala anyare sa mukha niya?
"N-naku wala yun B-Bellebee. He-he-he"
Natigil ako sa pagkain dahil sa ginamit niyang pangalan. Isang tao lang ang tumatawag sakin niyan. Ang bestfriend kong iniwan ko 9 years ago.
*FLASHBACK*
Naglalaro ako sa may playground ng subdibisyon ng biglang umihip ang hangin at napuwing ako. Tin-ry kong tanggalin ang nakapuwing sa mata ko pero mas lalo lang lumala. Kumati ng kumati na siya. Kaya di ko na nakayanan at umiyak nalang ako ng umiyak.
"Uy bata, ba't ka umiiyak"
Tinignan ko yung nagsasalita. Sa nanlalabo kung mata ay nakita ko parin yung mukha niya. Nerd at may hawak na saranggola.
"Napuwing kasi ako. Ayaw matanggal ng puwing sa mata ko" kinusot ko pa uli ang mata ko.
"Tulungan kita. Ganito lang yan oh"
Binuka niya yung mata ko at hinipan. Napakurap pa ako hanggang sa nafeel ko na nawala na yun. Napangiti naman ako at napa-akbay sa kanya. Nagkamot nalang siya sa gilid ng ulo at inayos ang salamin. Tinanong ko pa siya kung bakit nagsusuot siya ng ganun.
"Ba't ka nga pala nagsusuot niyan" sabay turo ko sa salamin.
"Malabo kasi mata ko" sagot niya pa.
Napa ahh naman ako sa sinabi niya.
"Ako nga pala si Isaiah, ikaw?"
"Ah, ako si Winter pero Belle ang nickname ko, nice to meet you"
Napahagikhik siya sa sinabi ko. Nagtaka naman ako at nagtanong kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Sabi niya cute raw ako. Penektusan ko lang siya, he-he, bolero kasi.
"Pwede ba Bellebee nalang ang tawag ko sayo?"
"Bakit naman?"
"Para ka kasing Jollibee, mataba rin ang pisngi mo"
Magagalit na sana ako pero nakita ko kung pano nangamatis ang mukha niya kaya napatawa nalang ako ng malakas. Natigil naman ako at nagkatitigan kami pero bumunghalit ulit ng tawa. Wala lang, feel lang naming tumawa. Ewan ko ba, para kaming kinikiliti na ewan.
"Sige payag ako pero dapat may itatawag din ako sayo"
"Ano naman yun?"
"Kite"
"Huh? Bakit kite?"
"Wala lang, ang kyut kasi ng saranggola mo"
*END OF FLASHBACK*
"K-Kite?"
Kita kong ngumiti siya at tumango. Oh my god! Ang bestfriend ko.
"H-hindi kita agad nakilala, di kana kasi baduy!"
Napasimangot ang damuho sa sinabi ko. Ahahaha... ayaw niya talaga ng tinatawag ko siya dati ng baduy gayung totoo naman.
"Naman Bellebee, hanggang ngayon parin ba?"
"Ahahaha... di na nuh kaya nga ako nagulat di ba kasi di kana ganun at grabe… heartthrob pa! naks!"
Nag sorry ako sa kanya ng marami. At tinanggap naman niya yun. Bigla niya akong niyakap at naramdaman ko naman agad ang yakap ng isang bestfriend na na-miss talaga ang isang kaibigan.
Nagkwento agad kami tungkol sa past kalokohan at jamming namin. Yung pagtakas ko sa 8th birthday ko para maglaro kami sa park at kumain ng ice cream hanggang hapon. Di ko man lang na feel na siya na pala si Kite. Di niya talaga iniwan ang school dahil umaasa siya na magkikita kami. Well, alam narin naman niya na si kuya ang may-ari ng school, of course ikinekwento ko kasi siya kay kuya at si kuya sa kanya.
Nabigla kami pareho ng mukha ni Emman na humahangos ang bumulaga samin pagkabukas ng pinto.
"O Emman, bakit?"
"Bro si Naveen nakikipag-away sa taga Evergreen"
Oh my god!
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.