Arrow 45

20 1 0
                                    

Arrow 45

Nakabalik si Winter sa dorm na may baong ngiti sa mga labi. Di naman yun nakaligtas sa mga mapanuring mata ng kaibigan. Ginulat niya ito at sinundot agad sa tagiliran. Napa-igik naman si Winter.

"Sinong sumapi sayo huh? Makangiti ka jan parang nanalo ka sa lotto"

"Bes halika may sasabihin ako sayo!"

At hinila ang kaibigan sa malapit na sofa. Kumuha siya ng throw pillow at nginatngat muna yun tapos tumili ng kunti. Si Vanilla naman ay todo kamot dahil sa di alam ang nangyayari sa kaibigan niya. Kung kanina lang ay parang nadatnan at biglang nag walk out ngayon naman... tsk!

"Bes... hinalikan ako ni Naveen. Kyaaaaahhhhh di ko lang nasabi sayo nuon pero two times na, kyaaaaaaaahhhhhh" itinago pa ni Winter ang mukha dahil sa namumula ang kanyang pisngi sa hiya at kilig.

Napatakip naman ng bibig si Vanilla, "Oh my god! Really?"

Napatango naman ang isa. Bigla silang nagbunyi at nagtatatalon sa sofa, nagkaron ng kunting sabunutan at hampasan ng unan sa mukha. Ganyan na pala ang mga babae pag kinikilig ngayon. WEW!

At ng mapagod ay naupo sa sofa.

"Pano ka ba niya hinalikan?"

"Ano... di ba nag walk out ako kanina, yun sinundan niya pala ako sa garden. Nag asaran pa kami ng kunti tapos yun humiga siya sa may hita ko. Akala ko kasi nun natulog na siya kaya yun nag confess ako na nagka-crush nako sa kanya..."

"WHAT!!!??? Crush mo na siya pero di mo man lang sinabi sakin? I hate you na bes", sabay pout at talikod ni Vanilla kay Winter.

"Uyy... di ko rin naman din alam. Kanina ko lang din nalaman ng makita ko siyang gwapong-gwapo. Tapos yun nga yumuko ako at hinalikan siya sa noo pero hinila niya ulit ako at yun nga... hinalikan na niya ako sa lips. Grabeh talaga bes"

Natapos nalang si Winter sa pagsasalita ay di parin siya pinansin ng kaibigan. Nagtampo na nga talaga ang kaibigan sa kanya.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon