Arrow 23
Andaming tao sa ground, pero mas ramdam ko ang mabigat na aurang dala ng black archers. Tinitigan ko sila, sinundan rin naman nila ako ng tingin. Ang imahinasyon ko lang ba o ang lahat talaga eh nakatitig sakin?
Antahimik nila, kanina pa pala nagsimula ang laban. Ako na lang ang wala pa. May narinig akong nag pst... lumingon ako. Si Therese, sinesenyasan ako ng kung anu-ano. Di ko naman maintindihan, may pa face palm-face palm pa na sign. Sinenyasan ko rin siya ng EWAN-KO-SAYO-look.
Pagdating ko sa gitna nainis ako dahil bigla ba naman akong tawanan. Problema ng gagung to?
"Hahaha... yung totoo, Captain ka ba talaga nila o isang kaluluwang ligaw dito sa campus?"
Huh? Di ko gets... ng biglang...OH SHEEP! Galing pa pala akong horror booth. Naman! Kinuha ko yung towel na nasa balikat at pinahid sa mukha ko. Pagtingin ko,nyak! Puro pula! Kaya pala nakatingin silang lahat sakin.
"Dami mong satsat Fonzie!"
Napakunot naman ang noo niya sa ginamit kong pangalan. Hahaha... di ba niya like ang bago niyang pangalan. Cute nga eh, kasing cute ng pisngi niya sa pwet! Hahahaha...oops! ansama ko na!
"Sinong Fonzie?"
"Eh di ikaw! Nagtanong ka pa eh ikaw lang naman ang kausap ko"
Di nalang niya ako pinansin, pero halata namang nainis ko siya. Who cares! We're not close FONZIE!
Nagsimula na ang tension sa pagitan namin ng humanda na siya. This is sooo... emegerd! Kelangan niyang tirahin simultaneously ang targets na may iba-ibang distance mula sa shooting point. 18m, 30m, and 70m.
The game was divided into three ends, three lang since this is only a school competition kumbaga parang friendly match lang kuno. Yun ay kung friendly match ang tingin ng mga magkakatunggali sa larong to. We can shoot 3arrows in each end. Time limit given is only two minutes. Dala ko ang Compound bow na gift ni kuya, I know this bow requires time in aiming pero siguro naman kaya kong i-less ang time since sinanay na ako ni kuya na ito ang gamitin ko in every competition.
After the signal ay mabilis na tumira yung black archer. In a second isa-isang nag-unahan ang mga arrows papunta sa target. And the most awesome part is when they are perfectly aligning from red, gold to inner 10. Sa sunod sunod na targets ganun parin. Napatanga nalang ako sa scores niya. My sweats are now running from my face down to my neck. This is crazy! How can he do that? I know magaling ako pero mas halimaw sila. But ng tingnan ko ang arrow niya. Hala kaya pala!
He smirked at me and it give me chills. Nanginig ang tuhod ko. How... how can I beat him?
"Go BESTIEEEEEE..."- Vanilla
"Itaob mo sila Winter"- Drae
"Whooooooo... go baby hands!"-Caleb
"Go Winter! Go Winter! Kaya mo yan"-Emman
"You can do it Belle! You can do it! Whoooo!"- Isiah
"Hoy NYEBE wag kang tatanga-tanga kundi pepektusan kitang mokong ka"-Naveen
Aba! Mag checheer na nga lang pagbabantaan pa ko. Eh kung siya kaya ang gawin kong target. Pramis ma bu-bullseye ko pa siya.
"NEXT from BELLEZA, Ms. Ravenlee"
Naglakad na ako papuntang shooting line. Suot-suot ko narin ang bracer. Nang lumampas sakin ang buset na black archer ay binulungan pa ako.
"The name's Christoff Wagner, hope it ring a bell to you... Sunshine!'
Nang tuluyan na siyang lumampas ay nilingon ko siya. Nabigla ako sa sinabi niya. Ibig sabihin siya si...
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.