Arrow 62

16 0 0
                                    

WINTER's POV

"Kuya? Kuya?"

I walk a little closer to him. Napangiti ako ng makita ko ang hawak niya.

"Flowers for my little Belle"

"Ahahaha... Kuya naman, dalaga na kaya ako"

"Really?"

"Oo naman... may crush na nga ako eh"

He puffs a cute little sigh then smiled widely. He patted my head and kissed me on my cheek.

"Go back little Belle, this isn't the time yet"

"Huh?"








"I'm so sorry...Huk!... this is all my fault"

I heard someone saying sorry. Nuh ba naman tong si Koya, nambubulabog! Ke aga-aga ang ingay-ingay. Kita na ngang natutulog pa yung tao.

Itinakip ko yung kumot sa mukha ko para di ko ma feel ang pagtama ng araw sa mukha ko. I'm still sleepy. But as my nose met the blanket, yuck! Amoy gamot!

Gamot?

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata. The Fudge! Ba't nasa ospital ako?

"Luna!"

Napalingon ako sa sumigaw.

"Hoy Balot! Anong kalokohan to?"

Imbes na sagutin niya ako ay mabilis niya akong dinambahan ng yakap.

Whoah! Anyare sa kanya?

Itinulak ko siya palayo sakin kaya ang resulta.

BLAGGG!

Nakatihaya siyang nahulog sa sahig.

“Bastos kang balot ka! Sinong nagpahintulot sayong yakapin ako ha?”

Hinimas muna niya ng mabilis ang ulo na mukhang magkakabukol na sa likod.

“Nyebe!!! Hoooo! Di ka rin sadista, pasalamat ka sakin at mabait ako! Di ako marunong gumanti”

“And so? I don’t freakin’ care…”

Inismiran niya lang ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa siya ang unang nag-iwas at napayuko. Mga ilang minutes rin kaming tahimik at walang ibang ginawa kundi ang magbilang ng langaw. Srsly?

“Oookkaayyy… why am I in the hospital?”

Tiningnan niya ako ulit at pagkuway tumayo. Kumuha ng isang silya at umupo paharap sakin.

“Err…”

Panimula niya pero pinutol ko na. My gosh! Parang nahuhulaan ko na ang sagot niya…

“Please don’t tell me I have a cancer”

“Cancer what-?”

“Di ba may malala na akong sakit kaya ako narito? If I die tomorrow, please tell my mom and dad… na mahal na mahal na mahal---“

Sobrang drama ko na pero pinutol lang ng isang balot ang speech ko.

“Stop! Anong die tomorrow ang pinagsasasabi mo? Nilagnat ka lang dahil nagbabad ka sa ulan, cancer na agad? Level up din yang utak mo…”

“wow ha! Hiya naman ako sa brain mo… may apilyedong dead!”

I cross my arms and snob him. May kasalanan pa sakin ang gagong to ah, ba’t ko ba to pinapansin? Di ba dapat nasa camp kami? Ba’t andito kami sa hospital?

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon