Arrow 29

26 1 0
                                    

Arrow 29

*WINTER's POV*

"Vanilla naman, sige na lutuan mo nako. Pleaseeeeee..."

Nagpa-puppy eyes talaga ako para maawa siya sakin. Hahaha... tumalab naman sa kanya kaya heto nilulutuan niya na ako ng sinigang. Nakauwi na ako sa dorm kaninang umaga. Isang araw lang ang itinagal ko kasi bigla nalang ay bumaba ang lagnat ko. Natuwa rin ako ng malaman ko na nanalo kami sa archery. Yohoo... nagbunga rin ang paghihirap namin.

"O heto na po Young Lady" paasar pa niyang sabi sakin. Di ko nalang pinansin yun at kumuha na ng kanin tapos nagsimula ng kumain. Kaya gustong-gusto ko ng nagluluto itong si Bestie eh, ang sarap kasi.

Halos maubos ko lahat buti nalang hirap akong tumaba kaya confident akong kumain ng marami.

"Grabe ka Winter ang baboy mo"

"Maka baboy ka naman sakin, eh sa gutom lang talaga ko"

Totoo naman talagang nakakagutom doon sa loob ng clinic bukod sa dalawa lang ang nurse at di sila nag eentertain ng students kahit pa kwento kwento man lang ng mga waley para di ma boom panes ang laway namin ay di pa kami inaabutan ng pagkain maski man lang lugaw na walang manok. Grr... ang mahal ng bayad dito sa school tapos ganun lang ang trato nila samin, ikikick-out ko sila at aapakan ang mukha nila na parang ipis!

Sinabi ko lahat yun kay Vanilla pero dedma lang siya dahil tumawag si Drae at nag-usap sila. Grabe lang, mukhang di na ata ako mahal ng bestie ko. Huhuhu... how sad for me TT o TT

After kong kumain, maghugas, magpunas ng katawan. Punas lang kasi bawal pa akong maligo at baka mabinat ako, ay nahiga na ako sa kama ko. Wooo... wala ng mas sasarap pa sa buhay kundi ang mahiga sa paborito mong kama at managinip ng sarili mong Cupid. Ohohoho... my, my! Mukhang maliligaw na naman ata ang panaginip ko sa kay Cupid. O sya, tulog nako mga friends! See you at school... nyt nyt!

ZzZzZzZzZzzzzzz.....................................  | (- . - (|

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon