Epilogue

6.5K 154 78
                                    

 ===================================================

A/N: Epilogue is like a closure chapter daw sabi sa Wikipedia ng sinearch ko. Kaya this is the closure chapter for LIZ. Love you all guys and gals!

===================================================

Malungkot akong nakaupo sa bench kung saan niya napagkamalang multo si JiHoo. Maliwanag pa rin kahit palubog na ang araw.

Wala pa ring nagbago sa lugar na iyon. Sa akin, ang daming nagbago. Katulad lang ng dati, wala ulit katao-tao doon. Tanging siya lang ang naliligaw sa park na iyon. Napayakap ako sa sarili ko ng biglang humangin. Malamig na ang klima dahil ilang linggo na lang pasko na.

Nagpaalam ako kay Lolo Jack na gusto niyang mapag-isa sa araw na iyon. Nakakaunawa naman si Lolo Jack at hindi ito tumutol kahit alam kong nag-aalala ito sa akin.

Ngayon lang siya ulit naglakas loob na pumunta sa park na iyon.

Ngayong araw lang na ito.

Ano bang meron sa araw na ito?

December 5.

Isang napakaespesyal na araw.

“Happy Birthday to me…Happy Birthday to me…Happy -” Bigla akong napatigil sa pagkanta dahil umiiyak na pala siya. Umiiyak na pinagpatuloy ko ang pagkanta. “Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me…”

Napangiti ako ng mapait nga matapos ko iyon.

Today she turned 18.

Today she turned 18 and this is supposed to be her wedding day.

This is supposed to ber her most special day.

But sadly and the reality is, it's not.

JiHoo…

Five months ago. He died.

Five months ago. He died.

He died. And I lived.

Alam kong napakaselfish kong tao, pero ng nalaman kong buhay ako, hiniling ko na sana ay namatay na lang din ako.

Why? Because although she’s breathing right now, kasamang namatay ni JiHoo ang puso ko.

Sa nakalipas na limang buwan, parang may routine lang ang buhay niya. Magigising. Iyak. Iyak.Iyak. Maliligo. Iyak.Kakain.Iyak. Tulog. Iyak. Kain. Tulog. Gising. Iyak. Iyak. Iyak.Ganun lang lagi. Paulit-ulit. Nag-aalala na nga silang lahat sa akin sa bahay dahil sa ginagawa ko. Alerto tuloy silang lagi sa akin.

Binibisita din ako sa bahay nina Alex, Cloud, Dave, Reid, Jessica, at maging si Sumi. Masaya ako kapag meron sila dahil kahit paano nakakalimot ako. Pero kapag wala na ulit sila. Balik na naman ako sa dati.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon