NAVEEN’s POV
Masaya ang party. Andaming games na ginanap, may para sa mga bata meron namang sa mga matatanda.
“Okay… sa susunod na laro. Kelangang may kapartner kayo”, sabi ng emcee.
Naghanap na ng kani-kanilang partner. Si Caleb ay agad hinila si Olivia. Si Emman at Emily ay pass na daw muna… alam na, buntis. Si Isaiah ay may balak sanang makipag partner kay Luna kaso ay nahila siya ni Meika.
“Kuya Isaiah, I want you to partner me”
“Eh? Pero baby girl kapa. For big boys and girls nato”
“But gusto kong sumali… waaahhh”
Nagsimula ng umiyak si Meika. Mabilis niya itong inalo at binuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang dalhin ito sa gitna at gawing partner.
“Guess, you will be my partner then”
Napangiti ako sa sinabi ni Luna. Well, siya naman talaga ang binabalak kong maging partner sa simula palang ng lahat ng laro. I grab her hand and pull her to the center. The next game is paper dance.
Nung una ay pa chill chill lang kami pero ng nasa ika apat na tupi na kami ay di na kami nakailag sa choice na kelangan naming magyakap. Pag stop ng music ay mabilis niya akong nahila at niyakap. Nalanghap ko ang pabango niyang amoy bulaklak. Yung mga kamay niya ay nakapulupot sa leeg ko. Yung isang paa ay naka-apak sa papel at ang isa ay nasa ere. Ako naman ay nakayakap ang mga kamay sa beywang niya. Ang dalawang paa ay naka tiptoe sa papel at parehong nakabaon ang mg mukha naming sa leeg ng isa’t-sa.
“Hoy balot! Wag kang piling jan. Gusto kong Manalo!”
Aisht! Ganda na ng moment eh.. nanira pa.
Paliit ng paliit ang papel hanggang sa isang paa nalang ang kasya. Ang naiwan nalang sa gitna ay kami ni Luna at sila Meika’t Isaiah.
Baby what you see is what you get
Talk to me say what it is
Nobody’s better by your side, baby
Baby what you see is what you get
Talk to me say what it is
Nobody’s better by you side, baby
Please don’t take this lightly
I like you and you like me
Just don’t believe the hype babe
I got you and you got me---
Eksaktong pagkaputol ng kanta ay hinila ko siya pero nadulas yung isa niyang paa kaya handa na ang katawan niyang bumagsak sa lupa ng nakatihaya. Pero mabilis kong nalagay ang isa niyang kamay sa leeg ko. Hawak ko siya sa beywang niya. Yung kaliwang paa niya ay nasa ere samantalang kanan ang sakin. Yung kaliwa kong paa ay nasa papel pero yung sa kanya ay nasa semento. Sandaling natahimik ang lahat dahil sa insidenteng yun. Wala na akong ibang marinig kundi ang mabilis na paghinga naming at tibok ng puso ko.
“Yeheeeeeyyyyy! Panalo kami ni Kuya Isaiah”
Napabalik kami sa tamang huwisyo ng sumigaw si Meika. Inalalayan ko siyang makatayo ng maayos.
“Sorry ha… nadulas ako”, nahihiya niyang paumanhin.
“Okay lang. Nasalo naman kita”, sabay ngiti ko. Nginitian na niya rin ako. After ng game na yun ay nagsipagkainan na.
“Yehes! My favorite part”, sabi ni Caleb. Bigla naman siyang binatukan ni Olivia.
“Dahan dahan ka nga… puno na plato mo oh”
Si Emman naman ay todo alalay kay Emily.
“Lab, gusto mo ng spaghetti?”, alok niya sa kasintahan.
“Ayoko… yung lasagna lang”
“Ah okay… damihan ko ha”
“Sige… thank you labs”
Ang cheesy talaga… Si Meika kinukulit si Isaiah.
“Kuya… gusto ko ng spaghetti”
“Princess ang dami mo ng nakain na ganyan. Lasagna nalang o di kaya’y lumpia nalang oh”, sabay duldol ni Isaiah ng lumpia kay Meika.
“Eh? Spag ang gusto ko”
Napatampal sa kanyang noo si Isaiah, hahaha… magsawa siya sa kakulitan ng kapatid ko.
“Huy balot! Kumain ka na nga jan… para kang baliw kakangiti! sabi ni Luna habang punung-puno ng pagkain ang bibig.
“Yuck! Ambaboy mo talaga kumain kahit kelan…”, I snort.
“Bakit? May di ba nagmumukhang baboy kapag gutom na gutom na?”
“di wow!”
But at the back of my head… I am smiling. Oo na… siya na ang cute na baboy!
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.