Chapter 15 The Date - Part 2

6K 74 5
                                    

"I am a thief. And I'm here to steal your HEART..."

Kanina pa paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang sinabi ni Hero kanina sa restaurant.

Natameme nga  siya dahil sa banat nito eh... >_<

At parang tinatambol ang dibdib niya sa bilis ng pagtibok nun kanina.

"WATCH OUT!" sigaw ni Hero sa kanya sabay hawak nito sa kanyang kamay at hinila siya papunta sa direksyon nito.

Nagulat siya sa ginawa nito. "Huh! Anong nangyari?"

"Muntik ka na kayang mahulog diyan sa butas oh.." (sabay turo sa butas na nasa harap nila)..

HALA! Ang lalim nga nung butas na iyon. Pano na lang pag nahulog siya dun? >_<

"Thanks ha. Buti na lang maagap ka."

"You are such a clutz! Kanina ka pa nauuntog o nadadapa kung saan-saan ah."

Nagtanong ka pa! Eh kasalanan mo kaya.... Ikaw dahilan kaya! o( ><)o Iyon ang gusto niyang sabihin dito pero itinikom na lang niya bibig niya.

Nagpatuloy na sila sa paglakad.

Habang naglalakad, dumako tingin niya sa kamay niya -----errrr NILA pala dahil magkahawak kamay pa rin sila.

Syet!!! Bumilis na naman tibok ng puso niya.

BAKIT hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya???????

Hmmmmmmm.... Pero ganito pala feeling ng may kaholding hands na lalaki.

Para siyang nakukuryente na ewan.... Pero feeling niya very secured siya habang hawak nito ang kamay niya. Feeling niya walang mangyayaring anuman sa kanya habang magkadaupang palad sila.

"Errrr--- Ang kamay ko" sabay nguso niya sa kamay niyang hawak nito.

Wala itong karea-reaksyon. HIndi kaya siya nito narinig???? (´・_・')?

"Where are we really going?" tanong ni Hero sa kanya. "Kanina pa tayo palakad-lakad kung saan-saan ah." iritadong dagdag nito.

Dahil sa tanong nito nakalimutan na niya ang tungkol sa mga kamay nila. At naalala kung bakit sila naglalakad.

Hay, sa sobrang kawindangan niya kanina sa restaurant ay nagyaya siyang maglakad-lakad sila.Sinabi niyang may gusto siyang puntahan pero sa totoo eh wala naman talaga. ^_^

Bilis! Kailangan niyang makapag-isip kung saan sila pupunta. Sigurado, magagalit ito pag nalamang wala talaga siyang balak puntahan.

Pasimple niyang tinignan ang kanilang kinaroroonan.

Swerte!!!!

Nakita niya ang pangalan ng isang mall sa di kalayuan.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon