Arrow 7

28 1 0
                                    


Arrow 7

"Winter kung ayaw mo sa nangyayari wag mo naman sanang iwala ang galang mo sa mga teachers natin. Remember ayaw ni Kuya Alexander na maging bad princess ka. At tsaka namiss ka ng school, namiss ka ng kuya mo", paalala ni Vanilla sakin.

Alam na niya lahat, silang dalawa ni Drae. Di ko na tinago baka sasabog nako pag ako lang ang naglihim. Suppose to be may party na magaganap but minabuti ko ng wag ipaalam sa lahat ng estudyante na ako ang may-ari ng school. Baka maiba ang trato nila sakin. As much as I want to, mas trip ko parin ang binubully if ever dahil nakaka thrill ang may kaaway sa buhay. Di naman ako maldita, pangit lang talaga ang wala akong nasusupladahan ng kunti. Kunti lang naman. Naalala ko pa ang nangyari sa may principal's office dahil sa pagpupumilit nila.

"No I don't want any attention. Let me be an ordinary student here", sabi ko habang naka upo sa dating seat ni kuya. Wala paring ipanagbago yun. Same old seat.

"But Lady Winter, they have to know the true owner"

"AYOKO SABI! I'M GONNA FIRE YOU IF YOU DON'T KNOW HOW TO FOLLOW ORDERS!"

Napatahimik naman silang lahat. I sighed and said my sorry. Tiningnan ko sila isa-isa, I saw fear in their faces.

"Just...just don't let the students know. Di pa ngayon ang tamang oras. And please do tell Elton na bumalik nako"

Yun lang at lumabas nako.

I smiled at her, "Yaan mo na, na BV lang talaga ako dahil nandun yung kumag", sabi ko sa kanila. And yeah andun na naman ang kumag na bumangga sakin. Psh! nakakainis talaga ang pagmumukha niya, gwapo sana ang arrogante lang. Kung maglakad sa hallway conceited na conceited. Neknek niya!

"Hahaha, si Naveen Elseworth ba kamo? Kuu, balita ko eh silang magbabarkada ang crush ng campus. Sa isang titig mo lang ay malulusaw kana. Sa tindig ay dalang-dala ka. Lahat nagkakandarapa para sa kanila. Tawag nga sa kanila 4thCool", explain ni Drae.

,)-_-),   v(^_^)v  ,(-_-(?

"Nabading kana ba brad o sadyang insecure ka lang?", maka kwento kasi ng tungkol sa itlog na yun.

"Ahahahaha" tinawanan lang ako at nag wink pa kay bestfriend. At di rin malandi tong si Vanilla, nag blush ang loka. Whatever keverr!

Yun nga pagdating namin sa may oval eh andami ng mga studyante. May nagpipicture pa na akala mo eh celebrity ang nasa stage. Tinignan ko naman kung sino ang andun.

Eh? yung Olivia sa mall dito rin pala nag-aaral? Well mukha naman siyang mayaman. May kasama pa siyang babae na maganda rin like me, mabait din ang mukha pero ewan ko lang sa attitude. Looks can be deceiving ika nga. Nakita ko naman na parating na yung itlog at ang kanyang mga kasama. Kinawayan ko lang si Caleb at nag belat ako sa kumag. Nabigla naman siya sa ginawa ko. Nainis ko yata kaya ng akmang susugudin na ako ay inawat siya ng kasama niyang nerd na, well cool. Emo rin, kamukhang kamukhang pa nga ni Caleb eh. Sa tingin ko kambal sila. But I don't give a damn anymore. Natoka na mata ko sa nasa stage.

"So everyone alam ko na nabulabog ko kayo sa inyong klase but I'm so excited na ibalita sa inyo ang pagbabalik ng cousin ko. Ang ating one and only Queen Campus si couz JESSICA FELLINE VELMORT"

Tumayo naman yung Jessica at kumaway-kaway pa na parang si Pia Wurtzbach ng Miss Universe. Napagkit ang tingin niya kay itlog. Nakita ko ang pagtamis ng ngiti niya, sinilip ko naman si itlog. Ayun poker face lang. May history ata tong dalawa. Lampake, problema na nila yun. Nagsalita ulit si Olivia.

"Okay as the daughter of the owner of this school"

Napaiknat ang kilay ko. Nagkatinginan kaming tatlo at tumawa ng mahina. Kelan pa nagkaanak si kuya eh NGSB yun. Di rin naman pwedeng ako. Laptrip siya repapips.

"Gust kong igalang niyo ang queen and me as the princess of the campus", nagpalakpakan pa ang mga students. Nakita ko namang umiknat ang kilay ni Jessica. Awtsu! Told ya' bitch siya.

At ano pang mga kaek-ekan ang mga pinagsasasabi niya. Bwiset na bwiset na ko sa kanya. Sinisira niya ang fairness na ipinatupad ni kuya dati. Better see Elton, di ko na gusto ang pamamalakad niya.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon