Arrow 47

23 1 0
                                    

Arrow 47

-THE DAY OF CAMPING-

What a beautiful day!

Pero syempre taliwas yun sa feeling ko ngayon. ASDFGHJKL naman kasi, ARGH!!!! Kung pwede ko lang talagang ipamukha sa Jessicang to na "hoy ako ang legal na may-ari ng school at legal na crush ni Balot!", sus kanina ko pa sana yun ginawa.

She broke my rule... nagtransfer lang naman ang gunggong sa section namin. How did she do that? Her father pleaded to Elton, but of course Elton is loyal to me that's why he said no. But that geezer... Jessica's stupid father... threatend him. Syempre ayaw niya daw mapahamak si Olivia kaya siya pumayag.

Bruha kang Jessica ka! Patay ka sa camp! Bububugbugin ko yang anit mo!

"HUY!!!" - Isaiah

"Huh?"- Ako

"Ang lalim ng iniisip mo Bellebee ah. May problema ka ba? Kanina pa busangot yang mukha mo"

"Sus! Wala to", sabi ko sabay sulyap kina Naveen at Jessicang baliw na magkatabi dito ngayon sa bus. Sarap talaga niyang sunugin.

Hayyy naku! Nakaka-istress talaga ang selos...

OOhh... did I say jealous? Nyahahaha... yeah yeah yeah. Selos na kung selos... Pake ba? Nag confess na kaya ako, tsaka siya rin naman. Alam kong oa na ang pagtatago ko sa tunay kong identity bilang true owner ng school but my instincts told me, it's not yet time. Parang sa feelings ko, kahit pa ang OA na ang mag deny pero ginagawa ko pa din. Wala eh, trip ko!

Wala akong ibang ginawa buong byahe kundi ang kumain ng Clover at makinig sa music na nakakaantok sa sobrang mellow. Patingin-tingin lang ako sa dinadaanan namin. Napahinto pa kami sa isang maliit na bayan ng San Fortuna dahil umihi yung si manong driver sandali. Kami namang mga students ay naiwan lang sa loob since wala namang gustong bumaba at bumili ng kung ano. Wala rin akong balak na bumaba, bawal!

"Ate Wiiinnttteeerrr!"

But unfortunately, someone did recognize me. Tch!

Napatanggal ako ng headphone sa tenga dahil sa sigaw na yun. Kilala ko ang boses na yun, kay Junie.

"Junie?"

Di ko makapaniwalang tanong. Ang laki na kasi niya... limang taon narin kasi mula ng huli ko siyang nakita dun sa Villa. Napatingin lahat ng students sakin dahil sa sigaw namin ni Junie.

"Kamusta kana ate?"

"Heto mabuti, maganda parin as usual. Ikaw ba? ang laki mo na ah. I bet nag-aaral kana rin ngayon"

"Ah oo... diyan lang sa may gitna ng bayan. Di kasi afford nila mama dun sa lungsod", sabay kamot sa ulo.

"Naku, okay lang yun nuh. Bayaan mo, bibigyan kita ng scholarship pagkatapos mo ng grade10. Sa senior at junior high mo ililipat kita", nakangiti kong sabi sa kanya.

"Talaga ate? Palagi nalang... hulog ka ng langit", nakita ko ang saya sa mata niya at para bang gusto akong yakapin. Kaya naman nagpasya akong bumaba ng bus at dun ay sinalubong niya ako ng yakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Umiyak pa siya at biniro ko na baka tumulo yung uhog niya sa balikat ko. Inirapan lang ako... good! Good!

"Did I miss something?"

Biglang nagliwanag ang mukha ko ng may dumating pa.

"Prince???"

"The one and only young lady!"

"Kyaaahhhh!"

Bigla ko siyang sinugod ng yakap. Oh my god I so missed this guy. Kung dati hanggag tenga niya lang ako, sus ngayon hanggang balikat nalang.

Tentenenen... meet Prince! My one and only special friend here in San Fortuna. Nagkakilala kami dati nung dinala ako dito ni Kuya minsan, siya yung batang parang si Kite sa paningin ko dahil payatot siya nun pero dati ng gwapo. Hehehe... Sssshhhh, wag sabihin na pinuri ko siya. Lalaki ang atay niya kasi. Nyahahaha!

"Kamusta ang buhay dito?", agaran kong tanong sa kanya.

"actually, nagbakasyon lang ako dito. Namiss kasi ako ng bunso nating si Junie. Eh, sila mom at dad ay dinalaw ko rin. Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?"

Yep, Junie is our little brother. Naisip kasi namin na maghanap ng kapatid since pareho kaming bunso sa pamilya and we both want a younger brother or sister. Sakto namang nakilala namin si Junie na di pa marunong mag shorts nun kaya kita lagi ang pwet at laging nagpapabili ng ice cream samin na ube flavor. Haaayyyy... kinda miss those days.

"Naku napadaan lang kami ng mga classmates ko", sabay turo ko pa sa bus na sinakyan namin. Pagtingin namin ay nakatunghay rin pala samin ang mga classmates ko. And I saw a particular face na medyo umaasim na sa inis. Whatever keverr siya!

"Papunta kaming GC para sa school camping namin"

"Wait are you pertaining to the Golden Campsite?, akala ko pa naman ay pinasara mo na yun simula nung... alam mo na..."

"Wala ah, masyadong magarbo lang talaga ang GC kaya yung mga prestigious schools lang ang nakaka-afford. At tsaka, bakit ko naman yun ipapasara? Dun ko na nga lang lubusang naaalala si kuya", I smiled bitterly.

"Pwede ba kitang dalawin dun? Sa susunod pa kasi ang flight ko papuntang california", nakangiti niyang tanong.

"You're schooling there?"

"Yep!"

"Whoa! Cool!"

"Mas cool ang mag-aral sa Harvard at after two years ay may college diploma na. You're such a genius", sabay iling at cross-arms.

"Ganun talaga ang maganda", yabang ko ring sabi.

Sa pagtawa ko ay nalaglag mula sa ulo ko ang hoodie ng jacket ko. Yes naka hoodie jacket ako for some reasons. People here must not know na andito ako, or else mae-expose ang true me.

"SI LADY WINTER!!!"

Putcha! Expose na naman???

May sumigaw na bata at tinuro ako. May nagsilapitan saking mga tao. Nabigla na ako, syempre. My family owned the half of this barrio, may hacienda at villa kasi kami dito, Villa Luna at Hacienda Alexandre. And almost all people in here are my father's workers. Malaki ang utang na loob nila sa pamilya namin dahil sa kung hindi daw kami nagpatayo ng hacienda ay wala silang magiging trabaho. Baka daw sa kangkongan na sila pinulot ngayon. My family's been good to them kaya naman magiliw sila samin lalong lalo na sakin.

"Lady Winter... nagbalik na po kayo"

"Lady Winter... kamusta na po kayo? Na-miss po namin kayo"

"Ate Winter! Mish you pooo!"

Napangiti ako sa mga sinabi nila. They are all so sweet and dear to me. Sinagot ko naman isa-isa ang tanong nila at nakipagtawanan sandali. Sa sobrang tuwa ay nakalimutan kong andito nga pala ang mga classmates ko at gulat na gulat na. I ignored them. Si manong driver naman ay di nagreklamo at ang teachers naming si Ma'am Karen at Sir Venecio.

"Sige po, salamat po ulit sa pangungumusta niyo. Tutuloy na po ako sa Golden"

Sabay pa silang nag bow at nag bid ng goodbye. Si Junie ay niyakap muna ako samantalang si Prince ay hinalikan ako sa noo at gilid ng labi. It's his normal gesture, at wala rin naman akong reklamo sa ginawa niya since siya ang itinakda dati na ipapakasal sakin pero humindi ako dahil sa wala akong gusto sa kanya at siya rin naman sakin.

"Sa susunod ko nalang dadalawin ang parents mo Prince"

"Sure Winter, I'll tell them na napadaan ka"

"Sige, salamat and I miss you"

"I miss you too"

Tsaka ako sumakay agad sa bus. Lahat nakatitig sakin... but I ignored them. Pero ang di nakaligtas sa paningin ko ay ang matalim na titig ni Naveen. Oh! Siya pa ngayon ang galit gayong siya itong nakikipaglampungan sa isang bitch na nagngangalang Jessica. Bahala siya sa buhay niya at sa utak niyang color green na ngayon. Naupo nalang ulit ako at nag wave sa mga tao. Ng makalayo na ay pinasak ko ulit ang headphone sa tenga ko at nagsimulang matulog.

Lost WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon