Arrow 44
*WINTER's POV*
Inasar ko muna si Jessica bago lumabas ng cafeteria at deretsong pumunta sa garden ng school. Nag demo pa ko kung pano apakan ang isang ipis, hahaha... halatang natakot ko siya. Whatever keverr!
Di naman ako nagselos sa sinabi ni Caleb ang totoo pa nga niyan ay masaya ako para sa kanila. It's just that... bitter ako kaya umalis ako. Hehehe! Anlakas kong mang-asar kay balot ng bitter tapos ako pala tong mas mapait pa sa ampalayang dinikdik ng sampung beses at piniga for 5seconds.
Kaa sar din yung site na yun, di effective! Tch!
Siguro nga ay di nalang ako naghanap ng steps, siguro darating lang siya sa panahong di ko inaasahan. Ganun naman talaga sa love kung kelan pagod kanang maghanap ay dun pa sila kakatok sa buhay mo. Minsan mami-misunderstood pa natin na something bwiset sa buhay natin yung dumating yun pala... sus! Way of destiny nga naman. Hahaha... ang corny ko na ba? Yaan na, ganto lang ata talaga mag senti ang taong zero ang lovelife.
...
...
...
...
Si Naveen...
...
...
...
What about him?
Siya ay isang malaking kabute na biglang sumulpot out of nowhere at ipis na lilipad lilipad sa harap ko para asarin ang buhay kong nakakaasar na. Pero kahit ganun yun ay di ko siya kayang itaboy. Ewan ko kung bakit, siguro ay nasanay na akong anjan siya lage at pinapatawa ako ng palihim minsan.
Hahaha... nakakatawa talaga siya pag inaasar ko siya pabalik. Namumula agad ang pisngi niya, tataas ang kaliwang kilay at maiinis sakin. Padabog pang aalis tapos yun pala hihintayin lang akong sabayan siyang maglakad tapos ngingiting aso.
Cupid is blind, but not me! Dahil alam kong sa kanya pinana ni Kupido ang palasong karugtong ng palaso kong tumama sa puso ko.
My god! Bakit ba kay Naveen ako nagkagusto? Kung tutuusin ay wala naman siyang ibang ginawa kundi asarin ako at tawanan. Well yeah mabait siya minsan aaaaattttt..... sweet din. Yup Yup Yup! Asa rin naman kasi na may gusto din yun sakin eh di na niya namention yung feelings niya ulit. Alangan namang ipa-remember ko, ano ako? BALIW??!!!
I guess I'll just let tamang panahon do his job.
"Tapos kana bang mag muni-muni?"
...
...
...
Hala! Si Naveen andito.
Slow turning of head... and... (gasp)... ngayon ko lang napansing ang hot niya pala pag naka rugged style. A total badass! WITWIwwwww....
"Done checking me?"
Ayyy... nakalimutan kong mahangin pala tong balot na to. Bawal kang tumitig at baka mag-assume siyang nalaglag na ang panty mo sa kagwapuhan niya kunu. Neknek niya!
"Kapal mo naman... nagulat lang ako dahil sa mukha kang walang ligo. Wahahahahaha!", sabay tawa ko ng malakas.
"Ay sus! Ang sabihin mo type mo ko"
Tigidig tigidig...
Ang abnormal naman ng puso ko. Titibok na nga lang yun pang parang sa kabayo.
Namula naman ako sa sinabi niya, natumpak naman kasi. Stupid me! Tinabihan niya ako sa pag-upo. Umusog pa siya palapit sakin. Hinayaan ko lang siya, alangan namang umangal pa ako eh gusto ko rin naman siyang makatabi. Maya-maya pa ay humiga siya at umunan sa hita ko.
"Huy tsansing kana sa hita ko BALOT!"
"Wag ka ng maramot, para hita mo lang ipagdadamot mo pa"
"Aba strictly no trespassing of private property kaya ang policy ko"
"Hehehe... ang kyut mo naman Nyebe, pahiga ha!"
Aba't nambola pa, kaya heto pinektusan ko. Ahahahaha... nag peace sign lang ako ng akmang pipingutin niya ang ilong ko. Nakuha naman sa pa kyut kaya yun nag back to business. Ang matulog sa hita ko. Tch!
*poke*poke*
Di na siya gumagalaw, tulog na ata to. Napangiti nalang ako habang minamasdan ang payapa niyang mukha. Ang gwapo talaga, kahit paman nung una ko siyang makita ay nakuha na niya ang loob ko. Siguro ay di ko lang maamin sa sarili ko dahil kaaway ang tingin ko sa kanya. Sinuklay-suklay ko pa ang buhok niya at inamoy-amoy. Ambango naman!
CLEAR MEN!
Ahahahah... alam ko of course dahil yun ang shampoo ni Dad.
"Di ko alam Naveen... di ko namalayan... nasakop mo na pala ang buong sistema ko"
Kinuha ko yung kanang kamay niyang nakalagay sa tiyan. Hinawakan ko yun ng kay higpit.
"I would be stupid if I won't admit that I really like you"
Inilapit ko ang mukha ko at hinalikan ang noo niya pero nabigla ako ng akmang lalayo na sana ang mukha ko ay hinawakan niya ang batok ko at inilapit ang labi ko sa labi niya.
He's kissing me!
Nung una ay di pa maproseso ng utak ko ang nanyayari pero ng kagatin niya ang labi ko ay pikit-mata akong tumugon sa halik niya kahit paman di ko alam kung pano.
Bahagya niya akong inilayo at humagikhik, nangiti rin ako. Heaven!
"Ako nga ang first kiss mo", sabi niya pa habang hawak ang kamay ko.
Hinampas ko ang balikat niya dahil sa nahiya ako. Alam kong first timer ako pero kelangan pa talagang i mention? Ang awkward kaya.
"I like you too... but I guess it's slowly turning to another level now"
Do I have to say anything? I guess my smiles are enough to tell him how happy I am sa mga narinig ko.
BINABASA MO ANG
Lost WINTER
Teen FictionWhen reality is more deceitful than your own reverie. Winter may find love in her hopeless place but the greater it gets, the more truth uncovers. She needs someone to believed with otherwise her vision of happiness will turn into dust.